Chapter 7

395 22 1
                                    

Olivia's


Nagulat ako sa tanong ni William at ilang segundo ang lumipas bago ako sumagot,


"W-wala ah." nahihiyang sabi 'ko.


Narinig ko naman itong may binulong, "good." he murmured.


"Ha?" gulat na tanong 'ko.

"Ang sabi 'ko, kawawa ka naman, huwag iiyak ha." natatawa nitong sinabi kaya napairap ako.


"Bakit mo nga pala natanong?" sabi ko habang nakatitig sa kaniya, shems ang gwapo niya talaga.


"Wala, I thought you're texting your boyfriend." he shrugged.


"Loko! Mga kaibigan ko lang 'yon, sila Elizabeth." natatawang sabi 'ko.


Nang matapos naming gawin ang cupcake ay nakita ko itong nilagay sa lalagyan, "iuwi mo na 'yan."


"Eh pano ikaw?"


"It's alright, I can make my own bread though. Unlike you." pangasar na sabi nito kaya't sinimangutan ko lang siya.


Natapos ang isang linggo na nasa bahay lang ako dahil may pasok sila kuya at William, ayoko namang istorbohin si William dahil baka busy.



"Williampots!!" masayang tawag ko rito, he smiled at me then swiftly put his arms into my shoulders.



"How's your weekdays baby?" malambing na tanong nito sa'kin, agad naman akong namula dahil sa tawag niya sa'kin.



Kung noon ay ayos lang sa'kin dahil panlalambing lang niya ito bilang kaibigan pero ngayon 'di ko maintindihan ang sarili ko!!


"Are you alright?" nagaalalang tanong nito.


"O-oo ayos lang no! Boring yung weekdays ko! Bulok."



"Edi tara na, mag bowling tayo." he smirked.

---



"Uy 'di ako sanay!" bulong 'ko kay William habang pumipili ito ng bowling ball. Nandito kami ngayon sa Bloomsurry.



"Ano pang silbi 'ko Olivia? Edi trainor!" natatawang sabi ni William, napairap naman ako.


"This is how you hold a bowling ball." sabi ni William sabay demo sa'kin. Ginaya ko naman ito. Tinuro niya rin sa'kin ang stance at kung ano ano pa.



Nagpakitang gilas pa ito sa'kin at hinagis na ang bola, napa-nga nga ako nang makitang tumaob lahat. Si William naman ay nakangisi lang sa'kin.



"Ikaw naman." he smirked.



Kinakabahan ako habang naglalakad palapit at inayos na ang tayo, nang ihagis ang bola ay namula ako nang walang matamaan. Si William naman ay tinawanan lang ako. "Sarap mong sapukin!!" inis na sabi ko rito.



"Ikaw muna maglaro, napagod ako." sabi ko rito sabay upo, tumango lang ito sa'kin at nagsimulang maglaro. Puro perfect ang tira niya, samantalang ako ilang oras na at ang pinakamadaming natamaan ay isang bowling pin.


Napatingin ako sa mga babaeng kano na humahagikgik habang nakatingin kay William, pucha! Saya nyo ha? Panget panget niyang si William tapos kikiligin kayo?! Maging choosy naman kayo! Napairap ako.



Sa kakaisip ay hindi ko namalayang tumabi na pala sa'kin si William, "Oh may kaaway ka ba?" natatawang sabi nito sa'kin sabay tingin kung saan ako nakatingin.



"Wag ka titingin!!" inis na sabi ko at hinawakan ang mukha niya papunta sa gawi ko, nakita kong nagulat ito pero agad ding nakarecover at ngumisi. "Bakit?" nakangising tanong nito.



Para akong napaso at agad na binitawan ang mukha nito. "Wala! Depressed ako!! Isa lang na bowling pin ang natamaan ko! Kaya tara na uwi na tayo." dire-diretsong sabi 'ko sabay tayo.



"Ayos lang yan Olivia, atleast diba may natamaan." sabi nito sabay akbay sa'kin.


"Ewan ko ba kung mamomotivate ako sa sinasabi mo." natatawang sabi 'ko.


Saktong nadaanan namin yung mga babaeng nakatingin kay William kanina, ngayon ay nakatingin naman sila sa'kin. I just smirked at them, nakita ko pa itong napairap sa'kin kaya't natawa ako.



"Oh nabaliw ka na Olivia?" natatawang sabi ni William sa'kin nang marinig ang pagtawa 'ko.



"Wala, masaya lang." natatawang sabi 'ko.



"Oh bakit namotivate ka na sa sinabi 'ko kanina?" natatawang sabi nito at mas lalo akong inilapit sakaniya.



"Oo! Ang galing ko pala!! Not bad for first timer 'no." natatawang sabi 'ko. Napatawa lang ito.


"Oo na! Tara na nga, kumain na tayo." sabi nito sabay hila sa'kin sa kainan.



Well, thank you sa dalawang babae kanina, napaganda nila ang mood ko.

Summer Love (Season Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon