CHAPTER 11

2.7K 84 1
                                    

Cathlyn's Po'V

Pagka uwi naming tatlo nila Jelian at Inay ay dumeretso ako sa aking kwarto. Hindi pa nakaka uwi sila Itay galing sa palengke kasama sila Harold at boss. Hinugasan ko muna ang aking sugat bago dumeretso sa aking kwarto.

Kinuha ko agad ang first aid kit saka ito hinanda para linisin ang aking sugat. Nilagyan ko ng betadine ang bulak bago ito dinampi sa aking siko.

Ramdam ko ang sakit at hapdi kahit maliit na galos lamang ang aking tinamo. Buti nalang at isang siko lang ang nasugatan at isang tuhod ko.

Kung sa siko ko ay maliit na galos lamang ang aking tinamo, sa tuhod naman ay malaki.

"Langya ang babaeng yun. Siya na nga ang may kasalanan. Pinagsalitaan pa ako ng masama." Bulong ko habang nililinis ang sugat sa aking tuhod.

Hindi ko tuloy maisip kung saan nagmana ang Olivia na yun. Mabait naman si Vince. Sa pagkakakilala ko din sa magulang nila, mabait din naman. Nakilala ko noon ang magulang ni Vince nang minsang napadpad ako sa bahay nila. Pero hindi ako nakilala o nakita man lang ng magulang niya.

Natigil ako sa aking ginagawa at pag-iisip nang humahangos na pumasok si boss sa aking kwarto. Hindi ko pinahalata sa kanya ang gulat ko. Puno ng pawis ang kanyang mukha at bakas ang pag-aalala dito.

Binaba ko muna ang bulak saka ko siya kinausap.

"Jackson. Anong nangyari sayo?" Tanong ko. Bagaman kami lang namang dalawa dito, tatawagin ko siya sa pangalan niya.

"I-I heard nasugatan ka daw?" Utal pa nitong tanong.

Napatingin ako sa first aid kit bago binalingan ng tingin si boss. "Uhm, galos lang naman ito." Saad ko bago linisin ang sugat.

Hindi sumagot si boss kaya nagtaka ako. Nilingon ko siya nang makitang lumapit siya sa gawi ko saka inagaw ang bulak sa aking kamay at siya na ang naglinis.

"Sabi ng nanay mo nadapa ka raw?" Tanong nito habang hinihipan ang sugat ko.

"Hmm." I just hum 'cause I don't know what to say.

Simple gesture and here I am. Hyperventilating already. Huminga ako ng malalim sa bawat buga niya ng hangin sa aking sugat. Naging tahimik na din kami bago niya tinapos ang paglilinis. Nilagyan niya ito ng gauze bago tumingin sa akin.

"Done. Sa susunod mag-iingat ka na."

Tumango lang ako sa kanyang sinabi. Wala akong makapang salita dahil sa kanyang ginawa sa akin. I don't want to be assuming. Masakit ulit masaktan.

"You okay?" Biglang tanong ni boss dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Oo naman." Sagot ko.

Bumuntong hininga si boss saka pinakatitigan ako sa mata. Hindi ako nagpatalo at sinalubong ko din ito kahit gusto ko ng tumungo.

"Liar." Bahagyang nanlaki ang mata ko sa kanyang sinabi. "I know your not. Simula nang bumyahe tayo dito, hindi mo na ako kinikibo. May problema ba? May galit kana naman ba sa akin? May nagawa ba akong mali? Anong pwede kong gawin? Please tell me, I'm worried too." Sunod-sunod na tanong nito.

Hindi agad ako naka sagot sa kanyang mga tanong. Bakit ko nga ba hindi masyadong kinikibo si boss? Simple, dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na mas ma-attract pa sa kanya. Bakit ko nga ba siya hindi pinapansin? Simple again, dahil hindi ko kayang kontrolin ang puso ko na naghaharumentado dahil sa kanya.

Gusto ko sanang isagot yun ngunit walang lumabas sa bibig ko. Sa halip ay tumungo ako saka bumuntong hininga.

"Gusto mo bang mamasyal dito?" Out of nowhere, iyon ang lumabas sa aking bibig.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon