Chapter 12

365 16 0
                                    

Olivia's


Naglalakad kami ngayon ni William papuntang convenience store, napangiti ako nang palitin nito ang pwesto namin, siya na ngayon ang nakapwesto sa may malapit sa kalsada.


Agad akong napasinghap nang hawakan nito ang kamay 'ko. "Lamig ng kamay ah." natatawang biro nito, ako naman ay napaiwas ng kamay.

Puso! Kumalma ka lang!


"Ang tahimik mo yata Olivia?" tanong nito nang makarating kami sa may convenience store, napaiwas lang ako ng tingin.

"H-hindi ah." nahihiyang sabi 'ko, he just shrugged then went inside.


Pagkabili ay kinuha nito sa'kin ang dala kong plastic at siya ang nagbuhat. Habang pabalik ay hinawakan nanaman nito ang kamay ko! Gosh!

"Sa susunod na araw na ang graduation ng kuya mo ah." sabi nito sabay bukas ng tubig at abot sa'kin.

"Oo nga eh." malungkot na sabi 'ko.

"Oh ba't malungkot ka? Grabe ha sumbong kita sa kuya mo." natatawang sabi nito, napaiwas naman ako ng tingin.


Pagkagraduate kasi ni kuya ay babalik na kami nila Mom sa Pilipinas habang si Kuya ay maiiwan hanggang makapasa siya sa board exams. Ayaw ko pang sabihin kay William dahil ayokong malungkot ito.

"Movie marathon tayo!" masayang aya ko rito sabay hila sa may bahay nito.

"Ano gusto mo panuorin?"

"Kahit ano basta love story!" masayang sabi 'ko narinig ko itong napatawa at inalagay sa netflix ang tv.


Habang nanonood ng tv ay lumapit ako kay William at kinuha ang braso nito at niyakap. I admit that we are clingy as friends. Kung para sakaniya ay walang malisya, ibang iba naman sa'kin. Sa buong mga araw na magkasama kami ay alam kong gusto ko na siya.


"William huwag mo 'kong kalimutan ah." biglang pagtopic ko.

"Ba't naman kita kakalimutan?" natatawang sabi nito sabay titig din sa'kin.

"Malay mo! Habang nasa Pilipinas ako, makalimutan mo yung maganda kong mukha!" pabirong sabi 'ko, I saw him smiled.

"No baby, I will never forget your beautiful face." he smiled at me, hinawakan nito ang pisngi ko at hinaplos ito. Unti-unti nitong nilapit sa'kin ang mukha nito nang biglang magring ang phone niya.


Agad kaming lumayo sa isa't isa at tila napaso. Agad naman akong napaiwas ng tingin. Shoot!

Nakita 'kong sinagot niya ang phone at may kinausap habang ako ay init na init ang mukha dahil sa hiya!!

Nang matapos siyang makipagusap ay ngumiti lang ito sa'kin at pinagpatuloy namin ang panunuod ng movie. Ang awkward.

"Gumawa ako nang paborito mong cheesecake." sabi nito at inaya ako sa may lamesa, agad akong lumapit sakaniya at nakita siyang may kinuha sa ref.

Agad akong nakaramdam ng excitement nang makita ang blueberry cheesecake!! "Hala mukhang masarap." excited na sabi 'ko, napatawa naman ito dahil sa'kin.



Hiniwa ni William ang cheesecake at nilagyan ako sa pinggan. Ako naman ay kumuha ng tinidor at tinikman. Agad akong napangiti, ang sarap!! Napatingin ako kay William na nagsasalin ng tubig mula sa pitsel at nakangiti. "Pasado ba?" natatawang sabi nito.

"Oo naman, pasadong pasado!" natatawang sabi 'ko sabay okay sign gamit ang kamay.


Nang matapos kumain ay nagstay pa ako sa apartment niya dahil huling araw na 'to na magkasama kami, dahil bukas pagkatapos kumain kasama si kuya ay diretso na kami sa airport.

"Nagigitara ka?" tanong ko rito nang mapansin ang gitara sa may isang tabi. Tumango naman ito habang nagpupunas ng kamay, kakahugas lang kasi niya ng pinggan.

"Sige nga sample! Kantahan mo na rin ako." natatawang pagdedemand 'ko.

"Ayoko, panget boses 'ko." natatawang sabi nito.

"Eeh! Dali na!!" pagpupumilit ko pero umayaw pa rin siya. "Dali na kasi!!" pangsampung beses na sabi 'ko. Nakita ko itong napabuntong hininga at kinuha ang gitara kaya't ngiting tagumpay ako.


"Pasalamat ka, 'di kita matiis." sabi nito sabay upo sa tabi 'ko at humarap sa'kin. Nagsimula itong magstrum ng gitara.

There are days
I wake up and I pinch myself
You're with me, not someone else
And I am scared, yeah, I'm still scared
That it's all a dream


Nang kumanta ito ay napalunok ako, his voice is beautiful! Ang lamig ng boses niya. Nahiya ako nang maramdaman ang titig nito habang kumakanta.


Cause you still look perfect as days go by
Even the worst ones, you make me smile
I'd stop the world if it gave us time


Hindi ko namalayan na nakatitig na rin ako sakaniya. All of him is wonderful, he is fun to be with and he is indeed a gentleman, bonus nalang yung itsura niya.


Cause when you love someone
You open up your heart
When you love someone
You make room
If you love someone
And you're not afraid to lose 'em
You'll probably never love someone like I do
You'll probably never love someone like I do


Natapos ang kanta niya na nakatitig lang ako sakaniya, pucha gustong gusto ko 'tong lalaki na 'to! Nakakalungkot lang na isipin na tuwing bakasyon lang kami nagkikita.


"Nainlove ka na niyan sa'kin?" natatawang tanong nito, pabiro naman akong umirap. "Siyempre naman." natatawang sabi 'ko, napansin ko namang napatigil siya sa pagtawa at umiwas ng tingin.



Nang makaramdam ng hiya ay bigla akong napatayo. "A-ah sige alis na ako ha!" mabilis na sabi 'ko sabay alis.

Ano ba yan Olivia!! Ang engot mo!

Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon