Chapter 11

360 17 0
                                    

Olivia's


Pucha?! Sino ba kasi 'yong Baliw kay Jezk na 'yon!! Bulok naman 'yon! Baka walang ubra sa'kin yon sa inuman ha!




"Oh nakasimangot ka riyan?" tanong ni kuya.



"Kasi hindi ako nakangiti?" pambabara ko rito pero napailing lang ito at natawa. "Aba pormang porma ha!" pangaasar 'ko.




Halata namang makikipagdate nanaman 'yan! Napakachikboy ng kuya 'ko! Kelan kaya makakahanap ng magpapatinong babae.




Natapos ang araw nang hindi ako lumalabas. Nakakabwisit! Inuuna pa niya yung kachat niya!




Pumunta nalang ako sa kwarto at nakipagvideo call sa mga bwisit kong kaibigan at ayon nasa Daylight's sila Hazel at Maddie habang si Elizabeth ay nasa bahay.




"Ay kainggit!" pagbibiro 'ko.




"Tara na kasi!!" natatawang sabi ni Maddison at pinakita pa sa'kin ang pag-inom ng alak. Pucha lasinggera talaga.



"Oy Liz! Ginagawa mo ngayon?"




"Di ba obvious? Nagluluto!" natatawang sabi ni Elizabeth, inirapan ko lang ito. "Edi wow!!" natatawang sabi 'ko.




Nang marinig ang katok ng pinto ay agad 'kong pinindot ang mute button para hindi ako marinig nung mga bruha.




"Oy Olivia! Akin na yung coat ko!" sabi ni Kuya sabay pasok sa kwarto, napatawa naman ako. Ang ganda kasi nung itim niyang long coat kaya't hineram ko nung isang araw.




"Wag kang magulo kuya kavideocall ko mga kaibigan ko." natatawang sabi 'ko, nakita ko naman itong tumingin sa phone ko at mangugulo sana sa camera nang takpan ko ito.



Nakita kong napatingin ito sa phone, sa banda ni Hazel at Maddie ay pinapakita nila ung mga crowd, habang si Elizabeth ay seryosong nakatingin sa hinahalo niya. Nang mapansing nakatitig na si kuya ay agad ko itong binatukan. "Ikaw ha!" pangaasar 'ko, natawa lang ito at umalis na.




Nagulat ako nang makita ang notif na nagtext sa'kin si William. Kinuha niya kasi ang number ko nung nakaraan, mabuti't may sim card ako ng pang U.K.




From: William

Tambayan. 2pm.




Napatingin ako sa orasan at nakitang 1:30 na. Nagpaalam na ako kanila Elizabeth at naligo na. Pagkagayak ay nagsuot lang ako ng itim na top at denim jacket dahil malapit lang naman.




"Oh?" kunwari'y inis na sabi 'ko.




"Oh?" paggaya nito sa'kin sabay tawa at hila sa'kin palapit sakaniya.




"Taray mo naman!! Meron ka ba?" nangaasar na sabi niya.




"Walang basagan ng trip." irap ko. Ngmuti lang ito at tumingin sa daanan sa may harap namin. "Oh himala wala kang kachat?" mapaklang sabi 'ko.




"Wala, umalis e." natatawang sabi nito, kaya't nainis ako. "So, kung 'di aalis ay magchachat pa rin kayo?" mataray na sabi 'ko.




"You're sounded like a jealous woman." he chuckled.





"Ewan 'ko sayo!" pikon na sabi 'ko, nagulat ako nang maramdaman ang akbay niya. "Huwag ka na magselos. Kababata ko lang 'yon no!" pabirong sabi nito.





"Sinong nagsasabing nagseselos ako? Assuming neto!"





He just shrugged then smiled, nanatili kami sa ganong posisyon. Kumportableng kumportable talaga ako sa lalaking 'to.





"Kapag naging accountant ka, sa bangko na pinagtatrabahuhan mo lang ako magwiiwthdraw ng pera." natatawang sabi nito.





"Ayos pala eh." natatawang sabi 'ko.





"Pero dapat sa waterpark 'ko lang ka magswiswimming ah." natatawang sabi nito.




"Sige ba." pabirong sabi 'ko.



--




"Sainyo yung Gomez Waterpark?!" gulat na tanong 'ko habang kumakain ng ice cream.



"Sa magulang 'ko?" natatawang sabi nito habang pinapanood akong kumain.




"Pahumble pa!!" pabirong sabi 'ko, natawa lang siya, inirapan ko ito at sinubo ang ice cream sa bibig 'ko.





"Ikaw lang yung nakilala ko na mahilig kumain ng ice cream kahit malamig." he chuckled.



"Summer kaya sa Pilipinas!! Proud to be a Filipino." malokong sabi 'ko.




Nagulat ako nang bigla niyang nilabas ang phone at marinig ang tunog ng pagpicture. "Ano ba yan! 'Di ako ready!" inis na sabi 'ko sabay nguso.



Simula nang maging close kami ay lagi niya akong pinipicturean ng stolen sa phone niya! 'Di ko malaman kung maayos ba ang itsura 'ko dahil agad niyang pinapatay ang phone kapag kukunin ko na tapos may password kaya't 'di ko mabuksan.





"You want water?" tanong nito nang mapansing naubos yung ice cream 'ko, agad akong tumango at nang nasa counter siya ay nilabas ko ang phone at pinicturean ang likuran niya at in-ig story.





Nang makarating siya sa upuan ay agad niya itong binuksan bago iabot sa'kin. "Wala na, nasanay na akong nandiyan ka. Paano na kapag umalis ka na." pabirong sabi nito, napangiti nalang ako.





"Huwag ka mag-alala, babalik ako rito next summer sa Pilipinas!!" natatawang sabi 'ko at napatitig sa mukha niya, bigla kong naramdaman ang pagtibok ng puso 'ko. Damn, this man!




"Weh?" pabirong sabi nito.





"Oo no! Promise babalik ako."















Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon