Chapter 9

368 20 0
                                    

Olivia's


Nagdaan ang mga araw na hindi ako lumalabas ng bahay. Kahit weekends ay nasa loob pa rin ako. Minsan ay tinatawag ako nila Mom dahil hinahanap ako ni William pero sinabihan ko sila na sabihin na umalis ako. Eh sa tinatamad ako eh!


"Ma! Nagugutom po ako." sabi ko kay Mom, wala kasi akong nakitang pagkain sa pantry, mamaya pa kasi sila magogrocey ni tita.


"Walang pagkain dito, bumili ka nalang sa convenience store." sabi ni Mom at nagfocus na uli sa panonood ng drama.


Napanguso naman ako at kinuha ang itim kong coat. Grabe, ang lamig pa rin dito sa London samantala sa Pilipinas ay summer na. Dahan-dahan akong lumabas at napangiti nang makitang wala si William.


Dumiretso ako sa convenience store at bumili ng tatlong pagkain at isang inumin. Nang maramdaman ang pagkauhaw ay agad  kong binuksan ang bote habang naglalakad, laking laki ang mata ko nang may makatunggo at natapon ang hawak ko sa damit nito, lalong nanlaki ang mata ko nang makitang si William nanaman ang nakabunggo ko!


"Pucha!!" nagpapanic na sabi 'ko sabay kuha ng panyo at punas sa itim nitong sweater.



"Tss." nakasimangot na sabi nito sabay talikod sa'kin at dumiretso papunta sa bahay niya, agad naman akong sumunod dahil sa guilt. Pumasok ako sa bahay niya at napanguso ako nang pumasok ito sa banyo, kaya't umupo nalang ako sa sala at doon naghintay.




Nang makalabas ito ng banyo ay agad akong tumayo, "Anong ginagawa mo rito?" supladong tanong niya.




"Sorry." malungkot na sabi ko sakaniya, napalunok ako nang dahan-dahan itong lumapit sa'kin. "Saan ka nagsosorry Olivia? Sa ngayon ba? O sa mga nakaraang araw?" he gently whispered at my ears.




"Uhm, b-both?" nauutal na sabi 'ko. Nang lumayo ito ay agad ako nakahinga. "Good then." he smirked then sat at his sofa.



"Sige mauuna na ako---"





Napatigil ako nang marinig ko itong umubo. "Uy ayos ka lang?" tanong ko.



"Ewan, may sakit ata ako eh haha!"


Nanlaki ang mata ko at hinawakan ang noo nito. Nang maramdamang mataas ang lagnat nito ay agad akong nag-alala.



Agad ko itong pinahiga sa kama at nilagyan ng bimpo sa noo. Siya naman ay pangiti-ngiti lang. Kung wala siyang sakit ay nasapok ko na siguro 'to!!


"Wait lang ah, kukuha lang akong gamot sa may amin--"



Nanlaki ang mata 'ko nang hilahin nito ang kamay ko. "Huwag mo 'kong iwan." sabi nito at hindi pa rin binibitawan ang kamay 'ko.



Umupo ako sa may silya malapit sa may kama niya kung saan siya nakahiga at hinayaan ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Napatitig ako mukha niya, pucha ang perfect ng mukha! I can't believe that this handsome man is holding my hands.



Agad akong napahawak sa puso 'ko. Kailangan ko na yatang magpacheck sa doktor!



Natapos ang ilang oras at unti unti kong dinilat ang mga mata 'ko at nakitang nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Dahan-dahan kong inalis ito at nagluto ng lugaw para may makain siya, dumaan din ako sa bahay para kumuha ng gamot para kay William.




Pagbalik sa may bahay niya ay nagulat ako nang makita itong kumakain ng lugaw. "Ay wow very good naman." pangaasar 'ko pero inirapan lang ako nito kaya't natawa ako. Lalaking lalaki ang pag-irap niya! Ang cute!




"Inumin mo 'to pagtapos mo kumain. Masarap ba?" natatawang tanong ko rito.




"Oo." simpleng sabi nito, ngingiti na sana ako nang, "I have a fever, kabaligtaran ang panlasa ko ngayon."




Napahinga ako nang malalim, "Magpasalamat ka talaga at may sakit ka ngayon! Mr. William. Humanda ka sakin!" nanggagalaiting sabi 'ko, i heard him chuckled.



"Thank you then." natatawang sabi nito kaya't lalo akong namula sa inis. Huminga ako ng malalim at inunat ang kamay ko, grabe namanhid! Apura hawak kasi si William kanina, ayan tuloy nangawit na as in yung braso ko.

"Hey." pagtawag nito kaya't napatingin ako.

"Hmm?" tanong ko habang iniistretch ang braso 'ko.

"Sorry, nangawit ka pa dahil sa'kin."

"Nako, wala lang iyon. Sige na kumain ka na."

"I just really wanted to hold your hands Olivia, again sorry."

Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon