Seventeen

126 14 0
                                    


[Good morning baby, hehe,]

"Morning din, almusal naa,"

[Tapos na po at nagpakabusog ako para sayo, kaya dapat ikaw din,]


"Matagal na kong nagpapakabusog para sa sarili ko,"

[Awtss,]

"Drama mo tol, oo na para sayo, baka umiyak ka pa eh," napangiti nalang ako

[Oo, handa kitang iyakan, para lang maramdaman mong mahal talaga kita,]

"Woy, candy ka ba? Baka langgamin ka dyan,"

[Seryoso po ako,]

"Edi seryoso, tch"

[Napakasungit mooo,]

"Ano gusto mo?"

[Ikaw]

"Gusto ko?"

[Gusto ko.]

"Sana all,"

[Aysst, nakoo 'kaw talaga baby. Musta kayo ng mommy mo, este step mom mo?]

"Wews, eto buhay pa din,"

[Aah, kala ko patay na,]

"Oo patay na nga,"

[Sino?]

"Ako,"

[Bakit?]

"Tss, slow. Patay na patay sayo,"

[T-talaga? Damn! Kinikilig ako haha. Di ko mapigilan, Alli.]

"Yawa ka, parang bakla,"

[Okay lang maging bakla, ang mahalaga kinikilig ako ngayon,]


"Wow ah, parang di ka nakaranas ng kilig ah,"

[Oo, serious type kasi ex ko, gusto laging formal,]

"Aytt, wawa ka naman,"

[Ikaw? Ilan na ex mo?]

"Wala pa, study first ako dati, Ewan ko lang ngayon,"

[Haha. Ilan nagtangka?]

"Madaming sumubok maghintay sakin pero lahat sila ngayon taken na,"


[Aws,]

"Baka ganon ka din, I'm sure."

[Hindi ako sila, at never akong magiging sila. Hihintayin kita, pangako.]


"Nakoo, Sige pero di pa rin ako maniniwala. Patunayan mo, Sige almusal muna ko,"



[Maniwala ka pooo, eatwell!]


After nyang sabihin yon, agad ko ng ibinaba ang cellphone. At saka ako pumunta ng kusina,



"Good morning, Alli. Mag almusal ka na,"

Umupo naman ako at nagsimula ng kumain.


"Ahm, kamusta yung assignment mo na ginawa ko? Okay lang ba? Pasensya na kung mali----" pinutol ko na ang sasabihin nya.




"Perfect, thanks." Naramdaman ko namang napangiti sya.



"Sige, papasok na ko, ikaw na bahala sa bahay, kapag natagalan akong umuwi, it means dumaan pa ko sa NBS," para namang naamused ang mukha nya ng sabihin ko kung sa'n pa 'ko dumadaan.




"Aah--hehe, sige mag iingat ka, Alli." Di na ko sumagot at tuluyan na kong lumabas ng bahay.



Pagkarating ko sa school, as usual sabay na naman kaming pumasok sa room ng mga kaibigan ko.



"Alli, kamusta na kayo ni Dan? May label na ba?" Tanong sakin ni Criz,



"Wala, nanliligaw sya," nanlaki naman ang mga mata nilang tatlo saka sila tumili,




Grabe, nakakahiya. Baka isipin ng ibang tao na mga baliw ang kasama ko. Tignan mo kung makatingin sila samin, parang inggit na inggit, tch.




"Ssh, wag na kayong maingay, pinagtitinginan tayo. Baka matsismis na naman tayo dyan." Bulong ko



Tumingin naman sila sa paligid. At saka tumahimik hanggang sa makarating na kami ng room, sumalubong naman ang nakakakilabot na tingin samin ni Beatrice. Manang mana sa kaibigan, tss.





"Ano tinitingin tingin mo, gusto mo tusukin namin mata mo ha?" Mataray na bulong ni Tracie kay Beatrice, umiwas nalang sila ng tingin.




"Mga duwag, tch." Bulong ni Aisle, pagkaupo nya.



Nakita ko nalang na umirap si Beatrice at saka may binulong sa mga kaibigan nya. Sakto namang pumasok ang Prof namin, at nakita naman silang nagbubulungan at nagtatawanan.




"What's funny girls? Why are you laughing? Can you share it with us? Para din naman matawa kami," sarcastic na sabi ng Prof namin.





Tumayo naman si Beatrice, at di nakasagot. Napailing nalang kami. Tawa pa, tss.



Lumipas ang ilang oras, lunch break na namin. Bumili lang kami ng Milk tea saka Cheese dog.




Naramdaman ko namang nagvibrate ang cp ko, as usual si Dan tumatawag na naman.




"Sagutin ko lang" di ko na pinansin ang mga pangaasar nila. Diretso tayo agad ako at pumunta sa malayo sa kanila.





"Oh?" Panimula ko.


[I love you]


"Neknek mo, ba't ka napatawag?"


[Neknek mo din, kakamustahin lang kita, masama ba?]



"Oo, may bayad ang pangangamusta sakin," pagbibiro ko.



[Wala kong pera, edi pagmamahal ko nalang,]




"Sige, ikaw bahala,"



[Talaga?]


"Oo, bugbog nga lang yung sukli"



[Okay lang, basta ba ikaw ang bubogbog sakin,]


"Yawa ka, Sige na mauubos na load ko, bye!"



[Loloadan kita mamaya para makausap kita ulit. Byeee]


Ngumiti nalang ako saka ibinaba ang tawag.


Bwiset naman oh, napofall na ko Daaaaaaan!




_________

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon