Twenty-four

118 12 0
                                        

Umuwi akong basang basa ng ulan.

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko agad si tita na bakas ang pag aalala.

"Alli? What happened to you?"

"Wala."

"Alli? Please, tell me,"

"I want to take a rest," I said saka ako naglakad papuntang kwarto ko.

Ano na nga bang nangyayari?  Ba't si Dan, ambilis kong pinagkatiwalaan, samantalang si Tita Carolle, hindi. Ang gulo ko, naiinis ako sa ugaling meron ako! Naiinis ako sa sarili ko!

Bigla namang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko si Dad tumatawag. Pinunasan ko naman ang mga luha ko, bago ko sagutin ang tawag ni dad.

"Hmm, h-hello dad?"

[Sweetie, kamusta kayo dyan?]

"Okay naman po kami, kayo po dyan?"

[Buti naman, eto stress sa work anak. Ahm, okay na ba kayo ni Tita Carolle mo?]

"Actually, not yet."

[Alli, please accept her as your mom.]

"I can't dad."

[Why you can't accept her?]

"I don't know, ayoko lang dad."

[I loved her so much, and I loved you too.]

"Why her?"

[What do you mean?]

"Bakit sya yung pinili nyo'ng mahalin?"

[I can't explain, I felt so comfortable on her.]

"Yun lang?"

[Alli, please.]

"Dad, I'm sorry"

Binaba ko na ang tawag, hindi ko na kasi mapigilang maiyak.

Arrgh! I hate myself!

Sa sobrang inis ko lahat ng gamit ko ay pinagtatapon ko na at ipinagbabalibag.

Wala na kong paki, kahit na may masira pa. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon, parang di ko na alam kung anong gagawin ko.  Feeling ko napakamali ko sa lahat ng bagay!

Na sa tuwing gumagawa ako ng desisyon sa buhay ko, parang palagi akong nagdadalawang isip, kung tama ba yon o mali. Ayoko kasing magsisi sa huli! Takot ako sa paggawa ng desisyon!

"Alli? A-anong nangyari sa kwarto mo?" Tanong nya pagkabukas nya ng pintuan ko.

"You don't care," I said saka ako umalis sa harapan nya.

Sinundan naman nya ko pababa ng hagdan.

"Can you please, don't follow me?"

"Nag aalala ko,"

"Ang sakit!" Napatigil naman sya

"Alli.."

"Yung taong pinagkatiwalaan ko, sinasaktan ako ngayon!"

"Are you referring your b-boyfriend?"

"Oo, pero di lang sya. Lahat ng taong pinagkatiwalaan ko,"

Bakas naman sa mukha nya ang pagkalungkot at pag aalala sa nararamdaman ko, pero alam ko namang di yun totoo.

"K-kaya wag kang aasa ng tiwala ko sayo, wag na wag," Sabi ko habang pinupunasan ang patuloy na tumutulo kong luha.

"Bakit?"

"Dahil alam kong pagsisisihan ko rin yun sa huli. Ayoko ng magtiwala sa iba! Lagi naman nila kong sinasaktan," tuloy tuloy pa rin ang agos ng luha ko.


"Mapagkakatiwalaan mo ko, Alli..." Umiling iling naman ako sa sinabi nya.

"Until now, umaasa ka pa rin na makukuha mo ang tiwala ko?...Para ba matanggap na kita?" I told her at Umiling din sya dahil sa sinabi ko.

"Umaasa ako kahit na malabong mangyari, Alli.." Sabi nya, saka may tumulong luha sa mga mata nya.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na NEVER. NEVER!" Sigaw ko.

"B-bakit never? Di ba pwedeng soon? Maghihintay naman ako eh---"

"Alam mo kung bakit? Kasi alam ko na matagal mo ng habol ang pera ni Dad! Porket ba may kompanya kami? Ha?"

Hindi ko alam kung saan ko napulot ang mga salitang yon. Ewan ko, nadala lang siguro ako ng emosyon.

"Hindi mo ko kilala Alli, para sabihan mo ko ng mga ganyan,"


"Ba't di ka na lang magpakatotoo? Di ka ba napapagod magpakitang tao?"



"Ang sakit naman ng sinabi mo Alli, ginawa ko naman ko ang lahat lahat. Pinilit kong gawin yung mga bagay na never kong ginawa, para lang sayo. Ano pa bang dapat kong gawin?"



"Wala ka ng ibang dapat gwain. Umalis ka na lang sa pamamahay na 'to!"


Itinulak ko naman sya palabas ng bahay namin. At tumitig naman sya sakin na parang nagmamakaawa, Ewan ko parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko at lahat ng ginagawa ko ngayon.


"Sige aalis ako, Alli. Kung ito ang gusto mo. Pero sana tuparin ng Diyos ang hiling ko....na sana tanggapin mo na ko bilang Ina na mag aalaga sayo habang buhay." Sabi nya.


"N-never.." I said, saka ko isinarado ang pintuan. At doon ako lumuha ng todo.


Ewan ko, ang sakit sakit na!

________

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon