CHAPTER 13

2.8K 81 2
                                    

R-18





Cathlyn's Po'V

It's been a month since boss and I visited in our province. Isang buwan na ang nakakalipas nang umatend kami sa birthday ng aking kapatid. Isang buwan na ang nakakalipas nang magkasagutan kami ni Olivia. And it's been a month since boss is courting me.

Walang pagtutol si tatay nang sabihin ni boss na manliligaw siya sa akin. Todo pa nga ang suporta nito at sinulsulan pa akong sagutin agad si boss.

Wala naman akong pagtutol sa sinabi ni tatay. Gusto ko lang maranasan kung paano ligawan ng isang Jackson Morales Fuentabella.

Lunch time namin at kasama ko sila Portia at Katrina na kumain. Matagal-tagal na din kasi kaming hindi nagkasama dahil palaging si boss nalang ang kasama ko tuwing kakain ng tanghalian. Sabi niya parte daw ng panliligaw.

"Anong nginiti-ngiti mo diyan bakla?"

Napakurap-kurap ako saka napatingin kay Portia nang magsalita siya. Actually, silang dalawa pala ni Katrina.

Tumaas ang dalawa kong kilay. "Ahm wala naman." Pagsisinungaling ko.

Hanggang ngayon wala pa din silang alam kung anong mayroon sa amin ni boss. Wala pa akong lakas ng loob upang sabihin sa kanila ang totoo. Natatakot ako sa magiging reaksyon nila.

"Then why are you smiling? May iniisip ka bang nakakatawa?" Suspicious na ani Katrina.

Napanguso ako. "May batas na bang bawal ngumiti ngayon?"

Umismid si Portia. "Wala. Pero mukha ka namang timang na ngumingiti mag-isa diyan."

Humaba ang nguso ko sa sinabi ni Portia habang si Katrina naman ay bumungisngis.

"Why are you so happy ba? I mean, lately kasi hindi kana sumasama sa amin mag lunch. Then iba ang blooming mo. Tell us nga." Nanliit ang mga mata ni Katrina habang nakatitig sa akin. "may dapat ba kaming malaman?"

Agad akong napalunok sa klase ng intensidad ng mga tingin ng dalawa. Naging mailap ang tingin ko ngunit hindi ko ito pinahalata.

"Ahm. M-Masaya lang naman ako dahil nakasama ko na ulit ang pamilya ko. Matagal na din kasing hindi kami nagkakasama." Pagsisinungaling ko sa dalawa.

Alam kong hindi sila kumbinsido sa aking sinabi ngunit hindi na sila nagtanong pa.

Bumuntong hininga si Portia. "Kung hindi mo pa kayang sabihin yan, bakla, kimkimin mo muna yan. But please. Palagi mong tandaan na nandito lang kami ni Katrina para sayo. Kilala mo kami, hindi kami mapanghusgang tao." Seryosong saad nito habang si Katrina ay tumatango-tango.

Napatingin ako sa kanila at tipid na ngumiti. Kahit sa konting panahon, naging totoo sila sa akin. Naging kaibigan ko sila na palagi kong pinagkakatiwalaan. Marami akong alam sa kanila ngunit tungkol sa akin ay bilang lang.

Tama si Portia. Kilala ko sila. Alam kong hindi sila mapanghusga kung sasabihin ko kung ano ang hindi ko kayang sabihin sa kanila.

Siguro hindi pa oras.

I reassuringly smiled at them. "Wag kayong mag-alala. Sasabihin ko sa inyo kapag handa na ako."

"It's okay kung hindi mo muna sasabihin sa amin, Cath. We understand. Just keep it until your ready to tell us."

"Korek si Katrina, bakla. Kung ano man yang dahilan ng kinangingiti mo, alam naming iba ang epekto niyan sayo. Basta sabihin mo lang kong baliw kana ah? Para makapag handa naman kami." Pabiro pang saad ni Portia.

Sabay kaming natawa ni Katrina. "No worries. I-inform ko sa inyo kapag baliw na ako." Pagsasakay ko nalang sa biro niya.

"At para na din ma mental kana namin." Pagsasakay din ni Katrina.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon