Chapter 29: Tired
N/P: Before you go by Lewis Capildi
I ALREADY HAD ENOUGH of staying in his place for a month without going out of the room where I always stay. And during those days, kahit na anong taboy ko sa kanya o kahit na anong sinasabi kong ayoko nang manatili sa lugar kung nasaan din siya ay hindi nito pinapansin o nagkukunwari itong walang naririnig.
Napatingin ako sa pinto nang marinig ang pagbukas nito at agad na naging matalim ang mga tingin kong nakatingin sa taong pumasok. Nagtama ang mga mata namin at nakaramdam na ako ng kaonting galit sa pagngiti nitong parang wala kaming problema. I became his prisoner since I knew that he was married and will soon to be a dad. And I don't know when will I have my freedom again?
Hindi man lang ito natinig sa tingin kong matalim at may galit. Nakita kong may dala itong tray na may lamang pagkain. Tuloy tuloy lang ang pagpasok niya na akala mo ay tulad pa kami ng dati. Ang dati na kahit kailan ay hindi na mauulit pa. My lips are in a thin line while staring at his movements.
Nilapag nito ang tray sa side table ng kama at umayos ng tayo bago niya idako ang mga mata niyang nangungusap sa akin. Kahit ano pang pagmamakaawa niya ay hindi na ako matitinag dahil pagod na ako. Pagod na pagod na akong mahalin siya. Akala ko ay hindi ko mararamdaman ito pero naramdaman ko pa rin lalo na at ikinulong niya ako rito na parang isa niya akong pag-aari na hindi dapat makita at maagaw ng iba sa kanya.
Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang humakbang ito papalapit sa akin at sinubukang hawakan ang pisngi ko gamit ang likod ng kanyang palad nang iniwas ko ang mukha sa kanyang haplos. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtiim ng bagang nito na parang naiinis ito sa inaasta ko. Sino ba naman kasi ang hindi? Sino ang hindi magagalit sa ginagawa niya sa akin? Sino ba ang masisiyahang ikulong ka ng taong kahit mahal mo ay nakatali naman pala sa iba?
"You should eat at least a small amount of food for breakfast, Iria," malumanay na parang nagpipigil itong hindi magalit sa akin ng tuluyan dahil sa mga inaasta ko. "Ilang araw ka na raw na hindi kumakain ng maayos sabi ng mga nagsisilbi sa'yo. What's the problem? Hmm?"
I rolled my eyes at him and diverted my eyes at the TV that he installed last week. Nakaupo akong nanonood ng palabas kanina bago ito pumasok. Hindi ko na ito pinansin o sinagot ang tanong nito at pinagpatuloy ang naudlot na panonood kanina.
Wala akong ganang kumain kapag umaga at hindi ko alam kung bakit. I feel like I will vomit when I eat the usual breakfast that I ate every day. And this is so unusual for me not to eat. Dahil noon, kahit na wala akong ganang kumain sa umaga ay kumakain pa rin ako dahil hindi maganda sa katawan na magskip ng breakfast.
"Iria..." May pagmamakaawa na akong narinig sa boses nito. Isang malalim na buntong hininga ang narinig ko galing sa kanya bago ko naramdaman ang pag-upo nito sa tabi ko at agad na pinulupot ang kanyang braso sa tiyan ko. "Don't be stubborn, baby. Eat your breakfast, please..."
Kinalas ko ang pagyakap nito sa akin. Pinatay ang TV at lumayo sa kanya ng kaonti habang hinarap ko siyang puno ng galit ang puso. I looked at him in his eyes and saw some emotions that I tried not to believe and tried not to name it for me not to hope for nothing.
"Pakawalan mo na ako, Reece," malamig at puno ng galit kong wika sa kanya na ikinailing niya ng marahas na mas lalong nagpagalit sa akin. "Nakakapagod na, Reece. Sobrang pagod na ako!" Tumaas ang boses kong turan sa kanya dahil hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. Hindi ko na kayang ipagpatuloy pa itong ginagawa niya sa akin.
Ang sakit at pagod na ilang araw ko ng kinikimkim ay hindi ko na napigilang hindi ilabas dahil hindi ko na talaga kaya. Gusto ko ng umalis dito. Magpakalayo-layo lalo na sa kanya. Sa sakit na dinulot niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Painful Pleasure (COMPLETED) √
General Fiction"Love is like a flame. It will burn you down until there's nothing left for yourself." -Iria Delcena Book 1 of 3 of Pleasure Trilogy WARNING! MATURED CONTENT AHEAD! There are parts that contains some sexual harassment and content. If you can't take...