"I'm sorry again, I don't know na mas malaki ang pinapatakbo nyong company---ta's napagbintangan pa kitang mukhang p-pera....I'm very very sorry..." Sabi ko habang tumutulo pa din ang mga luha ko.
"It's okay Alli...Wala kang kasalanan, naiintindihan ko naman yang nararamdaman mo eh." She said saka sya ngumiti na parang chinicheer up ako.
"It's not okay to me, cause I hurt you so much. Kaya dapat gumanti ka, saktan mo din ako! Sampalin mo ko! Ipagbugbog, o kahit ano pa, basta makaganti ka, I'll accept it cause I deserved it." Umiling iling naman sya.
"Nope, Hinding hindi ako gaganti kahit na nasaktan mo pa ko ng sobra. Mahal kita Alli...at matagal na kitang pinatawad." Niyakap ko naman ulit sya ng mahigpit, at lalo namang nagsi agos ang mga luha ko.
"I'm sorry" I whispered. Ramdam ko namang hinahagod nya ang likod ko.
Iniisip ko na napakasama kong anak. Sorry din mommy, hindi ko sinasadyang makasakit ng ibang tao. Promise mommy, aayusin ko lahat lahat sa buhay ko.
Lumipas naman ang dalawang araw, at katatapos ko lang idagdag sa project ko ang love story nila tita-mom and dad. Yup, dinagdag ko na din ang kwento nila, sa totoo lang nakakainspire ang love story nila. Nagsimula sa malungkot hanggang sa unti unti na uli'ng sumasaya ang mga puso nila.
Ayy, di ko pa pala nasabi, nandito na rin pala si daddy. Kakauwi lang nya ngayon, at eto ako ngayon naghahalungkat ng mga pasalubong ni daddy. Saka nandito na din si Yaya.
Apat na araw nalang pasko naaa, shockness I'm so very excited. Nagreready nadin kami eh, kaso sa tuwing nakikita ko yung cellphone ni Dan, naaalala ko sya. Lalo na yung mga banat nya na napakacorny. I miss him.
Sinubukan kong Itext sya at kamustahin. I know for sure na Hindi sya sasagot pero bahala na.
*To: Jon Daniel Friesse
"Hi, kamusta ka na?"
"Scammer ka pota."
Matapos kong isend yon, tumitig nalang ako dun at sa sobrang titig ko sa cellphone, nagulat nalang ako ng bigla yung tumunog. Kaya tinignan ko kaagad yon. Si Crizelle, nagtext. Nag aayang pumunta sa NBS.
Kaya ang sabi ko 'Sige hintayin mo ko sa bahay nyo.' Nagreply nalang sya ng emoji na heart. Niligpit ko muna yung mga hinalungkat ko sa box.
"Ahm, Manang, nasa'n sila tita-mom and dad?" Lumingon lingon naman si Yaya sa paligid bago sya nagsalita.
"Gumagawa ng kapatid mo," bulong nya sa akin, humagikhik naman sya, kaya napangiti nalang ako.
"Kayo talaga Manang, sige pasabi nalang po na pupunta muna ko ng NBS, kasama ko po yung kaibigan ko hehe." Paalam ko, tumango tango nalang sya.
"Mag iingat ka Iha." Ngumiti nalang ako at kumaway.
Pagkapunta ko sa bahay nila Criz, agad naman kaming dumaan sa bahay nila Tricia at Aisle. At ayon, buti nalang hindi sila busy. Ginamit naman namin yung sasakyan ni Criz.
Agad naman kaming nakapunta sa NBS. Naramdaman ko namang kanina pa nabavibrate ang cp ko. Kaya tinignan ko muna yon.
Shockness 0_0 nagparamdam si gago.
*From: Jon Daniel Friesse
"Helloooo."
"Oooooy"
"Okay lang ako, baby."
"I'm sorry. Hiniram na kasi ni Tita yung cellphone nya. Kaya di na ko nakakapagchat sayo. Kaya ginamit ko na ngayon yung cellphone mo. Saktong pagonline ko nagtext ka. Sorry talaga baby."
Tangina, baby? After 1 month? Siraulo ata 'to.
Sineen ko nalang yon. Parang kumulo kasi ulit yung dugo ko. Sana pala di ko na kinamusta. -,- Akala ko patay na sya, tss.
Bigla naman akong nakarinig ng tugtog ng banda sa labas ng NBS. At sobrang ingay naman ng mga babae dahil nagtitiliian na sila.
"Oy ghorl, Tara dito, may banda daw na magpeperform ngayon" Chicka sakin ni Aisle, sabay hila sakin.
Pagkapunta namin sa labas, may nakita naman akong taong pamilyar sakin. At Hindi ako nagkakamali, sya nga! Si Dan. Nakauwi na sya? Pano?
Lalayo na sana ko ng bigla nyang hatakin ang kamay ko. Nagsimula namang tumugtog ang banda.
"Magaan na ba ang 'yong paghinga? bumalik ka na sakin~
Klaro na ba ang isip sinta? bumalik ka na sakin~" Pumiglas naman ako sa pagkakahawak nya sa braso ko.Arrrgh! Ba't ang ganda ng boses nya? Bakit! Putcha, ayokong maging marupok!
"Sorry na miss, wag ng mainis, bumalik ka na sakin~
Sorry mahal, ika'y nasaktan, bumalik ka na sakin~" Inirapan ko naman sya, saka ako nagwalk out.Ayoko ng marinig yung boses nya..ang sakit...
__________
Enjoy reading! :)

BINABASA MO ANG
CELLPHONE (completed)
أدب المراهقين"Pakibalik ng cellphone ko!" PS. If you're looking for a perfect story, then don't read it. This is unedited, so expect some typographical errors, grammatical errors, wrong spelling and whatsoever errors. TY!