"Ahm, nga pala, ano yung sasabihin mo sakin kahapon? Di mo kasi nasabi eh," tanong ko Kay Dan, habang nakavideo call kami.
[Bad news yon para sakin.]
"Ano nga poo?"
[E-extend pa daw ako dito ng isang buwan. Bale December pa ko makakauwi, sorry.]
Awtss December pa. Isang buwan pa ko maghihintay sa kanya. Eh October palang ngayon.
"Ayytt, gusto na kita makita eh." I said saka ako ngumuso.
[Same to you. Gustong gusto na kitang makita, hayaan mo mabilis lang naman lumipas ang panahon baby, magkikita rin tayo. Malapit na.]
"Sana nga makita na kita,"
[Yiieee, parang habang tumatagal, nagiging sweet ka na din sakin. Ta's minsan mo nalang akong murahin.]
"Ewan ko nga eh, siguro gan'to talaga pag nagmahal ka."
[Oo nga, may point ka baby ko,]
"Ahm, nung nagkabanggaan ba tayo, paalis ka palang nun?"
[Ayy, oo paalis palang ako nun. Kaya parehas tayong nagmamadali nun, haha nabadtrip pa nga ko sayo nun eh.] Ngumiti nalang ako dahil sa sinabi nya.
"Same lang din, badtrip din ako nun, kasi malapit ng mag uwian sa school namin, baka mamaya mahuli kami sa pagcutting haha."
Parehas naman kaming napatawa.
[Cutting cutting ka pa kasi baby, haha]
"Wala eh, ang sarap magbasa."
[Bibliophile, same tayo baby.]
"Mahilig ka rin sa libro?"
[Of course baby, kaya nga same tayo eh. You know baby, simula nung magkausap tayo sa cellphone, parang ayaw ng mawala ng boses mo sa tenga ko.]
"Haha, corny."
[Haha totoo yon baby, sandali lang ah. May gagawin lang ako. I need to hang up this, mamaya nalang ulit baby ko.]
"Sige byee-----toot toot"
Binabaan agad ako. Tss, ba't ba kasi naextend pa sya don? Hayst
Bumaba naman ako sa sala namin, manonood nalang ako ng TV. Pantagal stress, tinext ko na din ang mga kaibigan ko. On the way na sila para pumunta dito.
Mga ilang minutes ang lumipas, nakarating din naman agad sila sa bahay. Pagkatunog ng doorbell namin, agad naman ako tumayo para pagbuksan sila.
Pagkabukas ko ng pinto, pinapasok ko naman sila agad. May mga dala silang snacks.
"Alliii dala ko na yung pinapadala mo saking libro. Eto may drinks din akong dala." Tuwan' tuwang sabi Aisle.
"Shocks, andyan mommy mo?" Tanong ni Crizelle.
"Oo nandyan yung STEP MOM ko." I said.
"Ayytt." Nagpout nalang si Cruz.
"Pwede magyos----" pinutol ko na ang sasabihin ni Tricia.
"Bawal po." Nagpout nalang din sya.
"Nga pala ba't mo kami pinapunta dito?" Tanong ni Aisle
"Wala namisss ko lang kayo." Mahina kong sagot habang binubuklat yung librong dinala nya.
"Ows. Musta kayo ni Dan?" Tanong ni Criz.
"Ayon, extended sya ng isang buwan don." Malungkot kong saad.
"Ayy kaya pala nakasimangot."
"Lagi naman akong nakasimangot," sagot ko kay Tracie.
"Oo nga pala. Tch, ano tampo ka?" Tumango ako.
"Sa tingin nyo, tama bang pinagkatiwalaan ko sya?" Tumitig naman sila sakin.
"Oo naman, eh diba matagal kang magtiwala sa isang tao? Pero pinagkatiwalaan mo sya, dahil magaan na ang loob mo sa kanya----- Wala pa naman syang ginagawa na di maganda diba?" Tumango ulit ako.
"Okay lang yan, baka may studies sya na kailangang tapusin." Saad naman ni Crizelle.
"Sana nga eh," nakapout kong sabi.
May narinig naman kaming footstep na pababa ng hagdan.
"Oww, nandyan pala kayo, hellooo." I smirked, ngumiti naman sila at kumaway kay Tita.
"Hi pooo, grabe ang ganda nyo poo," manghang sabi ni Aisle at Crizelle.
"Hehe, s-salamat. Ahm, may snack na kayo?" Tumango naman sila habang ako focus lang sa librong hawak ko.
"Meron na po tita. Hehe," sagot nila.
"Baka kulang pa yan, sige bibilhan ko kayo." Pipigilan pa sana sya ng mga kaibigan ko kaso mabilis syang nakalabas ng pinto.
"Grabe ang bait talaga nya"
"Oo nga eh, shocks ang swerte mo Alli."
"Nakakainggit ka."
Napairap nalang ako sa mga pinagsasabi nila. Kahit na sobrang bait pa nya, NEVER ko syang tatanggapin.
_______
Enjoy reading! :)
BINABASA MO ANG
CELLPHONE (completed)
Roman pour Adolescents"Pakibalik ng cellphone ko!" PS. If you're looking for a perfect story, then don't read it. This is unedited, so expect some typographical errors, grammatical errors, wrong spelling and whatsoever errors. TY!