CHAPTER 16

2.5K 70 0
                                    

Cathlyn's Po'V

"What the fuck?!"

Napapikit ako sa biglang pagsigaw ni boss. Ikuwento ko kasi sa kanya na ang bagong applicant ng HR department ay ang lalaking mismong bumaboy sa akin.

Puno ng galit ang dibdib ko ngunit hindi ko ito pinairal dahil baka kung ano na ang magawa ko.

While looking at boss now. I could say his mad—no, he's livid. Nag-iigting ang bagang niya habang nakakuyom ang parehong kamao na nasa lamesa.

Puno ng galit ang kanyang mga mata. Kaya para kumalma siya ng kaunti, lumapit ako sa kanya saka patagilid na umupo sa hita niya. Naka fitted skirt kasi ako kaya hindi ako pwedeng umupo paharap.

Sinapo ko ang mukha niya saka hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. "Don't be mad. Baka kung ano ang magawa mo dahil sa galit na nararamdaman mo ngayon." Mahinahon kong sabi habang dinadampian ng halik ang kanyang labi, mata, ilong at noo.

Masama parin ang mukha niya pero hindi na kagaya kanina na para bang papatay siya. Kaya natakot ako. Baka kung ano ang magawa niyang hindi maganda.

"But he's the one who hurt you! Siya ang dahilan kung bakit mo kinamumuhian ang mga lalaki. Siya ang dahilan kung bakit ka nasaktan ng sobra noon." Matigas na ani nito habang nagtatagis ang bagang.

Ngumiti ako. "I know. Pareho lang tayo ng nararamdaman ngayon. But I suggest you calm down dahil baka kung ano ang magawa mo sa galit na yan. I'm here. Hindi ako aalis sa tabi mo hanggat hindi ka kumakalma."

Nakahinga ako ng maluwag ng tumango siya. Niyakap ko siya habang hinahagod ang kanyang ulo para kumalma siya.

Ilang minuto kaming tahimik. Mararahas na paghinga lamang ang aking naririnig galing sa kanya.

Kumawala siya sa yakap namin at pinakatitigan ako sa mukha. Ngumiti ako nang makita kong wala ng bakas na galit sa kanyang mukha at mga mata.

"I'm calm now. Nadala lang ako ng galit ko dahil iniisip ko palang na empleyado ko ang bumaboy sa girlfriend ko. Hindi ko kaya. Umuusbong yung galit ko dito." Turo niya sa kanyang puso.

Umiling iling ako. "Don't be. Maraming nagagawang hindi maganda ang galit ng isang tao. Pwede kang makasakit or worse, baka makapahamak ka." Hinaplos ko ang kanyang pisngi habang pinakatitigan siya sa mata. "Yan din ang nararamdaman ko kanina. Pero kailangan mong kumalma. Sa ngayon, hindi ko pa kayang makita siya—scratch that, ayokong makita ulit ang pagmumukha niya."

Bumuntong hininga siya saka ako hinawakan sa beywang at niyakap. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Kung tinanong sana agad kita, dapat nalaman ko agad. I feel so useless. Base sa kwento mo noon nang nasa Japan pa tayo, sobrang lalim ng sugat na nilikha ng trahedyang yun kaya mo kinamumuhian ang mga lalaki. Pero nang dahil sa akin kaya mo makikita ulit ang lalaking yun? Pakiramdam ko kasalanan ko lahat. I should ask you in the first place. Para sana ngayon, hindi mo makikita ang lalaking yun."

Hinaplos ko ang kanyang ulo nang mahimigan ko ang pait at sakit sa kanyang boses.

"Your not useless, Jackson. Wag na wag mo na ulit yan iparirinig sa akin. In the first place, nakalimutan naman natin ang trahedyang yun. Hindi na natin naiisip ang mangyayari dahil masaya tayo. Ako nga ang may kasalanan. Hindi ko agad sinabi sayo ang pangalan ng lalaking bumaboy sa akin. I mean, sinabi ko ang pangalan but not the whole name. So basically, may kasalanan din ako sayo. Wag mong akuin ang lahat." Malambing kong saad upang mawala na ang pait at sakit sa kanyang boses.

Kumawala siya sa aming yakap kaya napatitig ako sa kanya. May munting ngiti na sa kanyang labi na lihim kong ikinangiti.

"Ano ng gagawin natin ngayon? Kung pwede ko lang siyang isisante, ginawa ko na. Pero hindi kasi pwede." Parang namomroblemang ani niya.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon