CHAPTER 2

4K 126 6
                                    

Cathlyn's Po'V

"Uy, te. Tulala kana naman. Ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Portia.

Nandito kami sa canteen and as usual, sabay kaming kumain. Siya palang kasi ang naging kaibigan ko simula kahapon.

Matamlay ko siyang tiningnan. Hindi ko maisip kung sasabihin ko ba o hindi.

"Na maniac kana ba?" Walang pakundangan kong tanong.

Nagulat si Portia sa tanong ko, pero kalaunan ay humagalpak ito ng tawa. Pinagtitinginan tuloy kami ng iba na hindi ko na binigyang pansin.

"Kaloka naman iyang tanong mo te! Anong akala mo sa fess at katawan ko? Namamanyak? Bakit ba kasi natanong mo te? Namanyak kaba?"

Napaiwas ako ng tingin sa tanong ni Portia. Gusto kong aminin sa kanya pero nakakahiya naman. Nasabi nga sa akin ni sir na hindi niya iyon intention.

I scoffed. Napakasakit pa din sa ego na sinabihan niya ako na hindi niya ako type. Like, the heck? Kung mukha lang naman ang ipanglalaban, hindi ako magpapahuli.

Dahil gusto mong magustuhan ka ni sir?

Nangunot ang noo ko. Wait–what?! No! Of course not! Ang sa akin lang, bakit niya iyon nasabi? Gosh! Na concious ako bigla sa mukha ko.

"Wala naman. Natanong ko lang." Kibit-balikat kong sabi.

Hindi na nagsalita si Portia at tinuloy nalang ang pagkain. Tinapos ko na din ang sa akin saka kami dumeretso sa floor namin.

Pagdating ko sa table ko, as usual check the reports. Kinuha ko ang isang folder na naglalaman ng schedule ni sir Jackson.

Tumayo ako at pumasok sa office niya. Pinatili kong maging pormal at kalmado sa harap niya. Busy siya sa laptop niya kaya hindi niya ako napansin.

Tumikhim ako. "Sir. This is your schedule for this afternoon."

Hindi siya nag-angat ng tingin kaya nangunot ang noo ko. Magsasalita sana ako dahil baka hindi niya narinig nang inunahan na niya ako.

"Spill it out."

Napa-irap nalang ako at binuklat ang folder. "2:30 pm, you have a conference meeting. 4:00 pm, you have an appointment to Mr. Leonardo R. Guevara. That's all sir." Pagtatapos ko saka ulit siya tiningnan.

But that was a wrong move. Matiim din siyang nakatitig sa akin na para bang pinag-aaralan ang buong mukha ko.

Kahit naiilang ay hindi ako nagpatinag. Nilabanan ko ang tingin niya kahit nanginginig na ang aking tuhod.

"What about tommorow?"

Nakakuha ako ng pagkakataon para makaiwas sa tingin niya. Binuklat ko ulit ang folder at binasa ang schedule niya.

"8:00 am is your flight to Japan for business trip. You have three days to stay there, sir."

Tumango-tango siya nang mag-angat ako ng tingin. Sumandal siya sa recliner at kitang-kita ng dalawa kong mata kung paano nag flex ang mga muscle niya sa dibdib at braso.

I didn't know that I'm maniac too. Nahawa siguro.

"For business trip tommorow. You will accompany me. That's your job as my secretary." Saad nito sa buong boses.

Napataas ang dalawa kong kilay nang may mahimigan akong diin sa kanyang boses. O baka guni-guni ko lang iyon. Napakagat ako ng labi. Hobby ko na ito simula pagkabata kapag malalim akong napapaisip.

"Of course, sir." Pag sang-ayon ko.

"Great. Now make me some coffee."

Sinunod ko ang utos niya at pumunta sa mini kitchen nitong office niya. Habang nagtitimpla ng kape ay napaisip ako. Kumain na kaya siya?

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon