Chapter 18: Mommy...

1.1K 19 0
                                    

Chapter 18: Mommy...

TIME FLIES FAST WHEN YOU'RE HAPPY. Ika nga nila. Hindi ko namalayan ang mga araw na nagdaan dahil sa mga pinaparamdam sa akin ni Reece araw-araw. But I still have a doubt. A doubt that this won't last long and it will end soon. Nararamdaman kong malapit na. Malapit nang matapos ang mga masasayang araw na makakasama ko siya. At ihahanda ko ang sarili ko para sa gayong mangyari nga iyon ay handa ako. Pero ang puso ko...

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sa sobrang pagkakaumay sa loob ng opisina niya. Buong maghapon na akong naka-upo sa sofa habang hinihintay itong matapos sa kanyang mga ginagawa. I'm so bored to death here!

Pabagsak akong nahiga sa mahabang sofa at nagpakawala ulit ng mahaba at frustrated na hininga dahil hindi ko na talaga kaya ang boredom na nararamdaman ko rito. It's been days that this is our routine. Sabay kaming pupunta sa kanyang kompanya at hihintayin siya hanggang sa matapos at uuwi ulit and it goes on and on. Dumapo ang tingin ko sa wall clock sa loob ng opisina niya at nakitang alas tres pa lang ng hapon at may tatlo o apat na oras pa ang pamamalagi ko rito sa paghihintay sa kanya.

Umayos ako ng higa patihaya at inilagay ang braso sa mata ko para pagtakpan ang nakakasilaw na ilaw mula sa maliit na chandelier na nakasabit sa kisame. Sinubukan kong matulog para kahit papaano ay hindi na ako tuluyang mabaliw dahil sa pagiging bored pero ilang minuto na ang nagdaan ay hindi ako dinalaw ng antok.

Padarag akong umupo at nakangusong tumingin kay Reece na busy pa rin sa pagpirma ng mga gabundok na papeles sa lamesa nito. Nakakunot ang noo at sobrang seryoso ng mukha. He looks so hot, though and it's turning me on! Sex in the office? Not bad, huh. Napakagat labi ako dahil sa naisip ko at agad na tumawa ng mahina at napapa-iling. My god, Iria! Maghunus-dili ka!

Umiwas ako ng tingin at ininat na lang ang katawan para iwala ang mga naisip na nagpapawala ng kainosentihan ko. Inosente ka nga ba, Iria? Magsasalita na sana ako nang bumukas ang pinto na ikinalaki ng mata ko dahil sa taong bumungad dito. Napatayo ako at tumakbo papunta sa bagong dating para sana yumakap ng may narinig akong malamig na boses.

"Don't you dare hug him, Iria!" Napa-shrugged ako dahil sa pagtindig ng mga balahibo ko sa batok. "And what are you doing here, idiot?" Walang buhay niyang tanong sa kararating lang.

"I'm here to visit her," itinuro pa ako nito gamit ang hinlalaki niya na ikinangisi naming pareho. "I know she's bored to death here, Reece. Can I borrow her?" May kaonting kaba at pag-asa akong narinig sa tono ng boses niya sa huling tanong.

"Why would I let her come with you, Apurada?" Lumingon ako kay Reece at nakitang nasa mga papeles pa rin ang tingin nito. "Wala akong tiwala sa'yo." May diin at malamig pa rin ang boses nitong dagdag.

Napanguso ako dahil sa narinig. I'm so bored here, Reece! Ni wala nga akong ginagawa rito kundi ang tumunganga at maghintay hanggang sa matapos ka. Ayaw mo pa akong payagang sumama kay Rui? You selfish jerk! 'Yan sana ang mga gusto kong sabihin pero pinigilan ko ang sarili baka magalit siya. Mahirap pa naman 'yan suyuin.

"Mamamasyal lang kami para kahit papaano ay malibang naman si Iria. Kinukulong mo na siya, bro," nakuha na niya ang atensiyon ni Reece dahil sa sinabi nito.

Mas lalong kumunot ang noo niya at napabuntong hininga bago tumingin sa akin na ikinangisi ko ng malapad. Yes! Finally!

"Want to go with him, hon?" Marahan at mahinahon na ang boses niyang tanong sa akin nang dumako ang tingin niya na parang binabasa ang magiging reaksiyon ko sa tanong niya.

"Can I?" Malambing kong balik tanong sa kanya na ikinabuntong hininga niya bago tumayo mula sa pagkaka-upo.

Naglakad ito palapit sa kinaroroonan ko kaya humarap ako rito. Ngumiti ako sa kanya ng matamis at tumingin nang may pagmamakaawa para payagan niya. He smiled at me softly bago may kinuha sa likod niya na kung ano.

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon