Chapter 14: Stay

1.2K 19 0
                                    

Chapter 14: Stay

LUMIPAS ANG ILANG ARAW na hindi na namin napag-uusapan ang 'arrangement' na gusto niya sanang pag-usapan namin noong nakaraang araw. Hindi ko alam kung nakalimutan niya o ayaw niya na talagang pag-usapan pa namin ang tungkol doon. I was also thankful for that dahil hindi ako nakakaramdam ng sakit sa dibdib dahil doon.

Napatigil ako sa pagchop ng karne nang may naramdaman akong braso na pumulupot mula sa likod ko. I feel my heart beats faster than normal because of that gesture. His intoxicating smell made the butterflies in my stomach crumbles and it made me smile. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa habang pinatong niya ang baba niya sa balikat ko at hinalikan ang leeg ko na dahilan ng pagtaas ng mga balahibo ko sa batok.

"I missed you, honey," then he nuzzled his nose between my neck and shoulder at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "What are you cooking? Hmm? You smells good..." nakikiliti ako sa ginagawa nito nang paglandasin niya ang ilong niya mula sa leeg ko papunta sa batok at pabalik sa leeg at tumigil ito sa shoulder blade ko.

"Stop it, Reece. Hindi ako makapukos sa ginagawa ko."

"Yeah? Bawal na ba?" aniya at hinalik-halikan ang balikat ko dahil naka-spaghetti strap lang ako kaya nakikita ang balat ko. "Ang bango ng niluluto mo. Ano ba 'yan?" patuloy lang ito sa paghalik sa balikat ko at nilagay na ang karne'ng hinihiwa ko sa may kalakihang kawaling may kumukulong tubig na may mga ingredients na para sa lulutuin kong hapunan namin.

"Bulalo, Reece. Mag-ayos ka na at maya-maya ay kakain na tayo," saad ko at tinakpan na ang kawali at humarap sa kanya. "Sige na, Reece. Aayusin ko na rin ang mesa. Alam kong pagod ka sa trabaho ngayon." I smiled at him and caressed his face na ikinangiti niya.

He gives me three sweet kisses on my lips bago niya ako pinakawalan at naglakad patungo sa kwarto naming dalawa na may ngiting nakapaskil sa kanyang mga labi. Napakapit ako sa kanan kong dibdib kung nasaan ang puso ko at mahina itong minasahe dahil sa mabilis at malakas nitong pagtibok na dahilan para habulin ko ang hininga ko.

'Please, stop beating so fast. This is not right, heart. Please refrain yourself from beating for him,' mahina kong pagka-usap sa puso kong bibigyan ata ako ng heart attack sa nangyayari rito.

Nang mailapag ko na ang bowl kung saan nakalagay ang kakainin namin ay siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto namin at lumabas doon ang bagong paligo na si Reece pero hindi maipinta ang mukha nito kaya napakunot noo ako. Nakatiim ang bagang nito, nakakunot ang noo at lukot ang mukhang naglalakad papunta sa kinaroroonan ko.

"May problema ba?" malumanay kong tanong sa kanya kaya napatingin ito sa akin at ngumiti ng matamis na parang wala itong iniisip na malalim kani-kanina lang.

Nang makalapit sa akin ay agad niya akong hinapit sa bewang at pinagdikit ang aming mga katawan. My heart goes wild again na parang hinahabol ng mga kabayo sa bilis at lakas ng tibok nito. Inilapit niya ang kanyang mukha na dahilan ng pagsinghap ko at pagpigil ng aking hininga. I feel his breath na tumatama sa mukha ko na nagbibigay ng kakaibang sensasyon sa buo kong katawan.

"Can I take you tonight, honey?" napapikit ako ng malanghap ang mint with an aftershave nitong hininga. "I want you, baby..." my body shiver in response to what he had said dahil sa nang-aakit at sobrang lambing nitong tinig.

"K-kumain na tayo, Reece. N-nagugutom na ako," nauutal at pag-iiba ko nang usapan namin.

Natatawa niya akong pinakawalan at nauna nang naupo sa kaharap kong upuan. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang maramdaman ang taimtim nitong pagtitig sa akin na parang handa na itong lapain ako.

"Huwag mo nga akong tignan nang ganyan, Reece. Nakakailang," nakatungo kong ani dahil hindi ko pa rin magawang tumingin sa kanya dahil sa titig nito sa akin.

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon