Ten

153 17 3
                                    



Natapos ko ang pagkain ko, at ayun nga bumaba na ko para maghugas ng pinagkainan ko.




I slowly wash the plates. Kaso biglang dumulas sa kamay ko kaya ayon nabasag. Ang lakas pa ng pagkabagsak, kaya napatakbo naman yung babaeng yun at tarantang taranta.


"Are you okay, Alli? Nasugatan ka ba? Saan masakit---" she said with full of concern.

Binawi ko kaagad ang kamay ko sa kanya, actually wala naman akong sugat. Sa totoo lang takot ako sa dugo kaya buti nalang di ako nasugat.


Dadamputin ko na sana ang mga basag na plato, kaso bigla nyang inagaw yun sakin at nahila ko sa kamay nya kaya nasugatan sya. Nanlaki naman ang mata ko dahil sa laki ng hiwa sa kamay nya.



"Ouch!" She scream, mas lalo akong kinabahan. I don't know what to do.


"Oh my gosh! I'm sorry. Wait, I'll get a medicine kit," nagmamadaling sabi ko.


Pagkababa ko, nakita ko syang umiiyak. Shocks, did I hurt her so much?

"It's your fault! Kung di mo nalang sana inagaw yung basag na plato, edi sana di ka masusugat. Hayst, sige isumbong mo na ko kay dad! Tell him, what happened to you!" Irita kong sabi, lalo na't nakikita ko yung dugong dumadaloy sa kamay nya.



"Don't worry di ko sasabihin sa kanya. Sige na ako ng bahala dito, umakyat ka na sa kwarto mo." I tried to raised my voice pero parang nakokonsenya ako kaya humina bigla yung boses ko.


"Tss, it's your fault" I said. Saka ako tumakbo paakyat ng kwarto ko.



Gagi, parang kabang kaba ako sa nangyayari. Kasalanan nya naman diba? Inagaw nya kasi.

Ilang oras akong nagkulong sa kwarto ko. Wala naman na kong naririnig na ingay sa baba. Kaya sinubukan kong tignan kung okay na ba yung kusina don.



Pagkababa ko, malinis na ang kusina. Dinobled check ko din kung may bubog pa. Wala naman na. Then naabutan ko naman syang nakaupo sa sofa habang hinihimas ang kamay nyang may hiwa. Nakabenda na iyon.

"Oh? Anyare? Okay na ba?" Tanong ko na walang emosyon. She nodded.

"Tss, nagsumbong ka na ba?" I sarcastically asked.

"Nope." She smiled at me kaya inirapan ko nalang sya.

"Salamat sa concern"dagdag pa nya.


"Ha? Ako? Concern? Sayo? Duuh, never." Parang napakadepensive ko naman ata

"Haha. Daming sinabi, pwede namang you're welcome nalang." She chuckled.

Di ko nalang sya pinansin at bumalik nalang ako sa kwarto ko para manood ng TV. Boring eh.

Hayst. Concern daw ako? Tss, mukha nya. Nagtanong lang, concern na agad?


Nagvibrate naman ang cp ko, este cp ni Dan. Nakita kong tumatawag sya, kaya sinagot ko ito.


"Hello?"

[Baby?"]

"Woy, Dan? Ikaw ba yan?"

[I miss you baby]

"Sino 'to?"

[Wala man lang ba 'I miss you too baby'?]


Nakapagtataka naman 'tong nga pinagsasabi nya.

[Baby? Are you still there?]



"Shocks! Dan, ano baa? Pinagloloko mo ko!"

[Baby? Anyare sayo? Ba't ang cold mo? Ayaw mo na sa'kin? Di mo na ko lab?]



"Hoy ano ba? Dan? I'm serious!"


[Akala ko di mo na ko lab baby. I love youuuuu toooo baby kooo!]


"Ha? Hoy wala kong sinasabing I love youuu, tch."


Takte! Baliw na ba 'to?


[Alli, sorry. May nanlalandi kasi sakin dito, sabi ko may gf na ko. Kaso ayaw nyang maniwala, kaya tinawagan kita. Hihi.]



"Ba't ako tinawagan mo? Ang dami naman atang babae dyan sa contact list mo."




[Ikaw gusto ko.]



Shocks! Gusto? It means he like me?


[Gusto kong pagtripan.]



"Bwiset ka!"

[Haha, joke lang. I mean, sumasabay ka kasi sa trip. Kaso kanina di ka sumabay. Tss. Buti nalang umalis na. Grabe.]



"Nyenyee, edi next time sasabay ako. Sige na wattpad lang ako. Byee"


[Awtss, sigeee na nga poo. Mamaya tawag ulit ako, wala kong kausap eh hehe.]


"Sigeee po, byeee" then I hang the phone.


Shit, kala ko totoo na. Psh.


__________

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon