CHAPTER 22

2.9K 70 7
                                    

R-18





Cathlyn's Po'V

Tatlong araw. Tatlong araw na walang Jackson na bumalik. Tatlong na nangungulila na ako sa kanya. Tatlong araw na akong walang balita sa kanya. At sa loob ng tatlong araw na yun ay wala akong ibang ginawa kundi magmukmok sa kwarto at umiyak.

Hindi din ako pinayagang lumabas ni tatay na mas lalong kinalungkot ko. Hindi nga pinapalapit sa akin si Harold at Jelian dahil sa tulong nila sa akin.

Hinahatiran na lamang ako ni nanay ng pagkain saka siya aalis. Alam kong galit din si nanay sa akin dahil hindi niya ako kinikibo. Alam kong galit silang dalawa ni tatay dahil sa ginawa ko.

Napapikit ako nang mamasa ang aking mata. Ayoko na. Nakakapagod ng umiyak na wala namang nangyayari. Pagod na akong magmukmok dito at walang gawin. Pagod na akong maghintay kahit wala namang dumadating.

You promise me you'll be back. Where are you now baby?

Nanatiling nakatitig lamang ako sa kisame at hindi alam kung ano ang gagawin. Konti nga lang ang kinain ko sa dinalang pagkain ni nanay.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya napasulyap ako duon. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa kisame nang makita ko kung sino ang pumasok.

"Bakit ka nandito? Baka pagalitan ka ni tatay." Paos ang boses nang sabihin ko yun.

Napabuntong hininga siya saka umupo sa aking kama. Nanatili lang akong nakatitig sa kisame at hindi siya nililingon.

"Inutusan ako ni nanay na magbihis ka raw dahil magsisimba tayo." Narinig kong sabi niya.

Napabuntong hininga ako saka umayos ng upo sa kama. Sinulyapan ko siya saka tumango.

"Lumabas kana. Hintayin niyo nalang ako." Tipid ang ngiting ani ko.

Lumungkot ang bakas ng mukha ni Jelian saka ako niyakap patagilid. Hindi ko alam kung bakit dahil sa pagyakap niya ay biglang tumulo ang aking luha.

"Just wait ate. Alam kong babalikan ka ng boss mo. Magpaganda ka ngayon ah? Ngayon kana ulit lalabas kaya dapat blooming ka." Pabiro pang ani niya.

Natawa ako ng bahagya. "Kahit hindi naman ako magpaganda, eh maganda naman talaga ako." Pabiro ko ding saad.

"Hindi ko alam na mahangin din pala ang ate ko." Ani niya saka kumalas sa pagkakayakap. Pinunasan niya ang aking luha saka ako tiningnan sa mata. "Basta gawin mo ang sinabi ko ah? May magandang sorpresa si lord sayo." Makahulugan niya akong tiningnan bago siya tumayo at lumabas ng kwarto.

Napakunot ang noo ko dahil ang weird ng kilos ni Jelian. Ano namang sorpresa sa akin ni lord? Bibigyan ba niya ako ng sign na patuloy lamang maghintay? Kung ano man yun, sana maganda.

Nanghihinang tumayo ako sa kama ngunit napahawak ako dito. Ipinilig ko ang aking ulo dahil bigla akong nahilo. Naupo akong muli saka kinuha ang tubig na nasa side table. Tatayo na sana ako nang maka amoy ako ng malansa.

Suminghot ako. "Ang lansa.."

Uminom ulit ako ng tubig saka ito nilagay ulit sa side table. Napatingin ako sa platong may pritong itlog na hindi ko naman kinain. Inilapit ko ang ilong sa itlog saka ito inamoy.

Muntik pa ako maduwal kaya natakpan ko ang aking bibig. Naduwal ulit ako at tumakbo na ako papuntang banyo dahil hindi ko na kayang pigilan.

Duon ay sumuka ako na puro tubig lang naman. Pinunasan ko ang aking bibig saka ipinilig ang ulo.

Ito na siguro ang epekto ng taong hindi lumalabas ng bahay. Ngayon ko lamang ito naramdaman kaya hindi ko alam kung may nakain ba akong expired na pagkain o ano. Siguro yung itlog dahil iba ang amoy. Sobrang lansa.

The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon