Shocks, Dec. 24 na ngayon, monthsary namin, at mamayang 12:00 pm, It's a Christmas day!
Sobrang saya ko kasi, okay na ang lahat. Tanggap na nila Daddy at Tita-mom si Dan bilang boyfriend ko. Tutal sa January 28, Debut ko na. Hehe at kapag nag 18 na ko, Malaya na daw ako, pwede na daw akong tumira sa iisang bahay kasama si Dan.
Saka hanggang ngayon, pinagpapatuloy pa rin ni Dan ang panliligaw nya sakin kahit okay na kami
Actually hindi naman kami nagbreak, sadyang trip ko lang magpaligaw sa kanya haha. Kinilig pa nga ko sa sinabi nya, eh kasi habang buhay nya daw ako liligawan."Ready naaaa, sige itago na natin yan sa refrigerator, para mamayang gabi, pwede na nating ilabas at ihain sa mesa." Masayang pagkakasabi ni Tita-mom
"Oh sige, mag antay nalang tayo ng 12 pm. Tutal 7:31 pm na. Malapit na haha, at sabay sabay tayong magkacount down," saad naman ni daddy.
Napangiti nalang kami ng todo dahil sa sobrang excite na nadarama. Awss, sa tingin ko masaya na din si mommy sa nakikita nya ngayon. Nakikita na nyang masaya si Dad, lalo na ako dahil may binigay syang kapalit na mamahalin namin ni Dad, habang buhay.
At ngayon, katabi ko si Dan habang nagcecellphone. Nga pala, nagpalitan na ulit kami ng cellphone. Ibinalik na namin sa isat isa ang aming mga sariling cellphone. Nakakatuwa naman kasi wala syang ibang pinakelaman sa ibang apps ko. Tanging photo album ko lang daw talaga ang tinitigan nya, simula nung makuha nya 'tong cellphone ko.
Ngayon ay nasa kwarto ko, kaming dalawa. Nagwawattpad lang ako ngayon at sya nagmml, habang naghihintay kami sa oras ng pasko. Napatingin naman ako sa kanya ng bigla syang magsalita. At napatingin din ako sa hawak nya. Mas nagulat naman ako dahil sa sinabi nya about don sa Nutella na hawak nya.
"Nalaman ko na...pwede palang ipahid sa katawan 'to tuwing nag---basta nagaano." Napataas nalang ako ng kilay nang sabihin nya 'yon.
"At s-saan mo naman nalaman yan? Saka ba't mo kinuha yan sa kusina namin ha?" Tanong ko, pero tinatago ko ang kaba dahil alam kong si Dark Montero lang naman ang gumagawa nyan.
"Kay Dark.....At madami pa silang gumagamit ng pagkain kapag nag aano." Napangiwi nalang ako dahil sa mga sinabi nyang iyon.
"Kahibangan. Adik ka na ba?---" tanong ko kaso agad naman syang sumabat.
"Mas adik ka. Sayo ko nalaman yan eh--ay mali, sa wattpad mo pala." Mas lalong nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga sinabi nya. At ngayon ay nakangisi na sya na para bang nang aasar.
"P-pakilamero ka! Sino ba may sabing pakilaman mo yung wattpad k----" natigilan naman ako sa pagsasalita ng bigla syang lumapit sa may bandang tainga ko saka bumulong.
"Gusto mo pahiran din kita ng mga ganon?" Hindi naman ako agad nakagalaw dahil sa binulong nya.
"Pero syempre kapag lagpas ka na ng 18, saka ko yon gagawin sayo, so chill and relax." Napairap nalang ako, nakakaasar sya!
Lumipas naman ang ilang oras, nasa terrace na kaming dalawa. Tinitignan lang namin ang mga stars sa langit. Bigla naman syang nagsalita kaya napalingon ako sa kanya, habang sya nakafocus pa din sa stars.
"Sabi nila, kapag nagbilang ka daw ng nine stars sa loob ng nine days. Magkakatotoo daw, kung anong niwish mo." Seryosong sabi nya kaya napakunot naman ako ng noo.
"Liar. Edi sana marami ng nagbibilang ngayon ng stars every night. Tss" napanguso naman sya matapos kong sabihin yon.
"Ewan ko. Siguro nga HAHA, At kung totoo man yon, siguro kabilang na din ako sa mga nagbibilang nun tuwing gabi," tinitigan ko naman sya habang nakatingin sa langit.
"Napakaswerte ko sayo," bigkas nya, hindi naman agad ako nakaimik.
"Kasi.....binalik mo yung tunay na ako, pati na rin yung totoong ngiti ko. Simula nung dumating ka, parang nabuhayan muli ako ng sigla. Haha, pati iba din ang kilig ko pagdating sayo. Parang ang corny pero cheesy haha. Ewan, di ko alam kung ba't nagiging ganun yung pakiramdam ko kapag kausap kita. Hmm, basta ang alam ko lang mahal na mahal na mahal kita. Sobra," Nakangiting sabi nya.
Nagulat naman ako ng biglang may nagputukan sa langit. Napatingin naman ako sa kanya, nakita ko syang sumulyap sa relo nya saka humarap sakin ng nakangiti.
"Again, happy monthsary! And Merry Christmas my baby....." Napangiti nalang ako sa sinabi nya. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kaya niyakap ko nalang sya ng mahigpit.
Gusto kong malaman kung maswerte din ba ko sayo.....
_________
Enjoy reading! :)

BINABASA MO ANG
CELLPHONE (completed)
Teen Fiction"Pakibalik ng cellphone ko!" PS. If you're looking for a perfect story, then don't read it. This is unedited, so expect some typographical errors, grammatical errors, wrong spelling and whatsoever errors. TY!