Sorry for grammatical errors and wrong spelling. Thank you and enjoy reading.
A/N: Be observant sa oras at lugar. Enjoy reading.
-
Regina's POV
Isang buwan na ako walang trabaho at isang buwan ko naring hindi nakikita si William. Buti hindi ako ginugulo ni Howard, buti nagiwan siya ng memo na lalayo siya, siguro naisip niyang for our future para maayos na din kami ni William. Finally.
Wala na rin akong balita galing sa company ni Howard. At wala na rin naman akong issue kung meron man akong marinig na balita.
Sa bawat araw na hindi ko nakikita si William, paulit ulit kong binabasa ang mga liham na ginawa niya para sa akin. Pumipikit ako at nagdarasal na sana yung mga pangako niya dati sa mga sulat ay tuparin niya.
Hindi pa rin ako nasuko at patuloy akong aasa na sana isang araw magkatotoo yung huling liham na may singsing na kasama.
Pinipilit kong alalahanin kung gaano ako kasaya na kasama siya kasi hindi ko na alam kung paano sumaya mula nung hindi na siya ulit nagpakita.
Tanghaling tapat pero ito ako sa veranda nagddrama. Iniiyakan ang taong napako nanaman ang mga pangako.
Nagbagong taon na pero naiwan parin ako sa huling araw na magkasama kami nung December. Nagpasko akong magisa sa malamig na simoy ng hangin.
"Hey are you with me?" Marie snapped her hands while getting my attention. "What do think is better? Destination wedding or sa church nalang" she asked me, buti pa si Marie ikakasal na.
"I think si Audrey ang dapat mong tanungin, I'm here para tulungan ka sa gown, try mo yon" sabi ko habang tinuturo ang gown na nakadisplay sa kabilang dulo.
Everytime nakakapunta ako sa kasal, lagi akong umiiyak habang nagpapalitan sila ng vows at iniisip ko na ako yung pinapangakuan. Kelan kaya ako makakaramdam ng pagmamahal na di ako masasaktan.
"It fits you, I like the gray ribbon sa waist, ayan for me Marie" pagpipilit ko na yon nalang ang piliin niya.
"Hmm" habang nagiisip siya ay hinahawakan niya yung veil kung bagay, "Okey ito nalang" nakahinga ako ng maluwag ng malaman ko na sumunod siya sakin.
"This is the first time na sayo ako makikinig, I trust you" she told me, wala si Lexi may schedule tapos si Rafi naman may kaso. I'm paid for helping her, syempre ililibre niya ako.
Di niya muna kinuha yung gown, sa February pa naman ang kasal. Masyadong excited tong kaibigan ko. Di ka mapagiiwanan.
Nakakita siya ng bagong restaurant dito habang naghahanap kami ng flower shop kaya agad niya akong hinila.
"Girl bago oh try natin" sabi niya habang hila hila niya ako papasok
Agad naman kaming nakaupo kasi it's 2pm at wala masyadong tao para kumain ng gantong oras especially yung iba nasa vacation pa after New Year.
I just ordered salad, kanina pa ako nililibre nito ng pagkain baka di kumasya yung isusuot ko para sa kasal niya.
Dumating na yung order namin, yung akin with a memo. "See you later" I was confuse na baka pinagttripan lang ako ni Marie but hindi kumain agad siya.
BINABASA MO ANG
At The End Of Forever (COMPLETED)
FanficWith her overflowing ideas and her wisdom she conquered this wild world, she became independent when a man leaves him when he really needs him the most. Regina, fierce, educated, charismatic that's the word they used to describe her. The man of the...