Chapter 10

379 21 0
                                    

Olivia's


"London Bridgee is falling downnn falling down falling down--uy wag mo 'kong videohan!!"



"Sorry, can't help it." he laughed.



Nandito kami sa may malapit sa London Bridge, gusto ko kasi magpapicture kaso andaming sasakyan, "Tara na!" pagyaya 'kong umalis sakaniya, sumaglit lang kami rito eh.

Pumunta kami sa London Eye pagtapos, nakakatuwa dahil kilala na nila Mom si William kaya't may tiwala ito sakaniya, samantalang si Kuya palaging wala sa bahay! Once lang niya tuloy nakita itong si William.

"Ang ganda ng view!" masayang tingin 'ko sa may ibaba at pinicturean.


"Yeah, like you." he said then licked his lower lip, napaiwas tuloy ako ng tingin.



"G-gusto ko na tuloy tumira rito." pabirong sabi 'ko.




"Same." natatawang sabi nito, "I want you to live here in London too." he chuckled, lalo akong napaiwas at kunwaring umubo.



"Galing 'no? sa June pa ang Summer dito sa London, samantalang summer na sa Pilipinas." natatawang sabi 'ko. "Hashtag Summer Vacation!" pabirong sabi 'ko pa.



"Then let's assume that it's summer here." he shrugged while smiling.



"Oh sige, magbibikini ako!" natatawang sabi 'ko, napailing naman ito at tumawa.


Bago umuwi ay kumain muna kami ng fish and chips, "Ang sarap talaga neto!!" masayang sabi 'ko.

"I'm glad." he smiled.

Napatigil naman ako nang mapansing nakatitig sa'kin si William. "Oy baka malusaw ako ah!" pabirong sabi 'ko.



"Sorry, you're beautiful. Can't help it."




Nang matapos kumain ay nagdesisyunan naming magpababa sa taxi sa may kanto para makapaglakad kami papuntang bahay. "Uy ang lapit na ng graduation ni kuya ah." masayang sabi 'ko.


"Advanced congrats?" he smiled, natawa lang ako. April kasi ang graduation ni kuya kaya't ayon.




Napatigil ako nang akbayan nanaman ako nito, "Bigat ng braso mo!!" pagbibiro 'ko, tinawanan lang ako nito.


"Tell me about your dreams." biglang topic nito.




"Uhm, gusto 'ko maging bank manager! Tapos gusto ko magkasariling bahay." natatawang sabi 'ko.



"Ayos yan." nakangiting sabi nito, "ikaw ba? Ano pangarap mo?"



"Gusto ko magka Indoor Waterpark sa Pilipinas."




"Ay wow!! May isa pa pala akong pangarap!" hyper na sabi ko rito, he chuckled.




"Gusto 'ko makapagswimming sa waterpark mo!" natatawang sabi 'ko.


"I will grant one of your dreams in the future then."


---


"Anak! Painitin mo muna ang mantika." naiiling na sabi sa'kin ni Mom kaya't napatigil ako sa paglagay ng baboy sa kawali.




"Eh feeling ko po mainit na."




"Hindi pa 'yan." natatawang sabi ni Mom, agad ko namang sinawsaw ang daliri ko riro dahil hindi na ako makapaghintay.




"Arayy!!" naiiyak na sabi 'ko. "Sabi sayo Ma eh! Mainit na!" naiiyak na sabi 'ko, natawa naman sakin si Mom. "Jusko kang bata ka, hugasan mo yang kamay mo para mawala ang init at pamumula!" natatawang sabi ni Mom.



Hinugasan 'ko ang kamay at nilagyan ng yelo, namumula ito at ang hapdi! Pagkatapos ay agad kong nilagay ang mga baboy, napalayo ako bigla ng tumilansik ito! Kaya ayaw 'ko magluto eh! Ang ending ay si Mom ang nagluto, ako naman ay pinapanood siya.




Nang maluto ang porkchop ay nagsandok na ako ng pagkain at niyaya na sila tita at tito pati si dad at kuya para kumain.



"Wow, luto ba 'yan ni Olivia?" natutuwang sabi ni Tito.




"Mission failed po eh." natatawang sabi 'ko kaya't natawa sila.




"Nako takot na takot matalansikan pero lakas ng loob isawsaw ang daliri sa mainit na mantika!" natatawang sabi ni Mom, at ayon inasar ako nang inasar ng buong pamilya habang kumakain.




Pagkatapos kumain ay agad akong nagugas ng pinggan, pinlay ko rin ang kantang 'hiling' sa phone 'ko habang naghuhuhas. Nasanay ako na ganito para kunwari ay nagcoconcert ako habang naghuhugas ng pinggan.




Pagkatapos maghugas ng pinggan ay tumabi ako kanila Dad habang nanonood sila ng movie na nakakatakot. Ako naman ay naaliw dahil mahilig ako sa horror. Nakikuha pa ako ng popcorn kay Mom at ayon naubusan ko siya kaya't pabirong inamaan ako ng tingin nito, pumunta ako at kumuha ng coke sa ref.




Habang umiinom ay napatigil ako nang mapatingin sa wall clock nila tito. 2:00 na!!




Agad 'kong nilagay sa lababo ang baso at agad na nagsuot ng pansangga sa lamig at nagpaalam kanila Mom na doon lang ako sa may labas. Pucha 1 ang usapan namin ni William patay ako!




Pagkalabas ay agad ako dumiretso sa bench kung saan kami parating tumatambay, napatigil ako nang makita itong nakangiti habang nagtitipa sa phone niya. Aba! Kung alam ko lang na nageenjoy siya ay hindi na sana ako pumunta! At sino naman ang kachat niya?





"Ehem." pagpapansin ko pero 'di pa rin ito tumingin kaya't napairap ako. "Ehem kako!!" malakas na sabi 'ko kaya't napatingin ito.

"Uy andyan ka pala." natatawang sabi nito, "ay wala!" pagtataray 'ko, nahawa na yata ako sa katarayan ni Hazel!

Nakita kong pinatay nito ang phone niya at tumingin sa'kin, "Mabuti't naisipan mo pang dumating?" pagbibiro nito,

"Eh naaliw kasi ako sa pinapanood nila Dad, 'di ko tuloy napansin ang oras." nahihiyang sabi 'ko. Napatingin naman uli ako sa phone niya nang umilaw ito,


"Oy nagchat na yung kachat mo." mapaklang sabi 'ko, nginitian naman ako nito bago tumingin sa phone, "kababata ko 'to." natatawang sabi nito, 'di ko naman napigilan na umirap.


Ano? Childhood lovers ganon? Pasimple naman akong napatingin sa phone niya. Ang nakalagay sa nickname ay 'Baliw kay Jezk'

Who the heck is Baliw kay Jezk?! Habang may kachat si William ay nakatingin lang ako, umabot pa ng minuto ang pag-uusap! Malakas akong bumuntong hininga at tumayo.

"Alis na ako." naiinis na sabi 'ko.

"Okay." sabi nito at pinagpatuloy ang pakikipagchat! Bwiset!

Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon