Ilang linggo na ang lumipas, hindi na kami masyadong nakakapag usap ni Dan. Tapos na din ang monthsary namin. Grabe, walang kaeffort effort. Naiintindihan ko naman yung sitwasyon namin na LDR, kaso ang hirap.
Minsan naiisip ko na ibreak na sya, dahil nakakabored, pero di ko magawa. Sabi naman ng mga kaibigan ko, ganon talaga yun sa simula. Di rin daw naman nila ko masisisi sa nararamdaman ko dahil first time ko pa lang naman pumasok sa isang relationship.
Ba't kasi ganon? Akala ko ba okay na. Ayst, grabe nakakastress pala 'tong love. Kaya pala ang daming nagsusuicide, tch.
"Oyy, ba't yung 13 years old na kapitbahay namin, kaya ng humandle ng relationship. Ta's ikaw hindi?" Napailing nalang ako sa sinabi ni Tracie.
"Kadiri naman yon," saad ni Crizelle saka kumagat ng burger.
"Ewan ko, di pa ko sanay." Sabi ko naman habang nakahalumbaba sa mesa.
"Edi sana all nalang sa batang yon," nagtawanan naman sila.
"Woy babaita, wag mong masyadong isipin si Dan, malay mo sobrang hirap ng situation nya dun." Sabi naman ni Aisle
"Alam ko naman yon, kaya nga hindi ako nagpapahalatang nagtatampo sa kanya eh." Saad ko.
"Kawawa talaga ang mga taken. Yan ang patunay na mas masaya pag single, lifestyle mo lang ang aatupagin mo." Proud naman na sabi ni Crizelle.
"Oo nga, iwas stress." Sang ayon naman ni Aisle.
"Wala lang kayong jowa eh," asar naman sa kanila ni Tracie.
"Handa kaming magsana all sa inyo." Sabi naman nilang dalawa.
"Kay Tracie lang kayo magsana all. Ampanget ng love life ko" bored kong sabi kaya napatingin naman sila sakin.
"Yawa ka day, ang ganda kaya. Sana all nga sayo dahil ang swerte mo na kay Dan. Distance nalang ang problem." Ngumuso nalang ako.
"Ewan ko. Ang sakit sa ulo,"
"Ganyan talaga, wag mo nalang syang isipin masyado. Tatawag din yun hintayin mo lang."
"Ang tagal. Gantong oras nasa kalagitnaan na yung pag uusap naming dalawa, pero hanggang ngayon di pa sya natawag, malapit ng matapos yung lunch break natin." Iritang sabi ko
"First time ka naming makitang ganyan. Yung tipong iritado ka sa love life mo ngayon, samantalang dati problemado ka sa teacher natin kasi di ka makacutting." Nagtawanan naman sila habang ako nakatitig lang sa kanila.
"So? Nakakatawa yon? Tss, buti pa nga 'tong si Tracie, di namomroblema Kay Jayson." I said.
"Woy bess, ano ka ba? Halos madrepressed nga ko kakaiyak dyan. Mabuti ka pa nga eh. Mas mabuti ka pa." Nanahimik nalang ako matapos sabihin yun ni Tracie.
Tapos na ang lunch namin, paalis na sana kami kaso biglang tumunog yung cp ko. Kaya tinignan ko iyon.
*1 message received*
Galing kay Dan, tinry kong tawagan sya kaso ayaw sumagot.
"Tara na ghorl, mamaya nalang yan. Baka malate ka pa sa klase natin," saad sa akin ni Aisle.
"Pero gusto kong makausap si Dan." Nag aalinlangan kong sabi.
"Mauna na kayo, susunod ako." Dagdag ko pa. Nauna na silang umalis at naiwan akong mag isa.
Agad akong pumunta sa cr, para tawagan sya ng tawagan. Pero di nya sinasagot kahit na nagriring.
Arrgh! Naiinis na ko, ilang araw na syang ganto. Laging busy, wala ng time, tapos nakakalimutan na nya kong kamustahin. Di pa nya siniseen yung mga message ko sa kanya, puro delivered.
Dapat pa ba kong maging kampante? Medyo naguguluhan na ko sa sitwasyon namin.
Gan'to ba kapag nagmahal ka? O dapat talaga hindi agad ako nagtiwala sa kanya?
Argh! Naistress ako, magkacutting na nga lang ako.
Ilang oras din akong nag ikot ikot sa NBS. Bigla namang nagvibrate ulit yung cp ko. May isang message ulit.
Binasa ko naman yon, pati na yung kaninang message nya.
*From: Jon Daniel Friesse
"Sorry."
"Bye, baby."
Ano 'to? Sorry? Bye?? Goshness! Naiinis na ko Kay Dan.
*To: Jon Daniel Friesse
"Hoy!
"Ano yun?"
"Bakit ganun?"
"Naiinis ako sayo!"
Pinagtatadtad ko sya ng mga message, at sineen naman nya yun. Hinintay ko yung reply nya pero ilang minuto na yung lumipas, wala syang reply ni isa.
Tuluyan ng tumulo ang mga luhang kong kanina ko pa pinipigilan.
Kakalma nalang muna ko, wala pa naman syang sinasabing break na kami.
________
Enjoy reading! :)
BINABASA MO ANG
CELLPHONE (completed)
Ficțiune adolescenți"Pakibalik ng cellphone ko!" PS. If you're looking for a perfect story, then don't read it. This is unedited, so expect some typographical errors, grammatical errors, wrong spelling and whatsoever errors. TY!
