Chapter 15: Thank You

1.1K 16 0
                                    

Chapter 15: Thank You

NAKANGITI at iniindayog ang balakang habang masayang nagluluto ng aming agahan. Nasa loob pa ng kwarto si Reece dahil naghahanda ito para pumasok sa kanyang opisina. Ako naman ay maiiwan dito sa penthouse at hihintayin hanggang sa makauwi ito. I hum my favorite song. Still swaying my hips and continue to cook. Nagluluto ako ng fried rice dahil tapos ko nang lutuin ang scrambled egg at bacon.

"I can't get high without your love

I can't get high without your love

All of these drugs, they ain't enough

They don't do what your body does..."

Wala na akong pakialam kung marinig man ni Reece ang pagkanta ko dahil hindi naman gano'n kapangit ang boses ko. Pwede na nga rin akong sumali sa singing contest kung gugustuhin ko pero ayoko dahil hassle at makakasagabal lang ito sa trabaho ko noon.

"I can't get high without your love

I can't get high without your love

All of these drugs, they ain't enough

I can't get high without your love..."

Nang lumingon ako sa bukana ng kusina ay nakita kong nakasandal si Reece sa hamba ng pintuan habang may tipid itong ngiti na nakapaskil sa kanyang mga labi habang matiim na nakatingin sa akin. I smiled at him and continue what I am doing while still singing my favorite song.

"Oh no. oh no

I can't get high without your love

You got me on one, uh-huh

Now you're the only reason

I go down town on the weekend, babe,"

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paghakbang nito papalapit sa akin pero hindi ko na ito pinansin pa dahil busy pa ako sa pag-aayos ng lamesang kakainan namin at sa pagtitimpla ng aming mga kape.

"I can't get high without your love

I can't get high without your love

All of these drugs, they ain't enough

I can't get high without your love,"

Saktong pagtayo ko ng tuwid ay naramdaman ko ang mainit nitong katawan sa likod ko na mas nagpalapad ng aking ngiti. Nang humarap ako sa kanya ay ilang dangkal na lang ang layo ng aming mga katawan at mukha.

Napasinghap ako nang bigla niyang hapitin ang bewang ko at pinagdikit ang aming mga katawan. Ramdam ko ang hininga nitong tumatama sa aking mukha. His minty breath mix with his musk and manly scent attacked my nostrils that made me feels relax and at home. At hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi ito nakawan ng halik na ikinainit ng magkabila kong pisngi.

"It's not the proper way to greet me a happy morning, honey," ang baritono nitong boses na palaging nagpapatindig sa aking mga balahibo ay hindi pa rin nawawala kapag naririnig ko ito sa malapitan. "This is the proper way..." mahina niyang bulong sa tainga ko na nagdulot ng kiliti sa kaibutaran ko.

His right hand softly cups my jaw at pinatingala ako sa kanya. He crouched and I felt his soft lips met mine. Hindi ako nakagalaw dahil sa ginawa nito. His lips moves in a slow rhythm na parang kinakalkula ang dapat na gawin sa labi kong nakaawang nang kaonti dahil sa gulat sa ginawa niya.

Marahan at may pag-iingat ang ginagawa niyang paghalik sa akin habang mas idinikit pa ang katawan ko sa katawan niya. Ilang sandali pa ay tumigil ito sa paghalik sa akin nang maramdaman niyang hindi ako tumutugon. Inilayo nito ang mukha niya sa mukha ko at nakita kong namumungay ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon