Chapter 7: Mad

1.5K 23 0
                                    

Chapter 7: Mad

NAKANGITI akong pumasok sa building ng dati kong pinagta-trabahohan. I greeted the guard a good afternoon bago dumeretso ng elevator. May mga nakasabay din akong sumakay sa elevator pero hindi ko ito mga kilala dahil palagi akong night shift no'ng nagta-trabaho pa ako rito. They just smiled at me na para bang boss din nila ako kasi nakita nilang pinindot ko ang last floor.

Oh, well. Napakibit balikat na lang ako at hindi na sila pinansin pa. Wala naman kasi silang alam kaya siguro gano'n na lang ang inaasta nila sa akin. Akala siguro nila ay girlfriend ako ng baliw at makulit nilang boss.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako pumunta rito imbes na manatili na lang doon sa penthouse ni Reece o sa kaniyang opisina. Nakakabagot naman kasi na roon lang ako buong araw tapos ako lang mag-isa. Wala rin naman akong ginagawa roon dahil pinagbawalan niya ako. Kaya nang maisip kong gumala ay etong building na 'to ang una kong naisip. Dahil na rin siguro sa na-miss kong pumasok rito kahit na kahapon palang naman akong last na nakakapunta rito.

I don't know why pero sobrang komportable ako kay Rui kahit na kahapon lang kami nagkakilala ng pormal at hindi dahil kaibigan ito ni Reece. Baka dahil nararamdaman ko ang pagiging kuya niya na hindi ko man naranasan noon sa mga pinsan ko at sa nag-iisa akong anak. Mapait akong ngumiti dahil sa naalala. Mga alaalang hindi ko naman kagandahan at mga alaalang pinagkait sa akin.

Bumukas ang elevator at nagtaka akong wala na akong kasama sa loob at natawa na lang dahil nasa last floor na pala ako ng building. Lumabas na ako at naglakad papunta sa desk ng sekretarya niya na busy sa harap ng computer at madaming ginagawa.

"Uhm.. Hi, nasa loob ba si Rui?" tawag pansin ko sa sekretarya niya. Iniangat naman nito ang tingin niya sa akin at medyo nagulat pa itong makita ako sa harap niya kaya ngumiti ako sa kanya ng tipid.

Kalaunan ay ngumiti naman ito at nagtanong. "May appointment po ba kayo sa kanya?" napangiwi ako sa tanong niya at napailing na nagpakunot ng kanyang noo.

Kailangan ba talagang kumuha muna ng appointment sa baliw na 'yon? Gara niya, ah. Natawa ako sa naisip at umiiling iling dahil para na akong baliw dito habang kaharap ang sekretarya ng baliw na 'yon.

"Wala, e. Hindi ko kasi alam na kailangan pa palang makakuha ng appointment para mabisita siya." May alanganing ngiti kong sagot sa tanong niya.

"You're Ms. Delcena, right? 'Yong pinapunta ni sir Apurada kahapon?" tumango ako sa tanong niya ulit dahil naaalala pa pala niya ako.

"Yes, I am. Busy ba siya?" Hindi ito sumagot at yumuko muna tapos may kinuha itong notepad at may tinignan. Baka schedule iyon ni Rui.

Nakangiti na ito nang inangat niya ulit ang ulo niya at umayos siya ng pagkakaupo bago nagsalita na ikinangiti ko ng malapad.

"Wala naman siyang appointment sa mga oras na ito kaya pwede po kayong pumasok. I'll inform him na hinahanap mo siya."

Umiling ako sa kanya, "Huwag mong ipaalam sa kanya. I'll surprise him. Thank you!" nakangiti na akong nagpaalam dito at pumunta sa harap ng pinto ng opisina ni Rui.

She doesn't need to guide me dahil alam ko naman na ang pupuntahan ko at isa pa, kahapon lang naman ako nakapunta rito kaya hindi ko pa makakalimutan ang mga bagay-bagay.

Hindi na ako kumatok at pinihit na lang ang doorknob. Dahan-dahan ko itong itinulak para walang ingay akong makapasok. Nagtagumpay naman ako at dahan-dahan ko naman ulit itong sinarado ng walang ingay para hindi niya malamang may pumasok ng walang paalam sa opisina niya.

Napangiti ako at ipinalibot ang tingin sa kabuoan ulit ng opisina nito. Ang ganda talaga. I really love the mixture of the colors. Ang aliwalas lang kasing pagmasdan. Napako naman ang tingin ko sa isang bulto ng tao na nakasubsob ang mukha sa gitna ng mesa nitong puno ng mga papeles. Nang pagpunta ko dito kahapon, wala pa 'yan ah. Bakit natambakan na ito ngayon?

Painful Pleasure (COMPLETED) √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon