Chapter 4: Stranger

1.6K 38 0
                                    

Chapter 4: Stranger

NAKABUSANGOT lang ang mukha ko buong byahe noong papunta sa apartment ko habang lulan ng kotse ng lalaking kinaiinisan ko hanggang ngayon na papunta na kami sa hindi ko alam kung saan. Bakit ba ako nandito ngayon? Bakit ba kasi ako pumayag kanina? Bakit ang bilis ko namang bumigay? Palihim kong binatokan ang sarili ko nang maalala na naman ang nangyari sa office ni Rui kanina. I hate myself, really, so much.

"I want you to quit your job. It's already past three days, honey. And that's enough."

Hindi ako makagalaw dahil sa gulat at sa sinabi nito. Naririnig ko naman ang tawa ni Rui na nasa harapan namin pero hindi ko ito binigyan ng pansin dahil natuon na ang atensiyon ko sa lalaking malapit ang mukha sa mukha ko. Ilang dangkal na lang ang pagitan at isang maling galaw lang ay maghahalikan na kami.

I was lost in deep thoughts with his blue almond shaped eyes when he lean more closer and was about to kiss me when I heard a fake cough coming in front of us.

"Get a room you two. You're making me puke here," agad ko namang inilayo ang mukha ko sa lalaking nakakahipnotismo ang mga mata, umayos ng upo at tinignan ng masama si Rui na may ngisi sa kanyang mga labi.

"Maghanap ka na rin kasi ng babaeng makakasa mo, airhead. Mawawala ka na sa kalendaryo dahil tumatanda ka na," may pang-uuyam at pang-aasar sa boses na ani Reece sa kaharap na kaibigan.

Natawa ako dahil nawala ang ngising nakapaskil sa gwapo nitong mukha dahil sa narinig mula sa kaibigan. Nawala ang mapaglaro nitong tingin at napalitan ng masamang tingin na nakapukol kay Reece na napunta naman sa akin. Nang makita ang natatawa kong mukha ay inirapan ako nito na mas lalo kong ikinatawa. He looks like a gay while he rolled his eyes at me but he still looks manly and... hot.

"What are you laughing at, woman?" naiirita nitong tanong sa akin habang masama pa rin ang tingin na ipinupukol sa gawi ko kaya hindi ko na naman mapigilan ang sarili na hindi matawa sa kaniya. "Stop it, Iria! I am feeling embarrassed here!" Hindi ko na talaga napigilan at napahagalpak na ako ng tawa dahil para itong bata na inagawan ng kendi sa panghihimutok.

"P-para kang bakla kapag umiirap. Alam mo ba 'yon?" nauutal kong tanong sa kaniya sa gitna nang pagtawa ko. Napapahawak na ako sa tiyan ko dahil nagsisimula na itong manakit sa kakatawa ko. Naramdaman ko rin na nanunubig na ang mga mata ko sa kakatawa. "Damn, Rui! Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa sa'yo. Though, you still look manly and hot while rolling your eyes." I blurted out without thinking of what I had said.

Ilang malalalim na buntong hininga ang ginawa ko at pinipigilan ang sarili na tumawa pero mahirap dahil sa mga oras na dumadako ang paningin ko kay Rui ay hindi ko mapigilang hindi matawa. Pero napakunot noo ako nang makita ko ang nakangisi nitong mukha na parang siyang-siya sa nakikita sa katabi ko. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay tinaasan ko ito ng kilay at inikotan ng mga mata dahil sa pagnguso nito sa katabi ko.

Dahan-dahan akong lumingon sa katabi ko at agad na napalunok nang sa pagtama ng aming mga mata ay naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok sa uri ng tingin nito sa akin na parang may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanya. Masama at nakakunot ang noo itong mariin na nakatingin sa akin na ikinangiti ko ng alanganin sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang pagsipol ni Rui sa harap namin na parang nasasayahan pa ito sa nakikita sa harap niya.

"Someone's in trouble," mahina at mapang-asar nitong ani pero sapat lang para marinig ko.

What have I done? At bakit gano'n ang uri ng tingin niya sa akin? Na parang kakatayin niya ako ng buhay. Iniwas ko ang tingin kay Reece dahil hindi ko na kaya pa ang pagtitig nito sa akin at tumingin kay Rui para sana humingi ng tulong pero nagkibit balikat lang ito at ngumisi ng nakakaloko sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin para matakot ito pero iba ang naging reaksiyon nito. Mas lalo lang lumapad ang ngisi nito kaya napamura ako sa aking isip.

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon