Chapter 10: Worried
"HOY BABAITA! Tama na nga 'yan at lasing ka na!" humalakhak lang ako sa sinabi nito at inisang lagok ang laman ng shot glass na may mojito. "Ano bang problema, Iria? Bakit ka nagpapakalasing ngayon?" bumuntong hininga ito bago hinila ang braso ko at pinasandal ang likod sa backrest ng sofa sa loob ng bar.
Kanina pa ako umiinom at gusto kong magpakalasing ng sobra sobra ngayon. My heart is clenching and I'm in pain. Kaya iinom ko na lang ito. Ito naman daw ang sagot kapag gusto mong makalimutan ang sakit kahit na panandalian lang. Sakit na kahit kailan ay walang makakapawi kahit na ubusin ko pa ang mga alak sa buong mundo.
Nang palabas ako kanina lulan ng elevator ay tinawagan ko si Sab para ayain itong magbar. At sakto naman ang pagtawag ko dahil nandito na siya kasama ang ibang workmates niya.
Hindi ko alam kung ilang shots na ang natungga ko mula ng makarating ako sa club na ito. Ramdam ko na ang pagkahilo ko at ang pag-iinit ng sikmura ko dahil sa pag-inom ng alak. Hindi ako sanay uminom kaya hindi ako nagba-bar kaya nagtaka ito ngayon kung bakit ko ito inaya at nagpapakalasing ako.
Nakapikit lang ang mga mata ko at dinama ang musikang tinutugtog ng DJ. Pinaawang ko ang labi ko dahil ramdam ko ang pagkakapos ng hininga ko sa pagsakit at parang pinipiga ang puso ko ng maisip na naman ang mga sinabi ko sa kanya.
"That's the only reason why you offer me this, right? To be your woman of the month?"
His impulsive offer to be his woman, his woman of the month. Mahina akong natawa sa katangahan ko sa buhay. Why did I say yes to his offer anyway? It's because I want him too. I want to feel him, to be with him. Kahit na kakakilala ko pa lang sa kanya noon. 'Yan ang gusto ko, ng katawan ko. Pero saan ako dinala? Sa sakit ng puso. Sa pagkabasag at pagkawasak nito.
"Hoy! Okay ka lang ba talaga?" rinig kong tanong niya ulit na may pag-aalala na sa boses nito.
Pinahid ko ang luhang tumulo sa kanan kong pisngi at iminulat ang mga mata. Suminghap ako para pakalmahin ang pusong unti-unti nang nagpipira-piraso. Nakatingin lang ako sa ceiling ng bar habang iniisip kung paano pigilan ang sarili ko. Pigilan ang nararamdaman ko.
"Bakit gano'n, Sab? Bakit ang dali lang nilang husgahan ako? Do they know what really happen to me in the past?" My voice has been hoarse dahil na rin siguro sa pagkakalasing at sa pagpipigil ng mga luhang kumawala ulit. "I'm in pain. I was traumatized. I was hopeless and helpless. I was an orphan. And I was a... rape victim," I whispered the last word like it was a sin to say.
"Shh... I am here, Iria. You can tell me everything. I'll listen," hinagod nito ang likod ko nang umupo ako ng tuwid. "Nandito lang ako kapag kailangan mo ng makaka-usap," tumingin ako kay Sab at tipid na ngumiti.
Umiling lang ako sa kanya at binalik sa harap ang tingin. Kumuha ulit ako ng isang shot glass sa center table at itutungga na sana ng may pumigil na isang kamay sa palapulsuhan ko. Kahit na umaalon ang paningin ay nagawa ko itong tignan ng masama pero agad ko ring naipikit ang mga mata nang makita ang nagsasayawang ilaw sa mukha nito.
I can't see his face but I felt safe when he's hovering over me. Only one person can make me feel this way. I smiled at him and open my eyes again to see his dark stare and face. I waved at him and lean my back again in the backrest of the sofa.
"Hello, kuya," garalgal ang boses kong bati sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" humagikhik ako at ipinikit ang mga mata.
"I should be the one asking you that, Iria. What are you doing here?" nanginig ako sa boses nitong sobrang lamig pa sa yelo. "Hinatid na kita kanina, ah. Bakit ka nandito? Asan si Reece?" nawala ang ngiti ko sa labi ng marinig ang pangalan ng lalaking ayaw ko munang makita ngayon.
BINABASA MO ANG
Painful Pleasure (COMPLETED) √
General Fiction"Love is like a flame. It will burn you down until there's nothing left for yourself." -Iria Delcena Book 1 of 3 of Pleasure Trilogy WARNING! MATURED CONTENT AHEAD! There are parts that contains some sexual harassment and content. If you can't take...