Seven

172 17 2
                                    


Ilang linggo din ang lumipas. Okay na ang lahat, di na kami suspended. Break na kami ni Raiko, I mean di pala break. Kasi nilinaw ko sa kanya ang nangyari, then umagree naman sya, nag sorry nalang ako dahil sa umasa sya sakin. Tanggap naman daw nya eh, na hanggang friends lang kami.


Nagkaayos na din kami nila daddy. Ako ang unang nag sorry dahil sa ginawa ko. Sinunod ko lang naman ang advice sakin ni Dan, kaya thankful talaga ko sa kanya.




Hindi na din ako nagkacutting, also my friends, we learned on what happened of us.


Pero isa lang hindi ko gagawin sa payo ni Dan, yun ang tanggapin ang magiging stepmother ko. Never ko syang tatanggapin sa buhay ko.




*totoot totoot totooot*



May tumatawag, as usual si Dan.


"Hello?" Panimula ko.

[Hi. Good morning Alli.]


Napangiti naman ako. "Good morning din."


[Kamusta araw mo? Malungkot ba ulit?]


"Nope. Maganda na poo. You know, thankful parin ako sa mga advice mo. Nakatulong yun. Kaya may utang na loob ako sayo."



[Eh? Utang na loob? Haha ba't naman? Di naman yun importante yung payo ko sayo, nasa sa'yo naman yun kung susundin mo.]



"Yun nga eh, narealize ko na mas kailangan kong babaan ang pride ko kesa naman magulo ang sitwasyon. Kaya thank you!"



[Haha okay okay. You're welcome. Basta if you need me, just call me and I will listen. Btw I need to hang up this, may gagawin pa ko eh, byeee. Ingat.]


Ngumiti nalang ulit ako. Nagbabye na din. *sigh*



Medyo magaan na din ang pakiramdam ko kay Dan, dahil nga sa palagi syang tumatawag sakin, para ko na nga syang diary eh. Kasi lahat ng gusto kong sabihin na di ko masabi, sa kanya ko nasasabi.




Palagi syang nandyan for me, kahit sa chat at video call lang. I still appreciate it. Ang gaganda pa ng payo nya. Close na nga din sya ng mga kaibigan ko eh. Hehe.




Si Dan, tinuturing ko na din syang kaibigan. Kilala na din sya ni dad. Kasi sabi ko Kay dad sya yung nagsabi na makipag ayos ako sa kanya. Sya yung dahilan. Kaya natuwa si daddy at nag thank you.




Welcome na sa amin si Dan. Pero di pa din kami nagmemeet.


Abnormal nga 'tong puso ko. Natataranta kapag tumatawag si Dan. Basta, parang naiilang na din ako kay Dan unlike nung una naming pag uusap.



Lagi nya kong kinakamusta dati puro about sa cellphone nya lang haha but now about na sa daily life ko. Malapit na kong mafall, pano pigilan?




Madalang na din ang pagmumura ko dahil nga  sabi nya ayaw nya daw ng kausap na nagmumura palagi. Focus na din ako sa studies ko. Sabi nya kasi tapusin ko daw muna ang pag aaral para maabot ko lahat ng pangarap ko at para makabili na ko ng maraming wattpad books, nang hindi na daw ako magcutting. He's right, he almost right.





Masyado akong naadik sa magagandang stories kaya di ko na naiisip ang mga pinaggagawa ko. Thanks nalang sa kanya at namulat ako sa katotohanan.



Ayy nga pala nagtransfer na si Althea kaya wala ng feeling gangster sa campus namin. Kaya loser na ang mga kaibigan nya, kasi nga wala na si Althea, wala na silang makokopyahan, tss.




"Our highest on our quiz, over 100 items is Ms. Aria Allison Grant.  And followed by Ms. Herrera, Ms. Bonzo, Ms. Jackson. So, congratulations to all of you." Our prof announced.





"And to others, more practice, more review. So, class dismissed."





Pagkalabas ni Ma'am Berondo. Agad namang nagsilapit ang kaibigan ko sa upuan ko.





"Anong score mo ghorl?" Tanong sakin ni Criz.



"Here, 98 haha. I don't expect that score." I said.



"Wow, 96 ako," pagmamalaki ni Aisle.


"95 kami ni Tracie, pero di kami nagkopyahan. Haha." Tumawa naman kami sa sinabi ni Crizzel.





"Okaaay, nice. Let's celebrate it." I said.



"Let's go, libre ko kayo ng milktea" tuwang tuwa naman kami sa sinabi ni Aisle.




Grabe, good news 'to kay Dad, and Dan. Heheh.




_______

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon