Chapter 17: Childhood

1.1K 14 0
                                    

Chapter 17: Childhood

HIRAP SA PAGHINGA ang naramdaman ko ng nagkaroon na ako ng ulirat. Hindi ko maibuka ang aking mga mata dahil sa pakiramdam ko ay parang binugbog ng ilang tao ang katawan ko. Nakakarinig ako ng mga kaluskos sa paligid ko kaya nakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko alam kung nasaan man ako.

May mga boses na nag-uusap sa hindi kalayuan kong nasaan man ako. Napangiwi ako nang biglang sumigaw ang isang baritonong boses na ang sakit sa tainga. Isang nanlalamig na palad ang naramdaman kong humawak sa kamay ko at gusto ko sanang kunin ang kamay kong hinahawakan niya pero dahil sa panghihinang nararamdaman ay hindi ko magawa. I tried to think who is this person that is holding my hand? As far as I remember, wala naman akong may natatandaang tao ang pwedeng maging ganito kalapit sa akin pwera kay Sabrina.

Then images flashed in my mind like a whirlwind in the mist. Reece. Si Reece ang huli kong kasama sa isang restaurant. We were having our first dinner date at nakakain ako ng pagkain na allergic ako. Then after no'n, nawalan na ako ng malay dahil sa hindi na kinaya ng katawan ko ang allergic reaction sa 'kin ng sesame.

"Honey, please, wake up..." Rinig ko ang baritono nitong boses na puno nang pagmamakaawa at pag-aalala na naging dahilan para kumirot ang puso ko. I feel like there was a warm hand than caressed my heart.

Don't beg, Reece, please. Hindi nakakaya ng puso kong makita o marinig kang nagmamakaawa. Hindi ka dapat nagmamakaawa. Ikaw ang dapat na pagmakaawan ng mga tao.

I tried to open my eyes again to see his handsome face kahit na medyo hirap pa rin sa paghinga at namimigat ang mga talukap ko dahil sa namamaga kong lalamunan at masakit na katawan na dulot pa rin ng allergy ko. This time, nagpapasalamat ako dahil unti-unti ko nang naimumulat ang mga mata ko. Puti. Purong puti ang una kong nakita pagkamulat ng aking mga mata. Ilang kurap ang ginawa ko bago ko inilibot ang paningin sa loob ng puting kwarto kung nasaan ako.

Natigil lang ang tingin ko sa taong nakayuko sa gilid ng kama ko na hawak ang kamay ko nang mahigpit na kapag bitawan niya ay mawawala o makakawala ako sa kanya. Ginalaw ko ang kamay ko dahilan ng pag-angat ng ulo niya.

Our eyes met and locked and the emotions that I saw in those oceanic blue eyes made my heart clench in pain. Pain, sorrow and blame. The emotions that I saw in his eyes are too rare to see. Hindi dapat gano'n ang maramdaman mo Reece. I smiled at him weakly to assure him that I am okay but the emotions in there didn't vanished. Pinisil ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko nang mahina dahil wala pa akong sapat na lakas.

"I'm sorry, honey. I didn't know that you're allergic to sesame seeds. Only if I know..." Puno ng pagsusumamo at lambing ang boses nitong ani at umiwas ng tingin sa akin na parang nahihiya siya.

"I-it's okay, Reece," my voice are hoarse because of the swelling I am feeling in my throat.

Magsasalita pa sana ito nang marinig namin ang pagbukas ng pinto. Sabay kaming napatingin at nakitang pumasok ang lalaking nakaputing roba. I smiled at the man who entered my room where I was confined when our eyes met. Seryoso naman itong naglakad palapit sa kama ko. Nakita ko namang tumayo sa pagkakaupo si Reece at tumayo sa gilid ng kama ko.

"How are you feeling, Marie?" Ngumiti ito ng tipid sa akin at chineck ang IV na nakakabit sa isang metal na pole sa tabi ng kama.

Nakarinig naman ako ng mahinang pagtutol sa gilid ko dahil sa pagtawag sa akin ng doctor sa ikalawa kong pangalan.

"M-my throat is still s-swelling, Rence," hirap pa rin sa paghinga kong sagot sa kanya kahit na may oxygen na nakalagay sa aking ilong at bibig.

"Mabuti na lang at nadala ka kaagad dito no'ng sinumpong ka. Why did you eat something with sesame, by the way? You know that you're allergic to that," aniya na parang pinapangaralan ako habang may sinusulat siya sa kanyang dalang board. Bumuntong hininga ito saka ibinaba ang hawak at tumingin sa akin na may pag-aalala na makikita sa kanyang mga mata. "You made me so worried when I heard that you're here, confined, because of your allergy. You know how fatal and dangerous that allergy of yours, Marie."

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon