Twenty-seven

122 14 1
                                    


Napatigil naman ako sa isang gilid at doon ko na naibuhos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan. Ba't ganon? Parang nakaramdam ako ng saya ng makita ko sya ng malapitan, pero bigla ko namang naalala yung isang buwan nyang di pagpaparamdam sakin. Na para bang walang kami, no excuse, no reason kung bakit sya nawala. Ta's ngayon magpapakita sya na parang walang nangyari? Woah, nakakagago naman.


"A-alli?.." Napalingon naman ako sa tumawag sakin

"Oy, kamusta? Tagal nating nawala ah," sarcastic kong pagkakasabi, saka ako ngumiti ng mapait.

"Hehe, e-eto gwapo pa rin as usual---Ooy," binato ko naman sya ng sapatos kong suot, kaya agad syang umiwas.

"Tangina mo!" I said, saka ko binato yung kabilang sapatos ko.

"I-I'm sorry, p-pinahiram lang kasi ako ni tita----" Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita.

"Stop! Ayoko. Ng. Marinig. Yang boses mo. Mas lalo kong nasasaktan." Nakita ko naman sa mga mata nya ang pag aalala, pero ngumiti lang ulit ako ng pilit.



"Hindi ko sinasadyang mawala ng isang buwan, Sa totoo lang ilang beses akong humanap ng paraan para makausap ka, kaso palaging wrong timing. Kasi dumagdag pa yung thesis na inaasikaso ko. Ta's may banda pa kami, I'm s-sorry.." Hindi naman ako nagsalita , tinitigan ko lang sya.



"Alam kong nasaktan kita, deserve ko yang petmalu mong pagtatampo lodi." Tumaas naman ang kilay ko dahil sa mga sinabi nya. Petmalu? Lodi? Yak.

I glared at him kaya napakamot naman sya sa batok nya bago sya nagsalita ulit, "Sige---Sige liligawan ulit kita, hanggang sa makuha ko na ulit yang matamis mong oo, kahit gaano pa yan katagal, liligawan pa rin kita." He sincerely said.

Hindi ko alam kung seryoso ba sya, natatakot na kong pagkatiwalaan sya. Ayoko naaa!

"Alli..." Sambit nya sa pangalan ko at akma syang lalapit sakin pero agad akong umatras.

"Wag mo kong lalapitan, baka mabato ko 'to sayo," sabi ko, habang nakataas ang kanan kong kamay na may hawak na batong malaki.

"Ang sama mo naman baby----" Sumabat naman agad ako.

"Mas masama ka, demonyo!" I said, kumunot naman ang noo nya.

"Demonyong mamahalin ka," Nagsmirk nalang ako dahil sa sinabi nya.

"Nakakadiri." I said

"Ouch, babyy, please pumayag ka ng ligawan kita ulit. Pleaseeee--" binato ko naman sa gilid nya yung hawak kong bato kaya napaatras sya.

"Ayoko! Di pa tayo okay." Pagmamataray ko.

"Eh? Baby please?" *pout ft. teary eyes*

Yawa, di ko na kayang pigilan ang karupukan koo. Gusto ko na syang yakapin, argh!



Niyakap ko naman sya bigla, at ramdam kong nagulat sya sa ginawa ko, pero ilang segundo din ay gumanti na rin sya ng yakap sakin. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap nya, kaya bumitaw na ko.



"Hmm, bati na tayo baby?" Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi nya.


"Porket ba niyakap kita, bati na tayo? Gusto lang kitang yakapin." Sarcastic kong saad.


"Aws, akala ko---" di ko naman na sya pinatapos sa pagsasalita.

"Payag na ko." Nanlaki naman ang mata nya dahol sa sinabi ko, pero di nya pa rin na gets ang ibig kong sabihin.



"Saan ka payag baby?" Napabuntong hininga nalang ako sabay ikot ng mga mata ko. Hays.


"Na ligawan mo ulit ako," I said.



"T-talaga? Yes! Promise that I'll make sure na hindi mo na pagsisisihan ang second chance na binigay mo sakin. Trust me." He sincerely said.




Napangiti nalang ako dahil sa sinabi nya, sana nga. Ayoko na kasing maulit yung nangyari nung una, sobra kong nasaktan sa part na yun. Di naman biro ang  depressed. Pero buti nalang relax na ulit ako.




Hayst, napakarupok ko talaga. Hindi naman masama maging marupok diba? Kasi kung mahal mo talaga sya, hinding hindi mo sya matitiis ng kahit ilang segundo. At ganon ang nararamdaman ko, mahal ko pa din hanggang ngayon si  Dan, kaya sana nga hindi na ko magsisisi sa second chance na ibinigay ko sa kanya.




Siguro last chance nya na 'to, hindi ko na sya pagbibigyan muli, kapag sinaktan pa nya ko.




__________

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon