Chapter 1: Ruthless
WEARING a sleeveless black croptop that hugs my body and a black fitted jean paired with a black 3 inch stiletto. I just wear a simple and light make-up to make myself more presentable. I walk towards the entrance of the bar where my best friend celebrated her birthday. Agad na sumalubong sa akin ang nakakahilong neon lights at ang amoy ng mga magkahalo-halong pabango, alak at usok ng sigarilyo nang tuluyan akong makapasok sa loob.
I'm not really fond of bars dahil mas priority ko ang pagta-trabaho sa call center para matustusan ang mga pangangailangan ko sa araw-araw.
Agad kong pinalibot ang aking paningin at nakita ko silang nasa isang sulok na masayang nag-iinuman at nagku-kuwentuhan. Mabilis akong naglakad papunta kung nasaan sila kaya hindi ko na nakita ang makakasalubong ko dahilan nang pagkabunggo ng aming balikat.
I stumbled back at matutumba na sana nang may naramdaman akong braso na agad na pumulupot at humapit sa bewang ko para hindi ako matumba nang tuluyan sa sahig ng magulong bar.
My breath hitched dahil ramdam ko ang init ng katawan niya na dumikit sa katawan ko kahit na balot na balot pa kami ng aming mga kasuotan. Para akong nawawala sa sarili dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't-isa. Isang maling galaw lang ay paniguradong mahahalikan ko na ang labi niya.
Napaawang ang labi ko nang makita ang kabuoan ng mukha niya kahit pa na neon lights lang ang nagsisilbing ilaw sa loob. Those messy black hair na parang bagong gising lang. Thick eyebrows, hypnotic blue shaped almond eyes, pointed nose and a heart shaped pink lips na parang kay sarap halikan and his perfect jawline na mas nakadadag sa gwapo nitong mukha at tindig.
Napakurap-kurap ako at agad siyang tinulak palayo sa katawan ko at inayos ang sarili at tayo. Sinuklay ang hanggang balikat kong maitim na buhok gamit ang kaliwa kong kamay para ayusin ito dahil sa pagtabing nito sa mukha ko nang tinulak ang lalaking sumalo sa akin kani-kanina lang.
I compose myself and smiled at the stranger man. "I'm sorry" ang tangi ko lang sinabi bago ito iniwang nakatayo pa rin sa kinaroroonan namin kanina habang matiim na itong nakatitig sa akin at naglakad na ako papalayo sa kanya at pumuntang table ng mga kaibigan ko.
"Happy birthday, Sab!" Masayang bati ko sa kaibigan ko nang makarating ako sa kinaroroonan nila. Agad naman itong tumayo mula sa pagkakaupo at sinalubong ako ng yakap at halik sa magkabilang pisngi.
"Thank you, Iria," kumalas ito at hinigit ang kamay ko paupo sa puwesto niya kanina. "Ba't late ka?"
"Sorry," tipid akong ngumiti sa kanya. "May naging problema lang sa trabaho kaya medyo na-late," pagsagot ko sa tanong niya. "Alam mo naman kapag call center agent, hindi agad nakakaalis lalo na kapag night shift. Buti nga at pinayagan ako ng team leader namin na mag-early out."
Tumawa ito at binigyan ako ng isang baso na may lamang beer. "Okay lang. At least nakarating ka. Pero kung hindi, magtatampo talaga ako sa'yo," ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon sa kanyang sinabi at uminom sa basong binigay niya.
Ilang oras na rin kaming nagku-kuwentuhan at inuman at kanina ko pa nararamdaman na parang may nakatitig sa akin pero binalewala ko na lang ito. Nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo dahil sa naparami na rin ang inom ko ng beer. I have a low tolerance in alcohol kaya kahit beer lang ang iniinom ko ay mabilis akong malasing.
Maya-maya pa ay tumayo sila kaya nagtaka ako kung bakit at napangiti na lang din nang hatakin ni Sab ang kamay ko papuntang dance floor.
Nang dahil sa tipsy ako ay wala na akong pakialam kung maraming tao ang nasa dance floor. We formed a circle and I swayed my hips in a seductive way and we giggled because of that. Hindi naman kasi ako mahilig sumayaw pwera na lang kapag medyo lasing ako. Katulad na lang ngayon.
BINABASA MO ANG
Painful Pleasure (COMPLETED) √
Ficción General"Love is like a flame. It will burn you down until there's nothing left for yourself." -Iria Delcena Book 1 of 3 of Pleasure Trilogy WARNING! MATURED CONTENT AHEAD! There are parts that contains some sexual harassment and content. If you can't take...