Chapter 2 : Woman

2.2K 52 2
                                    

Chapter 2 : Woman

"H-HUWAG kang lumapit! H-huwag, p-please. Pa-parang awa mo na," puno nang pagmamakaawa kong pakiusap sa kanya habang punong puno ng luha ang aking pisngi at paupo na umaatras papalayo sa kanya dahi sa sobrang takot at kaba na nararamdaman ko.

Mas lalo akong kinabahan nang makita ang mala-demonyo nitong ngisi sa kanyang mga labi at unti-unting humahakbang papalapit sa kung saan ako umaatras. Hindi matigil tigil sa pagdaloy ang mga luha ko sa magkabilang pisngi ko nang maramdaman ko ang malamig na pader sa likod ko. I bend my knees in front of me at niyakap ito habang mas lalong isiniksik ang katawan sa malamig na pader sa likod ko.

"J-joshua, please, I'm begging you to stop. H-hindi ikaw 'to," niyakap ko pa lalo ang mga tuhod ko dahil sa hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko para ilayo ang sarili mula sa kanya.

Yumuko ako para maiwasan ang mga mata nitong nanlilisik na puno ng galit na hindi ko alam kung para saan. Napasigaw ako sa sakit at napatingala sa kanya nang maramdaman ko ang malakas nitong paghablot sa buhok ko na parang pati ang anit ay madadala. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya sa buhok ko habang kinakaladkad ako nito gamit ang may kahabaan kong buhok.

Habol ang hininga ay tumigil ito sa paglalakd at pagkaladkad sa akin na akala ko tapos na ang pagpapahirap niya sa akin ngayon pero nagkamali pala ako. Isang nakakabinging sigaw ang nagawa ko nang hinagis niya ako sa kama na parang isang akong hayop sa kanya.

Agad akong naupo sa kama at umatras nang umatras hanggang sa naramdaman ko ang head board ng kama sa likod ko. Muli kong niyakap ang mga tuhod ko at ibinaon ang mukha rito para hindi ko makita ang mga mata nito at mga ngising demonyo nito. Mahina akong napahikbi habang nakatago pa rin ang mukha sa pagitan ng tuhod ko.

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa takot at sakit na nararamdaman ko sa ginawa niya at sa mga possible nitong gawin ulit sa akin. I already had enough of all of this. Sobrang pagod na ng katawan ko. Naramdaman ko ang pag-uga ng kutson kaya mas lalo kong isiniksik ang katawan ko sa head board ng kama.

Isang malakas at nakakabinging sigaw ulit ang pinakawalan ko na parang mapapaos na ako dahil sa paghila nito ng mga paa ko at agad niya akong kinubabawan. Niyakap ko ang sarili ko sa ilalim niya pero hindi iyong naging hadlang sa mga plano niya sa akin. Hindi na magkamayaw ang mga luha sa pagtulo sa mga pisngi ko habang maharas akong umiiling sa kanya at nagmamakaawa pero mas lalo lang lumapad ang demonyong ngisi nito na parang nag-e-enjoy pa itong makita at marinig ang pagmamakaawa ko sa kanya.

"H-huwag. Tama na. Ayoko na." hindi ko na nakikilala ang boses ko sa sobrang basag at hina nito na parang kahit ang taong may matalas na pandinig ay hindi na ito maririnig pa.

Wala na ang mga tingin nitong puno ng galit at napalitan na ito ng puno ng pagnanasa at pagkasabik ang tingin sa akin. Umamba itong pupunutin ang damit ko nang inipon ko ang buong lakas ko para itulak ito at hindi naman ako nabigo. Nahulog ito sa ilalim ng kama na may malakas na impak at kinuha ko iyong pagkakataon para umupo at umalis ng kama at mabilis na tumakbo papunta sa pintuan.

Nakakailang hakbang palang ako mula sa kama ay napaluhod na ako sa sahig at napahawak sa batok ko dahil sa malakas na bagay na tumama rito. Nanginginig man ang mga kamay ay nagawa kong tignan ito dahil sa malapot na likido na nakapkap ko rito at ilang sandali lang ay nawala na ang aking ulirat.

Napabalikwas ako ng bangon at hingal na hingal na inilibot ang paningin sa paligid. Ilang beses at ulit na malalim na buntong hininga ang ginawa ko bago napakalma ang sarili dahil sa takot na nadarama kani-kanina lang dahil sa panaginip kong gusto ko ng makalimutan.

Maliwanag na sa labas dahil sa sikat ng araw na tumatama sa bintana ng apartment na iniuukupahan ko. Pinahid ko ang noo kong napuno ng pawis at ang pisngi kong puno rin ng luha?

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon