Chapter 28: Please...

1K 22 0
                                    

Chapter 28: Please...

"I AM ALSO MARRIED TO... CLARENCE GOMEZ."

Mga katagang paulit-ulit na nagr-replay sa isip ko habang nagkukulong sa silid kung saan ko sinambit ang mga salitang parang wala lang sa pandinig niya. Hindi man lang ba ito maniniwala sa sinabi ko? Hindi man lang ba ito magtatanong kung totoo ang mga sinabi ko? At wala man lang ba itong magiging reaksyon sa mga katagang binitawan ko sa harap niya?

Mapakla at mahina naman akong napatawa ng maalala at marealize kung bakit hindi siya naniwala o maniniwala sa mga salitang lalabas sa aking bibig. He hired an investigator to know my background, my past whereabouts and the people around me before. Before he brings me here and made me his bed warmer and a fuck buddy.

Ano pa ba ang aasahan sa isang Reece Xiamin? He's a businessman tycoon who owns a lot of businesses around the world. Not just that, he also has investments to some businesses that are well-known in the whole world. Kaya nakukuha nito lahat ng gusto niyang makuha, ang katotohanan. Lalo na ang mga babaeng matitipuhan nitong maging babae niya kung kailan niya gusto. Tulad ko...

Kapag nagsawa na ito, itatapon na lang na parang hindi niya nagamit at napagsawaan sa gabi gabi niyang paggamit dito. Alam kong sa susunod ay ako naman ang itatapon niya na parang basura dahil malapit na itong magsawa sa akin.

Pero hindi mawala sa isip ko ang mga katagang sinambit niya noon. Sa panahong akala niya ay natutulog ako. Mga katagang nagbibigay pag-asa sa puso ko na baka iba ako, iba sa mga nagiging babae niya. Na baka, baka hindi niya ako itatapon na parang basura kapag nagsawa na siya dahil may kaonti na itong nararamdaman para sa akin.

Do I really need to hope? Hope that we feel the same way to each other? I guess not. May pamilya na ito kaya bakit pa siya magkakagusto sa akin? Ang tanga naman kasi ng puso ko, nagmahal sa taong nakatali na sa iba. At kahit anong pigil ng utak ko rito ay hindi pa rin natitinag. Gusto pa ring umasa at magpakatanga sa taong hanggang kama lang ang turing dito.

Kailan ba ako matututo? Kailan ko ba mapipigilan ang puso kong magmahal sa kanya? Kailan ba mananalo ang isip sa puso? At kailan ako makakawala sa sakit?

Agad kong pinahid ang luhang kumawala sa aking luha na dadaloy sana sa aking pisngi nang marinig ko ang unti-unting pagbukas ng pinto ng silid kung nasaan ako. Tumalikod ako rito ng higa para hindi nito makita ang namamaga kong mga mata kakaiyak at kakaisip kung paano ako makakaalis sa lugar na ito. Sa lugar kung saan sobra akong nasasaktan.

Narinig ko ang mga yabag nitong malapit na sa gilid ng kama ko pero hindi ko ito kinibo. Dim man ang buong silid, alam kong makikita at malalaman niyang namamaga ang mga mata ko. Umuga ang kama na pahiwatig na umupo ito rito. Pinigilan kong hindi mapahikbi nang maramdaman ang marahang paghaplos nito sa mahaba ko ng buhok. Napapikit ako para pigilan ang sariling humarap dito at baka bawiin ko ang mga sinabi ko at baka hindi ko na mapigilan ang sarili at dambahin ito ng yakap dahil sa pagkasabik at pangungulila sa mga haplos at yakap nito.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito at hindi na ito nakuntento sa pag-upo sa gilid ng kama at sa paghaplos ng mahaba ko ng buhok. Naramdaman ko ang paghiga nito sa tabi ko at ang pagpulupot ng isang braso sa tiyan ko. Isiniksik nito ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko.

Ang hininga nitong nagbibigay ng kiliti sa leeg ko at ang ilong nitong pinaglalandas nito na dahilan nang pagkagat ko sa ibabang labi ko para pigilan na makalikha ng tunog para hindi nito malaman na gising ako. Mas lalo kong pinagdiinan ang pagkagat sa pang ibabang labi ko na sa palagay ko ay magkakasugat ng dumampi ang mga labi nito sa leeg ko at binibigyan ito ng mga mumunting halik na nagpasiklab ng kakaibang init sa katawan ko.

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon