Chapter 6

429 25 1
                                    


Olivia's pov

"Ano kasi yung sinabi ni kuyaaa?" pangungulit 'ko kay William sabay alog dito, tinawanan lang naman ako nito.

"Secret." pangaasar nito.



Gusto 'ko sanang lokohing magagalit ako kay William kaso tuwing weekend na nga lang pala kami nagkakasama! May pasok na kasi uli sila. Holiday lang pala kaya ako napapasyal ni William noon. Habang nagtatagal ay mas lalo kaming nagiging close at umabot na sa lagi siyang nakaakbay sa'kin! Ang bigat kaya ng braso niya!



"Kamusta school?" tanong ko rito sabay kain ng tinapay.

"Ayon, ayos lang." sabi nito. "Paanong ayos?" natatawang tanong 'ko pero tinawanan lang ako nito.


"By the way, ang sarap ng tinapay na 'to ha. Saan mo 'to nabili?" masayang sabi 'ko sabay kinakain ang tinapay na binigay niya, tumawa lang ito at ginulo ang buhok 'ko kaya't napasimangot ako.



"Ako gumawa niyan." he chuckled.


"Weh?!" gulat na tanong 'ko.

"Oo." he said then laughed.



"Ang hilig mo tumawa 'no? Di na ako magugulat kapag nalaman na may nakaaway ka dahil sa pagtawa mo na yan." pangaasar 'ko sakaniya.



"Meron na nga." he simply said, agad nanlaki ang mata 'ko.



"Weh?! Totoo?!"


"Uy akala 'ko ba 'di ka na magugulat." natatawang sabi nito, kaya't napairap ako.

"Pwera biro! Totoo ba?"

"Oo." he chuckled.




Napatawa naman ako nang malakas nang ikwento niya sa'kin yung nangyari nung elementary siya. May kaklase raw siyang tumulo yung uhog habang nagrerecite, 'di daw niya napigilan tumawa raw siya ng malakas. Natapos na raw ang first period ay tawa pa rin siya nang tawa kaya ayon sinugod siya nung kaklase niya nung uwian.



"Pucha kung andon ako! Tatawa rin ako ng malakas!!" tawang tawa na sabi 'ko.


"Nako mabuti pala wala ka ron." naiiling na sabi niya.


"Oo nga kung hindi nako tatawa rin ako nang tatawa."

"Not that."

"Ha?"

"Pumapatol yon kahit sa babae, baka kung anong magawa 'ko ron kapag sinaktan ka."


Napangiti naman ako sakaniya. "Aww bait naman!!" natatawang sabi ko rito sabay hampas sakaniya.


Kinabukasan ay inaya ako ni William sa tinitirhan niya, nagpaturo kasi akong magbake sakaniya kaya eto ako ngayon, nasa may pintuan niya at pinagiisipan kung paano ako kakatok. Pagkatapos ng ilang minuto ay naisipan 'ko nang kumatok nang saktong bumukas ang pinto, I saw him smiled when he saw my face.



"Andyan ka na pala." he smiled then pulled me closer to him, naamoy ko naman agad ang pabango niya.


Pagkapasok sa tinitirhan niya ay agad akong namangha. Kahit lalaki siya ay malinis ang loob ng bahay. Organized din ang gamit.


"Ikaw lang nakatira rito?"


"Yes, pero minsan bumibisita sila Dad just like what I said before." sabi nito sabay hila sa'kin sa kusina.



"Ayan, hinanda 'ko na yung mga gagamitin. Ang gagawin mo lang ay susundin ang mga sasabihin 'ko." he said.


"Okay, but where's my apron?" tanong ko rito, "Ay oo nga pala." sabi nito at nakita 'konv may kinuha sa may cabinet niya. "Here." he said, napasinghap ako nang pumwesto ito sa harapan ko at ilagay sa'kin ang apron. "Ayan, all set." he smiled.


---



"Put the flour at the bowl." he simply said while leaning at the table where I am doing the baking stuffs. Bali nakaharap siya sa'kin at nakahilig siya sa lamesa at masinsinan akong pinapanood.


Hindi 'ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Hindi ko naman ito nararamdaman noon. Napabuntong hininga nalang ako at pilit pinakalma ang sarili.



Napatingin ako sa mga bowl, ang alam ko ay puti ang harina pero bakit tatlo yung puting dry ingredient dito, palihim akong sumulyap kay William, he is watching what I am doing kaya lalo akong kinabahan. Nag eenie minie mo ako sa isip bago kinuha ang nasa gitna, napatigil ako nang marinig ang pag tawa ni William.


"That's baking powder." he playfully smiled, tumabi siya sa'kin at inalalayan na ako.



"Ba't kasi kulay white! Nakakalito tuloy." pagpapalusot 'ko pero napatawa lang siya.


"You can see it through the texture baby." he chuckled. Agad naman akong namula at kunwari'y nakikinig sakaniya.



Ang ending ay tiga halo lang ako at siya ang tiga-lagay. Nang ilagay namin sa molder ang batter ay napangiti ako.



"Sa decoration ako babawi!" competitive na sabi 'ko. "Okay then." natatawang sabi nito.



Habang nilalagay ni William ang tray sa oven ay naupo muna ako sa stool at nagphone, kachat ko sila Maddison at natatawa ako sa mga kalokohan na sinasabi nila.


"Tsk, phone is not allowed when we are together." pabirong sabi ni William pero mahihimigan mo na may pagkaseryoso ang tono.


"Wait, magbye lang ako." sabi ko rito at nagpaalam na kanila Elizabeth. Pagkalapag ng phone ay agad akonh napatingin at nagtaka dahil seryoso iting nakatingin sa lamesa.



"William, ayos ka lang?"


Seryosong napaangat ang tingin nito sa'kin bago magsalita,


"Do you already have a boyfriend?" seryoso nitong tanong.


Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon