Chapter 15

348 21 1
                                    

Sorry for grammatical errors and wrong spelling. Thank you and enjoy reading. Saktan ko lang sila both.

-

William's POV

Sabi ko hindi na ako matatakot na sabihin kay Regina kaso masyado ko atang nabigla yung isip nya. Napaka tanga ko para tawagan si Howard kung kelan alam kong maganda na relasyon namin.

Matapos niya akong murahin at batuhin ng phone niya kanina nagmadali itong magbihis at kahit na hindi pa siya nakakapagayos kumarimpas na ito sa pagtakbo.

Alam kong napaka immature ng move ko na hindi siya pigilan magalit. Wrong time na nalaman niya yung mga bagay na yon.

Sumunod na ako upang kumain ng breakfast kasama sila. Nakita ko na nakikipagtawanan si Regina kay Rafi. Nakikita ko kung paano niya tinatago yung lungkot na nararamdaman niya.

"Good morning" I greeted them the moment I sit beside Regina. She drink her orange juice. Smile and stand up.

"Gotta go, kailangan ko pa tumawag kay Howard" she sarcastically said. Tumingin naman nang mariin si Alexis kay Regina na ipinagtaka ko.

Nararamdaman ko na inaapakan ni Topher yung paa ko kaya alam kong inaasar nya ako o kaya naman alam niya nang alam na ni Reg.

Natapos na akong kumain at agad na bumalik sa kwarto namin ni Reg. Kinakabahan ako kasi alam kong hindi pa tapos yung paguusap namin na nagsimula kaninang umaga.

I opened the door, at wala siya dito, I checked her phone at nandito naman baka naglakad lakad lang.

But then the bathroom door opened and I saw her crying and wiping her tears. Nasasaktan ako at gusto ko siyang yakapin pero alam kong hindi ako ang kailangan niya.

"Nag book na ako ng flight, tomorrow morning babalik ako na Manila" she said without any emotion, agad ko naman siyang nilapitan para yakapin siya.

"Wag kang lalapit sasampalin kita!" At don alam kong onti onti nang umaakyat nanaman yung emosyon niya.

"Let me explain, gusto ko sana sabihin sayo kahapon kaso ayokong sirain yung masasayang oras mo dito--" natigil ako sa pagsasalita nang tumigin siya sakin.

"Alam mo pano ka makakabawi sakin?" She asked me habang nakangiti sakin na parang may balak.

"What? I'll do anything for you" nagmamadali kong sabi sakanya dahil naririnig ko na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"Wag na wag kanang magpapakita sakin" nang sinabi niya ang mga yan ay agad kong siyang niyakap.

"William!" Naririnig ko bawat sambit niya ng pangalan ko habang pilit na pumipiglas sakin. At nasampal niya ako.

"William... tinanong kita diba? kung hanggang kelan moko mamahalin, ngayon tatanungin ulit kita. Minahal mo ba talaga ako?" Tumingin siya sa mga mata ko habang tinatanong ako, kitang kita ko kung pano niya pigilan ang luha nya na pumatak.

"Mahal kita, mamahalin pa, hindi lang ngayon pero hanggang sa susunod na kabanata sa mga buhay natin"

"Kung mahal moko bakit patuloy mokong sinasaktan?" tumulo na ang mga luha sa mata niya habang nagtatanong.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang pisngi niya, hindi na ito makaalis sa pwesto niya dahil nahihirapan na siyang gumalaw kakahikbi at kakaiyak.

"Ipinangako ko sa sarili ko na mamahalin kita at di na kita iiwan ulit" pilit ko hinahawakan ang mga kamay nya pero sinasarado niya ang mga ito.

"Nasaktan mo na ako dati, hindi mo alam kung gaano moko nasaktan, bumalik ka ulit, tapos nasaktan mo nanaman ako, ganon kaba magmahal? pero sige na nga alam ko namang nasaktan ako dahil minahal kita." Nagulat ako ng yumakap siya sakin ng mahigpit at niyakap ko rin ito.

At The End Of Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon