Eighteen

131 14 0
                                    


Lumipas na ang isang buwan, mas lalong naging sweet sakin si Dan, oo nafall na nga ko, gusto ko na nga syang sagutin eh. Kaso baka naman bigla syang magbago, kaya patatagalin ko muna ng isa pang buwan. Tutal malapit na rin naman syang umuwi, dalawang buwan nalang.




Pero ganon pa din naman ang pagtrato ko kay Tita Carolle, walang nagbago. Minsan naaawa na ko sa sa kanya, parang nakakaguilty. Pero what if, pera lang talaga ang habol nya kay Dad? Ayokong masaktan si Daddy sa iba.




Pagkababa ko sa hagdan nakita ko namang nagbabasa sya, di ko alam kung anong binabasa nya eh. Kaya lumapit naman ako sa kanya, agad naman nyang iniligpit yon.





"Ano yun? Procedures? Para San? Sa mga gawaing bahay? Bakit?" Sunod sunod kong tanong.





Yumuko nalang sya at di na umimik.


"D-di ka marunong maglaba? Magluto? O kahit ano sa gawain sa bahay? Woah----shocks!" Nakita ko namang ngumiti sya ng mapait. At halatang nahihiya.




Kaya pala nagsugat sugat yung kamay nya sa paglalaba nun, tas yung iba naming damit may mantsa pa. Tas kaya pala minsan nasusunog nya yung ibang niluluto nya.




"Kung di ka marunong, b-bakit mo pinipilit yun na gawin?" Nauutal kong tanong.




"Para sayo, Alli. Ayokong madissapoint ka sakin. Ayoko." Kumunot naman ang noo ko,




Di ko alam kung dapat ba kong matuwa o Ewan eh.




"Gusto kong patunayan na kaya kitang alagaan at mahalin na parang tunay na anak." She said saka nya pinunasan yung luha nyang patulo na.




"Stupid. Kung ginagawa mo yan para makuha ang loob ko, sinasabi ko na sayo na di ka magtatagumpay. You know, itigil mo nalang yan. Di mo kailangang gawin yan para sakin," sumimangot naman sya.





"No, gagawin ko 'to hanggang sa matanggap mo na ko bilang second mom mo."




"I said never kitang tatanggapin, so stop that shits." Saka ako tumakbo sa kwarto ko.




Hayst, sana talaga always nalang may pasok para naman di ko 'to nakakasama ng matagal. Tss.



Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na never! Bat di nya yun maintindihan? Simula nung dumating sya sa buhay ni Daddy, nagbago na ang ugali ni Dad. Mas aktibo na sya sa work, at mas naging concern pa sya babaeng yun kesa sakin. Para ngang wala na ko dito sa mundong 'to kaya di ako napapansin ni Daddy.






Tas dadagdag pa sya sa attention ni dad? Gosh! I need time! Attention! To my dad. Yun lang kailangan ko. Pano pa kaya pag nagkaanak na sila? Pano na ko? Mawawalan na ko ng puwang dito sa bahay na 'to kapag nangyari yon. Ayoko.




Napapunas nalang ako ng luha ng marinig ko yung ringtone ng cellphone ni Dan. Agad ko namang sinagot ang tawag nya.






"Hmm?" Panimula ko.



[Baby? Umiiyak ka ba?]



"Ungaa ungaaa daddyyy"




[Really? Di ako nakikipagburuan. Sino nagpaiyak sayo? Yung totoo.]



"Chismoso."



[Sino nga, Alli?] Halata naman sa boses nya ang pagkairita




"Ssh relax, naiyak lang talaga ko sa isang story."



[Totoo?]


"Oo nga, kainis kasi pinatay yung bidang babae then yung asawa nyang lalaki, mag aasawa ulit tas ayaw tanggapin ng anak nya. Then hanggang sa nagkaanak yung second wife, never ng nabigyan ng attensyon yung first na anak"





[Grabe naman yang story ng buhay mo,]




"Woy, di  yun story ng buhay ko. Tch, nabasa ko yun."



[Apakasinungaling mo,]


"Totoo yon, di ka ba naniniwala sa future wife mo?"



[Hindi.]




"Ows."




[Hindi po, kasi sobrang tiwalang tiwala po 'ko sayoo,]





"That's my baby, good boy."



[Ayokong umiiyak ka, kasi wala ko dyan para yakapin ka ng mahigpit,] halata sa boses  nya ang pagkaseryoso.



"Well, kung seryoso ka sa sinasabi mo, salamat! Pero kung hindi, pakyu."




[Seryoso ako. Pero pwede mo din akong ifuck, anywhere, anytime.]




"Gago ka, sigeee wattpad muna ko ah,"


[Read well! Wag kang magpapalipas gutom. Ingat ka palagi. Hihi byeeee!]





Napangiti nalang ako saka ibinaba ang cellphone nya.




Sana di sya magbago, malapit ko na syang pagkatiwalaan.



_________

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon