Chapter 27: Cruel

1.1K 18 0
                                    

Chapter 27: Cruel

TAHIMIK LANG AKO sa buong linggong nasa loob lang ng penthouse ni Reece pagkatapos ng nangyari at ng mga nalaman ko. He tried to talk to me casually and tried to bring back the way we were before when I saw the picture frame that made me hate myself. He was patient in me. Kinakausap niya ako pero hindi ko ito sinasagot o tinitignan man lang. I don't want to talk to him, nor see him. Pero anong magagawa ko? Hindi ako makaalis dito kahit gustuhin ko man.

One week after I finally recovered from being shocked and from the wound, I tried to escape and leave his penthouse pero laking gulat ko na lang na may dalawang mga lalaki na malalaki ang mga katawan na nakasuit ang nakabantay sa labas ng pinto ng penthouse niya. I walked normally na parang hindi ko sila nakita nang bigla akong harangan ng isa sa kanila na ikinataas ng kilay ko.

I tried to walk the other side pero hinarang naman ako ng isa sa kanila na mas nagpairita na sa akin. Wala akong dalang isang gamit dahil lahat naman ng ginamit ko sa loob ng penthouse niya ay siya rin ang nagbili kaya wala akong karapatan para magdala kahit isa man lang doon.

"Mr. Xiamin told us not to let you go, Miss Iria," isang baritonong boses ang narinig ko sa kanan ko na dahilan ng pagtingin ko rito na nakataas pa rin ang kilay dahil sa iritasyon na aking nararamdaman.

"And why is that?" Naiirita kong tanong sa kanya at masama na itong tinignan pero walang mababakas na kahit na anong emosyon sa mukha nito at hindi ko makita ang mga mata nito dahil natatabunan ito ng itim na shades. "Wala kayong karapatan para harangan ako at pigilan akong umalis dahil buhay ko ito!" Hindi ko na napigilang pagtaasan sila ng boses sa namumuong galit sa sistema ko.

"We're just obeying the orders, Miss," walang buhay na sagot ng nasa kaliwa ko naman kaya napasabunot na lang ako ng aking buhok.

Sinubukan ko silang itulak pero hindi man lang sila natinag dahil parang may glue na nakalagay sa mga paa nila. Sinubukan ko sa ikalawang pagkakataon at ibinuhos lahat ng lakas ko pero wala talagang nangyari. Matalim ko silang tinignan hindi dahil sa inis na nararamdaman ko kundi galit na. Galit para sa kanila at galit para sa walang hiyang lalaki na ayaw akong pakawalan o paalisin dito.

"Damn you!" Galit kong angil sa kanila at pinagsusuntok ang mga tiyan nila. Lihim naman akong napangisi nang makita kong napangiwi ang isa sa kanila dahil sa ginawa ko.

Agad na akong tumalikod sa kanila at padabog na binuksan at sinara ang pinto dahil sa galit nararamdaman ko. Damn you, Reece! I hate you!

Nagkukulong lang ako sa loob ng kwarto na nakita ko sa malayong gilid ng kwarto ni Reece dahil hindi ko na ata makayang makita at makasama siya sa iisang kwarto. The first time I saw the room, my eyes watered and my heart clench and it tore into two pieces when I realize that it was supposedly a baby's room. His and his wife's baby. Hindi pa tapos ang pag-aayos ng silid kaya hindi pa gano'n kaganda ang kinalabasan. Its walls were painted by color blue and I assumed that it was a boy. His first born is a boy.

Masakit? Sobra. Sobra na parang pinapatay ako sa katotohanang may anak na siya sa asawa niya bago pa niya ako makilala at ibinahay. Masakit na parang ayoko na lang mabuhay dahil hindi ko na kaya. Mas masakit pa ang katotohanang ito kesa sa nangyari sa akin noon. Bakit? Bakit ako pinaparusahan?

Nang araw din na nalaman kong may mga bodyguard na nagbabantay sa labas ay doon ko rin nakita at natuklasan ang kwartong iyon. Pumasok ako, nilock ang pinto at inilibot ang paningin sa hindi natapos na kwarto para sa una niyang anak na lalaki. May isang queen size bed sa gitna ng kwarto at may crib sa paanan nito. May mga laruan na ring mga blocks, lego, toy cars, etc sa mga shelves sa gilid ng isang pinto na sa tingin ko ay ang banyo. Pero hindi na natapos ang iba pang mga kagamitan sa loob at napaisip ako kung bakit? Bakit hindi natapos? Nasaan na ang mag-ina niya? Pero habang iniisip ko iyon ay tuluyan ng nagsibagsakan ang mga luhang kanina ko pa pala pinipigilan dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon