Chapter 3: Quit

1.8K 41 0
                                    

Chapter 3: Quit

HINILOT ko ang sintido ko dahil sa sakit ng ulong nararamdaman ko. Ilang oras na akong babad sa harap ng computer at wala akong pahinga dahil sa sunod-sunod na tawag na natatanggap ko sa iba't-ibang kliyente. Pagkatapos ng isa ay mayroon na namang susunod. Hindi ko na nga nakuha ang break time na gusto ko.

Bumuntong hininga ako at ipinalibot ang tingin sa loob ng opisina namin. Lahat ng cubicle ay puno at busy din ang lahat sa pagsagot ng kani-kanilang mga tawag. And I bet na hindi rin sila nakapag-break dahil sa sobrang busy din sa minu-minutong tawag na natatanggap.

Tinignan ko ang orasan at nakitang mag-a-alas singko na pala ng umaga at kanina pa akong 10 PM nakaupo sa swivel chair ko. Pitong oras na pala akong naka-upo at nakababad sa computer kaya pala ramdam ko na rin ang pananakit ng puwet at balakang ko.

Kinuha ko ang eyeglasses na suot ko at ipinatong ito sa gilid ng desk ko at kinusot-kusot ang mga matang kanina pa nananakit sa kakatitig sa monitor. Hinubad ko na rin ang suot kong earphone na may maliit na parang microphone sa gilid nito. Inayos ang nagulong buhok at tumayo para pumuntang pastry section para makakain dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.

Nang makarating ay agad akong nagtimpla ng sarili kong kape. Hinipan at ininom agad ito para mawala ang kaonting antok na nararamdaman ko. Kumuha na rin ako ng cookies sa jar at kinain ito nang paunti-unti.

Nakasandal lang ako sa counter nang may pumasok dahilan para mapatingin ako sa bagong pasok. Ngumiti ako sa kanya at gano'n din ang ginawa nito. She stretched her body first before she made her own coffee too.

"Grabe talaga kapag seasonal na, ano?" Bigla nitong ani kaya nilunok ko muna ang kapeng ininom ko bago sumagot sa tanong niya.

"Kaya nga. Akalain mo 'yon, hindi natin namamalayan na malapit ng matapos ang shift natin," sabay naman kaming natawa dahil sa sinabi ko.

"Ang dali at ang bilis nga rin ng oras. Parang kanina lang ay nagsisimula pa lang tayo pero ngayon ay malapit ng matapos," tumabi ito ng upo sa akin sa counter habang simisimsim sa sariling kape nito.

"Malapit na rin naman kasi ang Halloween kaya madami ang tumatawag ngayon," tumango-tango ito sa sinabi ko at kumuha at kumain din ng cookies mula sa jar.

"Nga pala, may naghahanap daw sa'yo kaninang hapon dito." Napakunot ang noo akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nito.

Sino naman ang maghahanap sa akin ng dapit hapon, e, gabi hanggang umaga ang shift ko? Even Sabrina knew about it kaya kapag nagyayaya siyang magbar ay kapag alam niyang day-off ko lang.

"Sino raw?" Wala naman akong pwedeng maisip kung sino ang maghahanap sa akin sa mga oras na iyon dahil nasa apartment lang ako noon.

"Hindi ko rin alam. Pero ang sabi ng mga nakakita sa kaniya, pogi raw at nakadamit pangmayaman," mahina itong tumitili kaya mas lalong nangunot ang noo ko. "No'ng hindi ka raw nahanap dito, dumeretso ito sa pinaka-itaas para kausapin ang CEO natin na kaibigan daw niya."

Napa-iling-iling na lang ako sa pinagsasasabi niya. Wala talaga akong ideya kung sino ang pwedeng maghanap sa akin. O baka namali lang sila na hinahanap daw ako pero pumunta lang ito sa boss naming kaibigan nito.

Naubos ko na ang kape ko at nabusog ako sa nakain kong cookies sa jar kaya umalis na ako sa pagkaka-upo ko sa counter ng pastry at hinugasan ang ginamit na tasa. Nang matapos ay inilagay ko ito sa lalagyan at nagpaalam na sa kausap ko kanina na babalik na ako ng desk ko. Isang oras na lang din naman at matatapos na ang shift ko at makakauwi na ako sa apartment para makapagpahinga. Ah, I already miss my bed!

Napa-inat-inat ako habang nakaupo pa rin sa swivel chair ko dahil sa wakas ay tapos na rin ang shift ko. Tinignan ko ulit ang orasan at nakitang pass 6 AM na pala. Lampas na ako sa oras ng shift ko sa araw na ito. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Hawak-hawak ko naman ang cellphone ko para sana mag-facebook mamaya habang nakasakay ng elevator pababa. Akmang hahakbang na ako paalis nang tawagin ako ng team manager namin.

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon