"I'm sorry sa sinabi ko kahapon,"
Napatigil naman sya sa paghahalo ng niluluto nya, at napatingin sakin.
"Okay lang, alam ko naman yang nararamdaman mo,"
"Hmm."
"Napakaswerte ng mommy mo no? Mahal na mahal mo, saka ng daddy mo." Sabi nya, saka sya nagpatuloy sa paghahalo.
"Yup." Maiksing sagot ko.
"Sa tingin ko nga rebound lang ako ng daddy mo, kasi ramdam ko na mahal na mahal nya pa rin ang mommy mo." Napatingin naman ako sa kanya.
"Di ganon na tao si daddy, di sya manggagamit ng feelings ng iba," sabi ko.
"Sana nga, Alli. Tatanggapin ko naman lahat lahat, dahil gusto ko kayo maging pamilya. Gustong gusto ko."
"Ba't di ka nag asawa agad bago mo nakilala si dad?" Tanong ko.
"Actually..." Napatigil naman sya sa paghahalo ulit.
"Actually?" Pag uulit ko.
"Actually, I already have a family. But sadly they d-died early, because of a car accident. It hurts...so much," malungkot nyang saad. Nakita ko namang tumulo na ang luha nya, agad naman nya itong pinunasan.
"Ilan taon na yung anak mo nung namatay?" Curious kong tanong.
"He's just 3 years old, nung mamatay sya. Ang asawa ko naman, 28. Halos di ako makamove on sa nangyari nun. Mag aapat na taon na din sa susunod na buwan ang pagkamatay nila. Then, after ng burol nila, dumating sa buhay ko ang daddy mo. He comfort me, hanggang sa nakamove on ako. Kaya nainlove ako sa daddy mo," kwento nya.
Naspeechless naman ako sa kinuwento nya. Parang sakin, parehas lang pala kaming namatayan ng pamilya.
But di pa rin magbabago ang tingin ko sa kanya, ayoko munang magtiwala. Di naman ako yung taong mabilis magtiwala. Pero ako yung tipong babae na wagas magtiwala sa isang tao. Kaya once na pagkatiwalaan kita, don't ruin it.
Minsan na din akong nagtiwala sa isang tao, kaso maaga nya kong iniwanan. Kaya ang sakit. Si mommy ang tinutukoy kong pinagkatiwalaan ko ng sobra kaso akala ko tutuparin nya yung promise nya na habang buhay syang nasa tabi ko. But not.
"Ahm, Alli aalis muna ako." Paalam nya sakin, habang nakafocus ako sa pagsecellphone
"San ka pupunta?" Tanong ko habang nakafocus pa rin sa cellphone.
Kachat ko pa kasi si Dan.
"Magkikita kami ng mga kaibigan ko, so ikaw muna dito sa bahay. Locked all doors. Bye." She said at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.
Okay mag isa nalang ako dito sa bahay. So mag uusap lang kami magdamag ni Dan.
Carolle's POV
"Carooooolle, gosh ang ganda mo pa din." Bungad sakin ni Ella na kaibigan ko.
"Yeah, always glooming. Kaiinggit," sabi naman ng isa kong kaibigan na si Amanda.
"Mana lang ako sa inyo." Maikli kong sagot. Nagsitawanan naman sila.
"Oy, kamusta nga pala yang soon to be your daughter? Taray?" I shrugged.
"Buti natitiis mo pa," ngumiti nalang ako.
"Haha, oo naman. Tanggap ko kung anong ugali nya. Okay lang naman sakin, para din naman masanay na ko. Actually mabait naman sya, di nga lang nya ko matanggap." Malungkot kong sabi.
"You know, nakakaproud ka mare, kung ako yang nasa posisyon mo baka naghanap nalang ako ng bagong mapapangasawa,"
"Mahal ko sila, kaya tatanggapin ko kahit na masakit pa ang sabihin sakin ng anak nya," I said. Tumahimik naman sila saka uminom ng kape.
"Basta mare, kapag stress ka sa batang yon. Tawagan mo lang kami, hang out tayo. Andito lang kami," ngumiti nalang ako.
"Salamat sa inyo," maikli kong sagot, ngumiti nalang sila sa akin.
Umaasa ko na matatanggap din ako ni Alli. Maghihintay ako hanggang sa mangyari yon.
_________
Enjoy reading! :)

BINABASA MO ANG
CELLPHONE (completed)
Teen Fiction"Pakibalik ng cellphone ko!" PS. If you're looking for a perfect story, then don't read it. This is unedited, so expect some typographical errors, grammatical errors, wrong spelling and whatsoever errors. TY!