Twelve

141 14 4
                                        


*Kinabukasan* 

Nasa school na ko at ito, lunch break namin.


Wala kong ganang kumain, kaya eto, chat chat lang kami ni Dan.

----------

Convo namin;

Dan: Baby?

Me: Yes, baby?

Dan: Yiiee.

Me: Haha, asan ka ngayon?

Dan: Katabi mo.

Napalingon lingon naman ako sa palagid ko. Wala naman sya.

Me: Eh? Usto mo sapak? Asan ka nga?

Dan: I want kiss.

Me: Nyenyee. Asan ka nga?

Dan: Nasa puso mo, nagkakape.

Me: Takte, ang corny.

Dan: I'm serious. Ayaw mo maniwala?

Me: Liar! Wala ka sa puso ko. Nasa isip kita eh, takbo ng takbo.

Dan: Haha, mas corny.

Me: What ever.

Dan: Kape ka ba?

Me: Tao ako.

Dan: Psh. Say why.

Me: Babanat ka?

Dan: Oo, dalii, say why.

Me: Kasi ang hot ko?

Dan: Tss. Mali.

Me: Eh bakit?

Dan: Dahil sayo, di ako makatulog.

Me: Wow, sinisi mo pa ko sa pagpupuyat mo. HAHA charr.

Dan: Haha, di ah. Ayst, ang corny.

Me: Sinabi mo pa. Corny talaga.

Dan: I want TV ka ba?

Me: Hindi. Bakit?

Dan: Kasi I want you!

Taena, kakakilig yon? Pafall putcha.

Me: Daming alam.

Dan: Haha, eto naa. I want TV ka ba?

Me: Bakit nga poo?

Dan: Kasi lahat ng gusto ko, na sa'yo.

Me: Sus. Falls ka ba?

Dan: No.

Me: Hoy, ayusin mo.

Dan: Haha, why?

Me: Kasi paFALLs ka!

Dan: Bakit napofall ka na?

Me: I dunno.

Dan: Don't worry, sasaluhin kita. ;)

Me: Weh?

Dan: Oo, tulad ng pagsalo ko sa bola.

Me: Ayy bolero ft. babaero. Ayy sorry pasmado.

Dan: It's true.

Me: Alin? Yung bolero ft. babaero ka?

Dan: Hindi. Yung sasaluhin kita pag nafall ka sa'kin.

Me: No thanks. Okay na ko sa life ko.

Dan: Edi hihintayin kita pag need mo na ng love life.

Me: I don't need it.

Dan: *pout*

Me: Pout paaa haha. Di ka cute.

Dan: Alam ko, kasi pogi ako.

Me: Yabang tss.

Dan: I love you!

Napatitig naman ako sa chinat nya. Ayt. Alam ko namang gagamitin nya lang 'tong convo na 'to para don sa lumalandi sa kanya.

Me: I love you too, baby!



Di ko na rin hinintay ang reply nya, dahil nga may klase pa kami.



Pagkatapos ng ilang oras. Uwian na namin, dadaan pa sana ko ng NBS. Kaso baka matagalan ako at mag alala na naman yung kasama ko sa bahay. Tss, Oa din, dun ata nahawa si Dad.






Pagkauwi ko sa bahay, may naamoy akong di ko gusto na pagkain. Agad naman akong pumunta sa kusina, para tignan kung anong niluluto nya.





"Ambaho. Ano yan?" Tanong ko sa kanya habang nakatakip ako ng ilong.





"Ayy, namiss ko lang magluto ng bagoong, favorite ko kasi yan. Gusto mo tikman?" She said. Akmang lalapit pa sakin kaya lumayo agad ako.





"No way! I don't like that. Nakakadiri." Sabi ko saka ako naglakad papuntang kwarto ko.






Tss, oo maarte ako. At wala kayo pakielam don. Ayoko talaga ng bagoong (alamang), maraming nagsasabing masarap yun pero wala kong ganang tikman yun. Basta nandidiri ako.




"Alli? Tapos ka na bang magbihis? Tara kain na tayo sa baba. Don't worry nilutuan kita ng tocino." I just roll my eyes.





"Mauna ka ng kumain, mamaya pa ko." I told her.



"Hmm, gusto ko sanang may kasabay ako. Pero sige mauuna na kong kumain." She told me.




*sigh* I know the feeling na walang kasabay na kumain. Pero nahihiya ako sa kanya, kaya paninindigan ko nalang kung anong sinabi ko sa kanya.




Aaminin ko na naaawa ako sa itsura nya kapag nakikita ko syang nagtatrabaho dito sa bahay. Hindi ko naman kasi sya yaya, kaya dapat di na nya yun ginagawa.




Tss, bahala nga sya. Nakakahiya pang magsabi na hanggang ngayon masakit pa din ang ulo ko. Tas sabi pa nila may lagnat daw ako pero pakiramdam ko wala naman. Tch. Hayaan ko na nga lang, mawawala din 'to.

________

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon