Chapter 8: Touch

1.5K 19 3
                                    

Chapter 8: Touch

KANINA PA AKO NAKAUPO sa swivel chair ni Rui sa loob pa rin ng kanyang opisina habang naglalakad naman ito ng pabalik-balik sa harapan ko. Nakayuko at nasa baba ang hintuturo at hinlalaki na parang may malalim na iniisip. Ako 'yong nahihilo sa ginagawa niya, e. Bumuntong hininga ako bago ito pinagsabihan.

"Could you please stop, Kuya? Ako 'yong nahihilo sa ginagawa mo," naiinis kong ani sa kanya. Tumigil naman ito sa paglalakad at tumingin sa akin.

"I was just thinking of what happened a while ago, Iria. Hindi pa nagalit ng gano'n si Reece," napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. "Kahit sa opisina niya noon ay hindi siya naging gano'n sa mga empleyado niya kahit naging sobrang palpak ito. Ngayon lang at dahil... sa'yo." Sagot nito sa gusto kong itanong na hindi ko naisatinig.

"Bakit siya binansagang ruthless sa business world kung hindi siya gano'n magalit at walang awa sa mga empleyado niya?" Nakataas na ang kilay kong tanong sa kanya. "And what's his problem? Hindi naman siguro big deal ang pagbisita ko sa'yo dahil sa bored na bored na ko sa penthouse niya? Don't tell me that he's jealous, Rui. Malilintikan ka sa'kin."

"Then I won't tell you," ngumisi ito sa akin kaya inirapan ko ito. "The big deal is that, you're his woman, Iria. And you're supposed to go to his office instead of mine." Napa-iwas ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi nito.

Woman. I'm just only his woman. A fuck buddy. Isang parausan ng isang business tycoon. Napangiti ako ng mapait sa naisip. And thinking about him getting jealous? Assuming ka kung gano'n. Why would he get jealous if he only see me as his woman? His bed warmer? Narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga nito at ang paglapit sa akin.

"I didn't mean that way, Iria. Alam ko kung ano ang iniisip mo. You're not just his woman to make him sated." I heard him cuss under his breath. "I shouldn't be the one to tell you this. I'll be doomed if ever."

"Huwag na, Rui. The day he offered me this, I know what's between us, okay? And I won't expect anything, especially that powerful word," tumingin na ako sa kanya at tipid na ngumiti. "I'm just his woman of the month, right? And soon, I'll be back here, working for your company again."

"Did you relax now?" Pag-iiba nito ng usapan at alam ko kung bakit. Ayoko rin namang umasa na baka ay ang unti-unti kong nararamdaman ay mapapalitan at baka hindi ko makaya dahil alam kong may katapusan ang lahat ng ito.

Alam kong mabilis at maaga pa dahil ilang araw ko pa lang naman siyang nakilala at kahapon lang ay may nangyari na sa amin! Pero hindi ko alam sa puso ko kung bakit ganito ang nararamdaman niya sa taong kakikilala niya pa lang. It feels like I know him from the past. It's like he was a missing part of my memory – of me.

Umiling ako para iwakli ang mga naiisip. It is impossible, right? Ang layo ng agwat ng buhay namin kaya bakit ko siya makikilala, sa gayong hindi ko naman siya nakita kahit na sa mga magazine na binabasa ko.

"Sort of, but I need more time," tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa swivel chair niya at naglakad papunta sa maliit niyang ref dito sa loob. Hindi ko ito nakita nang pumasok ako kahapon at kanina dahil okupado ang isip ko. Kumuha ako ng isang slice ng strawberry cake at soda in can dahil bigla akong nagutom sa mga nangyari at iniisip.

Pabalik na ako sa kinaroroonan ko kanina nang marinig ko ang pagring ng cellphone ni Rui na nakapatong lang sa desk niya. Nakita ko ang nakarehistrong pangalan kaya kinabahan agad ako. Tumingin muna ito sa akin bago kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag at tumalikod.

"Hey, man," rinig kong bati nito ng sinagot niya ang tawag habang naglalakad ito papunta sa glass wall kung saan kita ang magandang view ng mga matataas na buildings. "She's still relaxing here. Yes. I'll be the one to take her to your penthouse. Don't worry, man," 'yon na lang ang narinig ko dahil tapos na ito at naglakad na ito pabalik sa kinaroroonan ko.

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon