Chapter 21

391 20 2
                                    


Olivia's



"Taste this!" masayang sabi 'ko kay Sternon sabay abot ng kwek kwek, agad naman niya itong kinuha at tinikman.




"Woah, this is delicious!" nakangiting sabi nito. Bukas na nga pala ang alis ni Sternon kaya't sinusulit na niya,



Inaya ako ni Sternon papunta sa firm nila kuya kaya agad ko itong tinawagan pero 'di sumasagot kainis.




Nang makapunta ay pinindot 'ko ang elevator para magbukas ito, laking gulat 'ko nang makita si William kasama ang isang magandang babae, tahimik lang akong sumakay ng elevator.




"Liv, I will treat you for dinner at seafood's restaurant. I will fetch you later at your condo." nakangiting sabi ni Sternon habang nasa loob.




"Sure." sabi ko nalang, saktong palabas kami ng elevator ay nakita namin si Kuya na may hawak ng kape.




"Uy bros and sis." natatawang sabi nito at nakipag-apir kay Sternon at William.




"Hey bro Sternon long time no see! It hurts that my sister is the first person you want to see here at the Philippines!!" madramang sabi ni kuya, natawa tuloy ako.


"Syempre, Who the hell doesn't want to see  the angelic face of your sister." he laughed.



Agad naman akong namula, they talked about something before I excused myself then seated at the steel chair. Napaangat ang tingin ko nang makita si William na tumabi sa'kin at seryoso ang mukha.



"Uy." maikling sabi 'ko, hindi ako nito pinansin at nagphone. Napanguso ako at nag-isip ng matotopic dahil naaawkwardan ako.





"Uhm naalala mo pa ba si Sternon? He's my kuya's friend back in London?"



"Yeah."




"He's funny right? Mahilig din sa mabubulaklak na salitaan." natatawang sabi 'ko. Nagulat naman ako nang tingnan ako nito ng seryoso.



"So? You feel giddy because of what Sternon said?" supladong tanong nito.


"U-uy di ah!" nahihiyang sabi 'ko.




"Good, dapat ako lang nagpapakilig sa'yo."




---




Ilang gabi akong 'di makatulog kakaisip sa sinabi ni William! Wala ba siyang girlfriend para bumanat ng ganon sa iba? Gosh!!





Dumating ang araw na pupunta na kami sa London, winter na don. Inayos ko na ang mga gamit at niready ang passport sa may shoulder bag ko. Napatingin ako sa suv at pagkapasok ay nagulat ako na nandon na sila, napatingin ako sa bakanteng pwesto at don yon sa tabi ni William!




Pagkarating sa airport ay kumain muna kami bago pumunta sa immigration. Maaga-aga kasi kaming nakapunta. Nang makarating sa gatehouse ng airport ay naupo pang kami do'n at nagphone habang ang iba ay nakikipagusap sa mga jowa nila!!





Napag-usapan din pala namin na ang mga lalaki ay sa place ni William habang ang mga babae ay kanila tita. Nagulat nga ako na hindi pa binebenta ni William yung tinitirhan niya dati.




Habang papunta sa seat number namin ay tinitingnan kong maigi ang letters and numbers. Nang makita ang seat ko ay natuwa ako. Umupo ako sa malapit sa may bintana, nagulat naman ako nang tumabi sa'kin si William. Hiyang ngiti ang binigay ko rito.





"Parang dati lang nag-uusap tayo tungkol sa byahe noon tapos ngayon magkasama na tayo." natatawang sabi ko rito, agad akong napasimangot nang tingnan lang ako nito at agad na binalik ang tingin sa phone.





"Suplado naman neto." irap ko sakaniya. Pagkatapos niya akong pakiligin nung nakaraan? Tapos iisnob niya ako ngayon napakakapal!!





Nang makarating sa aiport ay pumila agad kami sa immigration. Napatawa ako kanila Elizabeth nang makitang excited na excited na sila.





Pagkarating sa kuhanan ng mga maleta ay todo antay ako ng maleta ko!! Nakuha na nila yung sakanila tapos yung akin wala pa! Napakadaya.





Sinenyasan ko na maupo muna sila Hazel sa may gilid habang inaantay ko ang maleta ko, pumayag naman sila agad. Natapos ang ilang minuto ay napasimangot na ako. Agad naman akong napangiti nang makita ang maleta ko!! Nang palapit ito sa'kin ay kukunin ko na sana ito nang biglang may kamay na kumuha rito.





Pagtingin ko ay nakita ko si William na binuhat ang maleta ko patayo. Nang makita niyang nakatingin ako ay napaiwas ito ng tingin.






"Tagal mo eh, naiinip na yung iba." sabi nito sabay iwan sa'kin.




Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon