Twenty-two

121 10 0
                                        


Ilang linggo na din ang lumipas at ngayon Nov. 02 na. Malapit ng mag December. Excited na kong makita sya.



Medyo nabubusy na rin si Dan. May studies nga syang tinatapos, at nagmamadali syang tapusin yon para daw makauwi na sya ng Pilipinas.



Pero nakakapag usap pa rin kami, sa chats, call, at video call. Minsan naman ng sesend sya ng voice mail.


Naaappreciate ko pa din naman yung mga time na binibigay ni Dan para sakin. Ayoko munang magtampo, gusto kong intindihin yung ginagawa nya.



"Ahm Alli, may itatanong sana ko....M-may boyfriend ka na?" Lumingon naman ako sa kanya.


"Meron." Maikli kong sagot.


"Alam na ba ng dad mo?" Tanong nya, umiling naman ako.



"Ipapakilala ko sya kapag umuwi na si Dad." I said.


"Aah, hehe. Mabait ba?" Tumango nalang ulit ako.



"Gusto ko rin syang makilala," she said. Pero di ko nalang pinansin yung sinabi nya.


"Hmm, Alli?" Lumingon naman ako sa kanya.


"Hmm?"


"Ilang taon yung mama mo ng mawala sya?" Napalingon naman ulit ako sa kanya.



"Ba't mo tinatanong? Di ko rin alam eh." I answered, saka ulit ako nagfocus sa cp ko.





"Mas matanda ba ko?" Umiling ako, kasi parang mas matanda si Mommy kaysa sa kanya.



"Aah, hehe---" magsasalita pa sana sya kaso biglang tumunog yung cp nya.


"Sasagutin ko lang," she said saka tumayo.




Nagvibrate naman yung cp ko pagka alis nya. Tinignan ko kaagad yon, si Dan nagtext.



*From: Jon Daniel Friesse

"Baby? Kamusta ka? Sorry di ako nakatawag sayo kaninang umaga. Sana nabusog ka sa mga kinain mo."


Agad naman akong nagreply.


*To: Jon Daniel Friesse

"Hehe, okay lang! Hinintay naman kitang magmessage, at saka nagpakabusog ako. Sana ikaw din."



*From: Jon Daniel Friesse

"Sooooorry! Babawi ako. At saka nagpakabusog din ako baby para sayo. Tatawag po ako baby,"


*To: Jon Daniel Friesse

"Okay laaaang. Ahm sige bumawi ka nalang. Okay tumawag ka. :)"


At ayon nga, tumatawag na sya at agad ko naman yung sinagot habang paakyat ako papuntang kwarto.


"Hello" panimula ko.


[Baby, kamusta ka?]

"Okay lang akoo, ikaw dyan? Pagod?"


[Buti naman okay ka lang, at saka okay na din ako dahil nakausap na kita baby, at saka opo pagod ako kanina, pero ngayon hindi na dahil sayoo.]


Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya.


"Wag kang magpapagod dyan, sundin mo ko ha? Baby."

[Opooo susundin kita always, baby! Hehe]


"Ahm, may nanlalandi pa rin ba sayo dyan?"



[Wala na baby, matagal na pong wala. Hehe wag ka ring mag alala dahil di ako magpapalandi dito sa kahit sinong babae. Ikaw din dyan ah? Baka kasi maging kriminal ako nyan.]



"Ikaw talaga, dahil ba papatayin mo sila?"


[Haha oo baby. Ayokong may lalandi sayo dyan, gusto ko ako lang. Ako lang pwede! Hehe.]


"Oo naman, ayoko ding may lalandi sayo dyan. Baka pag dumating dyan yung ex mo, rumupok ka,"



[Hindi na mangyayari yon, ikaw na ang mahal ko ngayon. Hindi na sya, never.]


"Yiieee promise?"


[Pangako!   Diba sinabi ko, na ikaw na ang future wife ko. Hehe, magtiwala ka lang,]


"Nagtitiwala 'ko. Sana di ka nagsisinungaling."




[Hinding hindi ako magsisinungaling sayo. Maniwala ka, totoo po lahat ng sinasabi ko sayo, baby.]




"I'll hope. May tiwala naman ako sayo eh,"




[Thank you sa tiwala mo baby, promise wala kong gagawin na ikakasakit mo.]




"Opo, opo."



[I love you baby!]



"I love y-you too."



[Endless,]




"Forever."




[Yiieee hehe, kinikilig na naman ako dito baby. Parang gusto kitang ikiss.]




"Haha, masyado kang speed. Manahimik ka, baka sapak ibigay ko."




[Damooot mo baby,]




"Nyenyeee, eh bakit ba?"




[Kiss!]




"Sapak."




[Kiss,]




"Sipa."


[Eeeeh, so mean.]




"Mabait ako, di lang halata."



[Alam ko.]



"Okay,"



[Okay?]



"Okey keyo."



[Eh?]




"Ano bang topic natin?"




[Pagmamahal ko sayo,]




"Ayy,"



[Sige baby, hang up ko na 'to. May need lang akong tapusin.]




Magsasalita pa sana ko kaso naibaba na nya agad.





Hayst. Ano ba kase ginagawa nya? Importante ba talaga yon?




________

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon