Prologue

563 26 2
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events,  locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.

Plagiarism is a CRIME!


                            ***

"Excuse me po---sorry po---ayyy pasensya na ho----sorry--excuse meee" yan nalang ang nasasabi ko sa mga taong nakakabangga ko.



Dahil nga nagmamadali na ko, nagcutting classes kasi ako. Eh trip ko kasing magwindow shopping haha. Tas magbuklat buklat ng mga libro sa National Bookstore.


Tas ayon, malapit ng mag uwian sa school namin, napasarap kasi ako ng basa dun sa libro. Di ko tuloy namalayan na mag uuwian na. Actually malapit lang ang school namin sa mga malls, bookstore, restaurants, etc.

"Waaah--sorry po--kayo nalang magdampot ng gamit nyo ha? Nagmamadali na ko eh, pasensya na" I said matapos kong damputin ang mga gamit kong nahulog, shocks! Pati cellphone ko buti nalang di nabasag.


Agad naman akong tumakbo ng makita ko ang oras sa relo ng lalaki.


"Hey! Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo!" He shouted. Di ko nalang sya pinansin.

Sayang! Gwapo pa naman, kaso wala na kong time para makipagfriends.


Pagkadating ko sa likod ng school, nakita ko naman ang mga kaibigan ko.

"Hoy! Gago bilisan mo, uwian na." Tarantang sabi ni Aisle.

"Oh eto na nga oh, paakyat na--oyy paalalay" nagmamadaling sabi ko.

"Bobo, mukhang nasarapan sa NBS ah?" Nakangising sabi ni Crizzel, umirap nalang ako.

Agad naman nila kong inalalayan, para makaakyat ng bakud at dumiretso agad kaming comport room.

Nang makapasok na  kami ng cr. Nagpalit at nag ayos na kami ng damit.

"Nagyosi ka?" Tanong ko kay Tracie. Tumango naman sya.

"Argh, kaya pala ambaho. Tss, magmumog ka" I said, habang kinukuskos ang ilong dahil sa mabahong amoy.

"Haha, sanayin mo na kasi sarili mo. Ang tagal tagal ko na 'tong ginagawa, allergy ka pa din"  sabi nya sabay irap sakin.

"Never!" Sabi ko habang tinatali ang buhok ko.

"Oy, Tara na." Aya ni Crizzel.

Agad naman kaming nagsilabas ng cr, at dumiretso sa gate.

"Putangina, cutting na naman mga chicks ko." Bwiset, nandito na naman 'tong mga kumag na 'to

"Ewz, sigeee na mauna na ko mga sis." I said.

"Oh sige, byeee sis. Ingat ka." Sabi naman nilang tatlo.

"Iniiwasan talaga nya ko oh" rinig ko pang sabi ni Raiko. Adik kasi sya.

"Bobo, usok kasi yung iniiwasan ko." Sabi ko at tumalikod na. Magyoyosi na naman kasi sila sa may bangketa. Tss.

Agad naman akong umuwi at nakarating ng bahay. Naabutan ko naman si daddy na nagkakape.

"Hi dad" I said then I kissed him on his cheek.

Dumiretso ako ng kusina para kumuha ng tubig na malamig.

"Hmm, how's your day?" My dad asked, habang nakafocus ang tingin sa newspaper na binabasa nya.

"As usual, medyo stress pa rin dad." I said, bago ko ininom ang tubig ko.

"Take a rest" he said. Ngumiti nalang ako at dumiretso na ng kwarto.


Hayst. Take a rest daw eh, kaya hihiga muna ko, pero bago yun magbibihis muna ko.


Pagkatapos kong magbihis, agad ko namang kinuha ang cellphone ko. Grabe, mukhang naninibago ako sa itsura ng cellphone ko. Parang bagong bili.


Binuksan ko naman iyon, syempre walang password-----hala! Ba't lalaki yung wallpaper. Shit!


Eto yung lalaking nakabangga ko kanina ah! Gosh! Bobo, nagkapalitan kami ng cellphone?!


Hala, putragis! Baka pakielaman nya yung wattpad ko na kumpleto sa possessive series. Shocks! Nakakahiya.


Argghhh! Sana mabait syang tao!

___________

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon