Chapter 32

302 17 0
                                    

Sorry for grammatical errors and wrong spelling. Thank you and enjoy reading.

A/N : Salamat po sa patuloy na nagbabasa ng istorya ko. 8 chapters nalang at matatapos na ang kwento ko. Again, this is purely fiction, enjoy reading.

-

Regina's POV

Nagising ako ngunit wala na ako sa loob ng madilim na silid kung saan ako nawalan ng malay. Wala ring ibang tao rito kahit si William ay wala sa tabi ko.

Ang nagawa ko na lamang ay humawak sa aking tiyan at pinipilit isipin na walang nangyari sa magiging anak ko. Tumulo ang mga luha mula sa mata ko ng bumalik sa isip ko ang mga nangyari sa akin kanina.

Nagulat ako ng may narinig akong putok ng bala mula sa labas, I don't know what to feel when I heard it many times.

Napatayo ako ngunit may naramdaman akong sakit mula sa aking tiyan, may naradaman rin akong di maganda ng marininig ko ang mga iyon.

Napalingon ako sa pinto ng marinig kong bumukas ito, Nakita ko agad si Alexis, nakita ko yung mga mata niya na pinipigilan tumulo ang mga luha mula dito.

"Reg..." she whispered, itinaas ko naman ang kilay ko senyales para ituloy niya ang sasabihin niya, natuwa ako ng makita kong pumasok rin si William mula sa pinto. Agad siyang lumapit sa akin, niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko.

"Sabi ko naman sayo makakaligtas tayo mula doon" I said and smile.

"Pero..." mahinang sabi niya habang pinipilit na ngumiti.

"Hindi nakaligtas yung anak niyo" pagsingit naman ni Alexis sa usapan namin.

Huminga ako ng malalim habang iniisip kung totoo ba itong mga nangyayari sa akin o isang panaginip lamang. Hindi manlang ako nagkaroon ng oras na mayakap o mahawakan manlang yung anak ko ngunit pinatay na nila agad.

Niyakap muli ako ni William, at pinupunasan ang mga luha ko. Nakita ko rin si Rafi at si Rico na nandito. Bakit sa dami dami ng pwedeng mangyari sakin, ang mawalan pa ng anak na di ko manlang nasilayan.

Ano bang mali ang nagawa ko, kung ito man ang kabayaran sa mga ginawa namin ni Howard, bakit naman yung anak ko pa kung pwede naman ako nalang yung saktan, ako nalang bakit yung magiging anak ko pa.

"Anong nangyari sa labas?" tanong ko sa kanila habang pinipilit kong pigilan ang mga hikbi.

"si Vien, binaril yung sarili niya, akala namin si William yung balak niya paputukan" sagot sakin ni Rafi.

"Si Vien?!" tanong ko sa kanila, hindi ko na sila hinintay na magsalita at tumakbo agad ako papalabas ng kwarto.

Nakita ko si Vien na nasa lapag habang nababalot ng sarili niyang dugo. Nilapitan ko agad siya upang sisihin siya sa nangyari sa akin.

"Vien, ano bang kasalanan ko sayo?" nanghihinang tanong ko sakanya, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung galit ba o awa dahil nag-aagaw buhay na siya.

"Wala ka namang kasalanan, kasalanan ko maging makasarili" sagot niya sakin kahit pa nahihirapan siya magsalita.

"Hindi lang isa kasalanan mo sakin, at hindi kalang sakin may kasalanan" I utterly said.

Gustong gusto ko siya sisihin, gusto ko silang sisihin ni Howard sa kung anong nagyari sa akin.

"Ako na ang humihingi ng tawad sa kung anong ginawa ng magulang ko sa magulang nyo, hindi na ako hihingi ng tawad saiyo dahil alam kong di moko mapapatawad" sinabi niya sakin bago pa siya tuluyan mawalan ng malay.

At The End Of Forever (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon