Chapter 4

465 21 0
                                    


Olivia's pov


"Uy gaga ba't ang lungkot mo riyan?" tanong ni Maddison sa'kin.


"Pucha napakahirap ng topic namin! 'Di magbalance yung sagot ko hayup!!" inis na sabi 'ko.



"Oh hulong ginusto mo 'yan!" natatawang sabi ni Elizabeth.



"Napakasama mo porket drawing ka lang nang drawing! Math anona!" pagrarant 'ko.



"Gaga halos mabali na kamay 'ko sa pagdadrawing 'no! Piga pa ang utak ko dahil wala nang idea anona creativity!" pagrarant ni Elizabeth kaya't natawa ako.



"Ano pa ako no?! Araw araw puyaters! Partida 3rd year college palang tayo ha!! 7 years to come!" mangiyak ngiyak na sabi ni Hazel.



"Oh anong iniintay natin? Inom naa!!" natatawang sabi ni Maddie.




Kaya't ayon nandito kami ngayon nila Maddie sa Daylight's, kaming dalawa ni Hazel ay umiinom habang si Elizabeth ay juice lang kaya't napangiti ako, goodgirl talaga 'tong babae na 'to. Ibang iba kay Maddison na sayaw na nang sayaw!!



Kinabukasan ay nagbabad ako sa pag-aaral. Siyempre, balancing lang ang ginagawa 'ko, tamang hangout with friends and tamang pag-aaral lang.



"Pucha 'di ko pa rin makuha yung sagot!!" mangiyak ngiyak na sabi 'ko. At ayon nagpuyat ako hanggang sa makuha ang sagot sa lintok na problem na 'yan.



Natapos ang mga buwan na hirap na hirap ako sa pag-aaral ng accounting pero pinilit at nagpursigi ako dahil gusto ko ito. Napangiti ako nang maalala ang sinabi ni William na 'ignore the negativity and focus on the positive side.' Naging inspirasyon 'ko yon tuwing mababaliw na ako kakasagot sa mga quizzes.




Nang mag-finals ay lalo yata akong nabaliw kakareview. Sinasabi 'ko sa'yo Olivia! Mageenjoy ka talaga kapag bakasyon mo na!! Kaya't sulitin mo na ang paghihirap ngayon.



Natapos ang finals at nakapasa ako! Abot langit ang pasasalamat ko! Napakasaya sa feeling, kahit hindi maging dean lister basta't nakapasa dahil sa pagpupursigi ay napakasaya na sa pakiramdam.




"Oh anak, excited lang ang peg?" pangaasar sa'kin ni Dad. Ngayon kasi ang lipad namin papuntang London, welcome back to me!!



Hindi 'ko alam pero halos hindi ako makatulog sa byahe! Kaya ayon, pagdating sa bahay ay tulog na tulog ako. Nalaman ko rin na may pasok pa sila kuya kaya't hindi siya nakasama sa pagsundo sa'min. Madaling araw ang biyahe namin kaya't hindi alam ni Kuya na nandito na kami. Balak ko sana siyang supresahin!!




Nang maghapon, ay agad akong sumakay sa taxi at nagpunta sa eskwelahan ni kuya. Bumaba ako at nagpunta sa entrance ng school nila. Agad akong nagcompose ng text kay kuya at nagtanong kung nasaan siya, sinabi naman niyang nasa school at palabas na kaya't napangiti ako.



Lalo akong napangiti nang makita si kuyang naglalakad at may kasama siyang mga lalaki, agad akong nakaramdam ng hiya at balak na sanang umalis nang tawagin ako nito.



"Olivia?" gulat na tanong nito sabay lapit ay yakap sa'kin.



"Akala 'ko ba bukas pa kayo darating?! Kayo ha!!" natatawang sabi nito, natawa rin naman ako.


"Hey Ethan bro, mind to introduce her to us?" natatawang sabi nung kasama niya at halatang ibang lahi ito.



"Oh yes, this is Olivia, she's my younger sister." pagpapakilala sa'kin ni kuya.



"Hello Olivia!! I'm Sternon, nice meeting you!" sabi nito, napangiti naman ako at tanggap sa kamay niya.



Nagpakilala pa ang dalawang kasama niya sa'kin habang ako ay nakangiti lang, agad namang napansin ng mata 'ko ang naglalakad na si William, he's with two boys, yung nakita 'kong kasama niya noon. Napalunok ako nang makita si William na nakatingin sa'kin.



Nginitian 'ko ito pero tipid lang itong ngumiti at umiwas ng tingin. Ako naman ay napanguso at tumingin nalang uli kanila kuya at nakipag-usap.




Kinabukasan ay tumambay lang ako sa bahay, nang mabagot ay lumabas ako sa brick house nila tita. Maraming magkakaparehas na bahay dito, brickhouse lahat.





Napagdesisyunan 'kong isuot nalang ang brown 'kong long coat at naglakad lakad sa labas. Naupo ako sa itim na bench at nagmasid-masid. Kinuha 'ko ang phone 'ko at naglakad na ng muntik na akong mapatumba, napasinghap ako nang hawakan ako ng nakabunggo sa'kin sa likod kaya't hindi ako tumumba.



"Lagi nalang ba tayo magkakabungguan tuwing magkikita tayo." he playfully said, agad nanlaki ang mata 'ko at napayakap dito.



"William!!" masayang sabi 'ko, he then chuckled.


"Long time no see ha!" masayang sabi nito sabay upo sa inupuan 'ko kanina. Agad akong tumabi rito.



"Anong ginagawa mo rito?" masayang tanong ko.



"Uhm? Dito ako nakatira?" natatawang sabi nito, agad na nanlaki ang mata 'ko. "Omg!! Dito rin ako nakatira sa ngayon! Dito kasi nakatira ang tita ko!" masayang sabi 'ko sabay yugyog sakaniya.




"Ayos pala eh!" natatawang sabi nito.



Naikwento niya sa'kin na kaya dito ang napili niyang tirhan dahil medyo malapit lang ito sa UCL. Napatango naman ako dahil totoo ito.



"Hoy social media mo nga pala?" nakangusong sabi 'ko. "Paano tayo magkikita tulad ng sinabi mo kung 'di naman tayo makapagcommunicate!!" nagtatampong sabi 'ko, natawa ito at ginulo ang buhok 'ko.


"Edi kumatok ka lang sa bahay na tinitirhan 'ko." he laughed.


"Ay ganon?" mataray na sabi ko rito.


"Oo ganon." he chuckled.






Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon