Chapter 30: Awake

1.5K 21 0
                                    

Chapter 30: Awake

WALANG KAHIT ISA ang tumulong sa akin sa pag-iimpake ng mga gamit ko para sa pagpunta ko sa bahay nina Tita Camille sa kagustuhan ni daddy. Walang gana at walang lakas kong tinutupi ang mga damit ko at agad na sinisilid sa may kalakihan kong maleta. Hindi naman llahat ng gamit ko ang ilalagay ko dahil alam kong babalik pa naman ako rito kapag napatawad ako ni dad. Pero kailan? Kailan niya kaya ako mapapatawad sa kasalanang hindi ko naman ginusto? Ang kasalanang sobra ko ng pinagsisihan.

Napalingon ako nang marinig ko ang unti-unting pagbukas ng pinto ng kwarto ko at tipid akong napangiti sa taong pumasok at nakitang may malungkot at panghihinayang itong mga ngiti na nakatingin sa akin. Naglakad ito papalapit sa akin kaya ibinalik ko na lang ang atensiyon sa aking ginagawa. Walang imik kong pinagpatuloy ang ginagawa habang umupo naman ito sa gilid ng kama ko at tinulungan ako sa pag-iimpaki.

Mariin kong kinagat ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sarili na lumuha dahil sa mga alaalang nagpapakita sa aking isip. Mga masasayang araw na kasama ko pa ang pinakamamahal kong ina. Ang mga ngiti nitong nakakapagpawala ng mga problemang kinakaharap namin. Mga nakakastress na mga lessons, activities and projects sa school ay makita lang ang nakakaginhawa at matiwasay niyang ngiti ay nawawala ito na parang bula. She's my medicine and my anchor. But now that she's gone, I don't know my path anymore.

Nagiging blur na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko sa sakit, pangungulila at pagsisisi na aking nararamdaman nang biglang marinig ang boses ni dad na puno ng pagsisisi sa akin dahil sa nangyari kay mommy.

"Hindi kita mapapatawad, Iria. You are the reason why my love died. It's your fault. Ayaw na kitang makita pa kahit kailan dahil naaalala ko ang pagkawala ni Ardella."

Paulit-ulit itong nag-r-replay sa isip ko at hindi ko na mapigilan pang hindi mapahikbi. Napasalampak ako sa sahig habang inihilamos ang aking mga kamay sa mukha ko dahil hindi ko na kaya. Hindi ko kayang marinig ng paulit-ulit ang mga katagang kahit kailan ay dadalhin ko kahit nasaan man ako.

I felt a warm body embraces me as I cry my hearth out. Napuno ng hagulhol ko ang loob ng kwarto ko. Tanging ang pag-iyak ko lang ang ingay na maririnig. Iyak ng isang taong lubos na nasasaktan at nagsisisi sa mga bagay na hindi niya naman ginustong mangyari.

Ilang minuto rin na naging gano'n ang aming posisyon hanggang sa tumigil na ako sa pag-iyak at napakalma na ang sarili pero hindi na nabawasan pa ang kung ano man ang naramdaman kanina kahit na iniyak ko na ang lahat. Ako na ang kumalas mula sa pagyakap nito sa akin at pinahid ang basang pisngi na puno ng mga luha. Isang malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago ko ito hinarap ng tuluyan.

That look in his eyes tells me that everything will be alright. But I know. I know to myself that it will never be alright. That look only made me feel so awful to my own self. It made me think that I am, indeed, an ungrateful child to my parents. That I, I will never be forgiven by them.

Ako na ang unang umiwas dahil hindi ko na kaya pang titigan ang mga mata nitong hindi ko na gustong ipangalanan ang mga emosyong pinapakita niya rito. Hindi ko kaya dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa punto na pati siya ay ayaw ko na ring makita pa.

At ano ang ginagawa niya rito? Bakit ba siya narito? Hindi ko naman siya sinabihang pumunta rito dahil ayokong makita niya akong sobrang hina sa harap niya. Ayokong makita niya at malaman niyang pinaalis ako ng sarili kong ama sa sarili naming pamamahay dahil hindi niya maatim na makita ako sa aksidenteng hindi ko naman ginustong mangyari.

I know that he have the rights to know my whereabouts but can he give me more privacy this time? Sa ilang linggong pagkukulong ko rito sa loob ng kwarto ko ay hindi man lang ito bumisita sa akin kung kailan sobra ko itong kailangan. Tapos ngayong aalis ako at ayoko siyang makita ay pupunta siya? Lihim akong natawa ng mapakla dahil sa mga naisip ko.

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon