Fourteen

137 15 1
                                        



"Sino nag alaga sayo?" Tanong sakin ni Aisle, saka kumagat ng burger.


Ngayon ay okay na ko, nasa school na din ako. At ngayon lunch break namin.


"Ayon, sino pa ba?" Sarcastic kong sagot.


"Sana all, am'bait nyaa. Sana ganyan din si mama sakin. Parang wala kasi yung paki elam eh," Sagot ni Crizelle saka sya humalumbaba.


"Swerte mo, yung stepmother ko, putcha kala naman kung sinong reyna sa bahay, tss," ngumisi nalang ako sa sinabi ni Tracie.


"Edi sa inyo na sya." Maikli kong sagot.


"Abay, kung pwede nga lang eh, kaso deserved mo sya," napatingin naman ako sa sinabi ni Aisle.


"Deserved? Yuck." I said.

"Ba't ayaw mo ba sa kanya? Anong meron?" Tanong ni Tracie.


Bakit nga ba?


"Tch, Ewan ko. Ayaw ko lang sigurong mapalitan si mommy sa puso ni dad. Ayoko." Iritang sagot ko.


"Kaya naman pala eh, alam naman nating mahal na mahal ng daddy mo yang mommy mo. Pero deserved nya ding magmahal ulit. Kaya dapat tanggapin mo nya yang magiging stepmother mo."

Umirap nalang ako, ayoko nga sabi eh. Ano bang magagawa nila don? Tss.

Bigla namang, tumunog ang cp ko, este ni Dan. Nakita kong tumatawag na naman sya.

"Wait, sasagutin ko lang 'to," I said saka ako tumayo sa upuan ko.

"Si Dan ba yan? Pakikamusta kami ah hihi." Malanding sambit ni Aisle.

Tumango nalang ako, at agad na tumayo sa may gilid saka sya sinagot.

"Oh?"

[May sakit ka pa den?]

"Wala na po, Doc." He chuckled.

[Magpagaling ka mahal kong pasyente.]

"Gago, salamat sa concern."

[Ayt, diba sinabi ko sayo  na ayaw kong may nagmumura?]

"Ano magagawa mo, gan'to na bibig ko?"

[Edi hahalikan kita,]

"Tapang ah, pano?"

[Ayst, basta wag ka munang magmumura habang wala ako dyan. Saka ka na magmura pag nasa harapan mo na ko,]

"Ayoko, ngayon na ko magmumura habang di pa tayo nagkikita ng personal."

[Andamot. Kiss lang eh,]

"Crush mo ba ko?"

[Hindi,]

"Eh, gago ba't ka ganyan?"

[Anong ganyan?]

"Ba't---ayst, ba't parang pafall ka?"

[Haha, ikacrushback mo ba ko, kung crush kita?]

"Maybe."

[Maybe? Nginang yan,]

"Oy, nagmumura ka din pala eh. Tss,"

[Ba't kasi maybe?]

"Hala, anong gusto mo?"

[Ikaw gusto ko.]

"Tss, mas gusto kita."

[Talaga?]

"Charott."

[Talagang gago]

"Mas gago ka, sige na byee muna. Tapos na lunch break namin eh."

[Hihi, byeee baby, I love you.]

"Andyan ba ulit yung lumalandi say----toot*toot

Bwiset, binabaan agad ako. Bastos na bata.

Agad naman kaming pumunta sa room, dahil magsisimula na ang klase.

"Ngiting ngiti, habang kausap si Mr. Right, haha" Napatingin naman ako kay Criz.

Kaso di ko na natanong kung sinong tinutukoy nyang ngiting ngiti. Dahil nandyan na yung warfreak naming prof.


Lumipas ang ilang oras, uwian na namin. Hayst sa wakas.  Siguro mamaya na ko uuwi, daan muna ko sa NBS.


Naisipan kong  magtagal muna don, 5:40 pm palang naman. Di naman siguro mag aalala yun ng sobra, ngayon lang naman ulit ako tatambay.

Nakita ko naman sila Raiko, pati na ang mga kaibigan nya.

"Yow, wazzup Ms. Grant, haha" ngumisi nalang ako sa bati ng mga kasamahan ni Raiko.


"Lasing kayo?" I asked, obvious kasi.

"Di ah, parang lalo kang gumaganda Ms. Grant,"

"Tangina mo! Haha normal lang yan sakin," mayabang kong sabi. Tumawa nalang sila.

"Kamusta?" Tanong ni Raiko. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Himala di ka nakayosi. Tch, okay lang naman ako. Medyo nagbabago, haha sige uwi na ko. Ingat kayo mga lasenggo," I raised my middle finger. Mga adik.



Nakauwi na ako sa bahay, mga 7:55 pm. Nakita ko naman syang umiiyak at agad na lumapit sakin saka ako niyakap.

"Alli, San ka galing? Nag aalala ko sayo ng sobr--" pinabitaw ko naman sya sa pagkakayakap nya sakin.



"Okay lang ako, you don't need to worry like that na parang oa," iritado kong sagot.


Pinunasan naman nya ang luha nya. Bago nagsalita. "I'm sorry," I just roll my eyes. Saka ako umalis sa harapan nya.






Tss, bwiset. Ba't ganon parang naiiyak na din ako, mukhang nakakahawa nga ang pagiging oa nya. Tch,



Sorry nalang kung nasasaktan ko sya.



_________

Enjoy reading! :)

CELLPHONE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon