Chapter 13: Battle
NAKASANDAL AKO sa head board ng kama at nags-scroll sa timeline ng Facebook ko gamit ang phone ko habang hinihintay si Reece na matapos sa paghuhugas ng pinagkainan namin kanina. Nagpresenta itong maghugas dahil hindi ko kayang tumayo at maglakad dahil sa ginawa nito sa akin. He didn't stop until I pass out and my thighs and knees are trembling! He even carry me bridal style to our room because I can't walk and my thighs are trembling when I stand even if I just tried to.
Napahinto ako sa ginagawa ko nang marinig ang pagbukas ng pinto at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagpasok ni Reece na may masayang ngising nakapaskil sa kanyang mga labi. I rolled my eyes at him and log out my account then put my phone down in the bed side table.
Umuga ang kutson ng kama dahil sa pag-upo nito. Umayos ako ng pagkaka-upo at tinagilid ang ulo sa direksiyon niya. Tinaasan ko ito ng kilay na mas ikinalapad ng ngisi niya. Dumukwang ito at agad na inilapat ang kanyang labi sa labi ko na ikinagulat ko dahil hindi ako nakapaghanda dahil doon.
Nang mailayo na niya ang mukha ay napakurap-kurap ako at nang mahimasmasan ay tinignan ko ito ng masama na ikinatawa niya lang ng mahina. Akmang susuntukin ko ang braso nito ng nahawakan niya ang kamay ko at pininid ito sa head board at sa itaas ng ulo ko.
"Bitawan mo ang kamay ko, Reece," naiinis at nagpupumiglas kong ani sa kanya na ikinangisi lang niya at mas nihigpitan pa ang pagkakakapit sa aking kamay at nakakaramdaman ako ng kaonting sakit dahil doon. "Nasasaktan na ako."
Ang malapad nitong ngisi ay napalitan ng pag-aalala at pinakawalan ang kamay kong hawak niya na dinala naman niya sa labi niya at hinalikan iyon bago sinuri na parang may malaking sugat ito. Nang dahil sa ginawa niya ay napigil ko ang aking paghinga at nang dumampi ang kanyang labi sa balat ko ay naramdaman ko ang pagtigil ng pagtibok ng puso ko at ang pagbilis agad ng tibok nito na parang may nagkakarerang mga kabayo.
"I'm sorry. I didn't mean to hurt you, honey," natigilan ako ng magtama ang aming mga mata at nakita ko ang pagsisi at pag-aalala rito. "I was just playing around. Hindi ko alam na nasasaktan na pala kita. Forgive me, please?" may pagmamakaawa at paglalambing sa boses nitong ani at hinalikan ulit ang kamay kong hindi ko na ramdam ang sakit dahil sa lakas ng tibok ng puso ko habang nakatitig pa rin sa kulay asul nitong mga mata. nakakahipnotismo at nakakabaliw.
Umiwas ako agad ng tingin at binawi ang kamay na hawak nito dahil kapag nagtagal pa ito sa hawak niya ay baka tuluyan akong himatayin sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"Okay lang ako, Reece. Mawawala rin 'yang sakit," hindi pa rin ako makatingin sa kanya. "Ano pala ang gusto mong pag-usapan natin?" pag-iiba ko ng topic at tumingin na sa kanya na parang hindi bumilis ang tibok ng puso ko.
"About our arrangement..." napaawang ang labi ko dahil sa gulat pero agad ko ring ginawang blanko ang mukha ko para itago ang sakit na bumalatay sa aking puso.
How can I forget that?! This is just an offer to me to be his woman but for how long? Gusto kong kutusan ang sarili ko dahil sa pagkalimot ko sa totoong estado naming dalawa. Yeah, I can easily forget what's really between us when I am with him intimately. Lihim akong napa-irap sa sarili dahil sa naisip.
"Oh, yeah, that. I want to know it too," walang buhay kong ani na ikinatigil niya. May nakita akong emosyon sa mata nito na agad namang nawala kaya ipinagkibit balikat ko na lang iyon. "Dalawang linggo na ako rito pero hindi pa natin napag-uusapan 'yan. Spill it now, Reece."
Bumuntong hininga muna ito bago ibuka ang bibig pero ilang minuto na akong naghihintay ay hindi pa rin ito nagsasalita pero nakabukaka lang ang kanyang labi. Can't talk now? Napa-iling ako dahil sa mga galaw niyang hindi ko na alam. Ang hirap niyang basahin lalo na kapag ganitong hindi siya nagsasalita. Inayos ko ang pagkakasandal ko sa head board ng kama at ipinikit ang mata habang hinihintay pa rin itong magsalita.
BINABASA MO ANG
Painful Pleasure (COMPLETED) √
Ficción General"Love is like a flame. It will burn you down until there's nothing left for yourself." -Iria Delcena Book 1 of 3 of Pleasure Trilogy WARNING! MATURED CONTENT AHEAD! There are parts that contains some sexual harassment and content. If you can't take...