One month na rin ang nakalipas simula nun. Marami ulit nagbago. At ngayon, nandito na naman ang babaeng 'to.
"Why are you here? Where's my dad?" I curiously asked, pagkababa ko ng hagdan.
Kagigising ko lang kasi eh.
"Ahm, di ba nasabi ng daddy mo na, ilang weeks syang mawawala, dahil may aasikasuhin sya sa ibang bansa?" Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.
"Really? Umalis na sya?" I asked then I looked at the window. Wala na nga ang kotse ni dad.
"Yup." She answered while smilingly.
"So, why are you still here?" I asked.
"For guarding you here, while your dad's not there." I rolled my eyes.
"No need, I can manage myself. I'm already 17 kaya alam ko na lahat." Pagmamataray ko.
"Really? Alam mo na lahat? Magluto? Maglaba? Maghugas ng plato? lahat lahat?" Ang kulit nya tss.
"Of course" I said. Nandito naman si yaya eh
"Kahit wala din ang yaya mo dito?" She said, while raising her eyebrow.
"Wala din sya? Gosh." Niloloko ba ko ng babaeng 'to?
Naglakad naman ako papuntang kusina, wala nga si yaya. Pati na sa garden wala din, at lalo na sa kwarto nya. Wala na ang nga gamit nya don.
"Is it her day off?" Iritang tanong ko sa kanya.
"Yup, your dad says."I rolled my eyes.
"So, bakit ikaw yung pinalit nyang makasama ko dito?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Ewan ko sa daddy mo, eh. At sabi nya ako daw ang masusunod ngayon sa pamamahay na 'to. Pwede rin daw kitang disiplinahin kung kinakailangan. But, di ko yun gagawin dahil di mo naman ako nanay para disiplinahin ka. Ang kailangan ko lang gawin ay bantayan at tulungan ka. May reklamo?"
"Of course, may reklamo ako. Ayoko sa'yo eh. You know hindi kayo bagay ni dad. At si mommy lang ang nababagay sa kanya, understood? Tch."
Agad naman akong bumalik sa kwarto ko at naglock ng pinto. Hinayaan ko nalang syang nakatayo doon. Wala naman akong paki kung anong gawin nya dito sa bahay namin.
I will never having care about her. Whatever what happens. Bahala sya.
Ilang oras din ang lumipas, naisipan kong bumaba dahil nga may naamoy akong mabangong ulam, parang yung paborito kong ulam na Caldereta. Gutom na tuloy ako.
"Hi, Alli. Gutom ka na? Pinagluto kita ng paborito mong ulam." Masayang sabi nya habang naghahanda sa mesa ng mga pagkain.
"How did you know?" I asked
"Ang alin? Ang magluto ng Caldere-----" I cut her words.
"Na paborito ko yan?" She smile a little.
"Your dad told me that. Same tayo hehe" I rolled my eyes.
"I'm not yet hungry." I said saka ako naglakad paakyat ng kwarto ko.
"Are you sure? Sige dadalhan nalang kita ng pagkain mo du----"
"No need, thanks." Saka na ako tumuloy sa paglalakad.
Shocks, sa totoo lang gutom na ko, huhu favorite ko yon eeeh. Dapat kasi si Yaya nalang yung kasama ko. Tss, magtitiis pa tuloy ako.
It's been 2:34 pm. Pero di pa rin ako kumakain. Hayst, gutom na talaga ko. Parang nakonsensya ko sa ginawa ko dahil sa pagkain.
*tok*tok*tok*
She's knocking at my door.
"Why?" I asked pagtapos kong buksan yung pintuan ko.
"Here's your food. Nag aalala ako sayo, sige na kumain ka na. Sabihin mo lang tapos ka na, huhugasan ko ang mga pinagkainan mo" she said saka nya inilagay ang pagkain sa ibabaw ng mini table ko.
"Ako na maghuhugas ng pinagkainan ko. Baka magsumbong ka pa kay daddy na inaalipin kita dito." I said lumabas naman sya ng pintuan ko at nagsalita ulit.
"Di ako magsusumbong, kaya ako nalang---" I cut her words again.
"No need" I said saka ko sya sinaraduhan ng pinto.
Tss, ang kulit kasi. Masyadong nagmamagaling tas malalaman ko nalang na nagsumbong sya. No way! It's better to be advance.
________
Enjoy reading! :)
BINABASA MO ANG
CELLPHONE (completed)
Teen Fiction"Pakibalik ng cellphone ko!" PS. If you're looking for a perfect story, then don't read it. This is unedited, so expect some typographical errors, grammatical errors, wrong spelling and whatsoever errors. TY!