Twenty-five

133 13 0
                                        




Ilang linggo na ang lumipas, simula nung mangyari yon. Hindi pa rin naman ako nakakamove on about dun. Lalo na kay Dan, hanggang ngayon di pa rin sya nagpaparamdam. Ewan ko Hindi pa naman kami break, at saka balak ko na rin namang makipag break kaso parang may pumipigil sakin.




Medyo depressed ako nung mga nakaraang araw, buti nalang nandyan ang mga kaibigan ko para icheer up ako.  Kaya bumuti na ang pakiramdam ko, natutulog na din ako ng maaga at kumakain ng tama. Unlike nung nakaraang araw, dahil sa lagi kong iniisip yung nangyari.



Nandito ako ngayon sa bahay ni Aisle. Tumambay muna ko sa kanila, syempre gusto ko munang ifocus yung sarili ko sa mga positive. At ngayon Christmas vacation namin kaya medyo nagreready na kami para sa paskong darating.



"Nga pala, Alli may project ka na ba?" Napatingin naman ako sa kanya, saka nagisip.


"Anong project?" Tanong ko.

"Nakoo, yung about sa diary ba yun?" Naalala ko naman yung sinasabi nyang project.

"Oo meron na, katatapos ko lang palang gawin yun kahapon, yung story nila mom and dad yung kinwento ko dun." Seryosong sabi ko habang focus sa kakascroll sa Facebook.


"Eh? Pano si tita Carolle?----" I glared at her.

"Ewan ko." I said.



"Magpapasko na dapat okay na ang lahat. Ayusin mo na Alli." Di ko nalang pinansin ang mga pinagsasabi ni Aisle.



Sa kakascroll ko, nakita ko naman ang isang company about books, nage-endorse sila ng mga books. Wattpad books. Then sikat yung branch nila, kasi mura lang yung presyo ng mga binebenta nila.


Inistalk ko naman yung page na yun, MOREBOOKS yan yung name ng page nila. Sa kakastalk ko dun, may nakita akong name na pamilyar sakin.


For more details click this link [https://MOREBOOKS.com] and follow Ms.Carolle Dela Vega's Page.



Pinindot ko naman yung name na nakamention dun, at bumungad sa akin agad ang profile pic ni Tita.

"Shocks!" Nasabi ko nalang bigla.

"Oh anong nangyari?" Napalapit nalang sakin si Aisle.

Halatang nagulat din sya dahil nakita namin kung gano karaming reacts sa photo ni Tita Carolle. Famous sya, dahil sa kompanyang pinapatakbo nya. 0_0

"Yung step mom mo yan diba?" Tumango nalang ako habang pinagpapatuloy ang pagistalk sa kanya.

"Oh my gosh, bhe yan yung branch na inoorderan nila mommy ng mga wattpad books ko, kaya ang gaganda.... S-step mom mo yung may ari?" Tanong nya.



Naalala ko naman yung mga sinabi ko sa kanya. Shocks! Napakasama ko. Hindi ko alam na mas mayaman pala sya kesa sa pamilya ko. Tapos napagbintangan ko pa syang mukhang pera, arrghhh! Nakakaguilty!



"Oy bess---" di na nya natapos ang pagsasalita nya ng bigla akong tumayo at nag ayos ng sarili.



"Oh San ka pupunta?" Tanong nya, "Nakakaguilty Aisle" sagot ko habang nililigpit ang mga gamit kong nakakalat sa higaan nya.


"Yiiieeee, go ghorl! I cheer you!" Napangiti nalang ako sa sinabi nya saka ako tuluyang umalis sa bahay nya.



Agad naman akong naghanap ng taxi. At sakto may taxi ng parating kaya agad ko 'yong pinara. Buti nalang kalang dalang pasahero. Pumasok naman agad ako.



"Sa'n tayo ma'am?" Tanong ng driver sakin.


"Alam nyo po ba yung company ng MOREBOOKS? Dun po tayo." Nagmamadaling sabi ko.


"Sige po ma'am," ngumiti nalang ako sa driver. At tumingin tingin  nalang sa mga nadadaanan namin.


I'm sure nandoon sya. Medyo kinakabahan pa ko, parang ang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot akong humarap sa kanya, nahihiya na ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba syang makita ulit ako o hindi. Hayst.




Agad naman kaming nakarating ni Manong, at binayaran ko naman sya para maka alis na. Grabe ang laki ng company nila. Books! Mahilig din sya sa libro?



Saktong pagtingin ko nakita ko agad sya. Agad ko din naman syang tinawag kaya napalingon sya. Bakas sa mukha nya ang pagkagulat. Kahit na nanginginig ako, tumakbo pa rin ako papalapit sa kanya.




"I-i'm sorry. I'm very very sorry sa lahat ng mga ginawa ko sayo lalo na sa mga nasabi ko...." Agad naman nya kong nilapitan at niyakap ng mahigpit.




Hindi ko naman napigilang lumuha..


_________

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon