Cathlyn's Po'V
Kinabukasan ay maagang umalis si Jackson. Tanghali pa ang meeting niya pero may aasikasuhin pa daw kasi siya tungkol sa project na gagawin niya kasama si Mr. Ying. Hindi niya ulit ako pinasama at maghintay nalang ako hanggang sa maka uwi siya. Dahil sa pagka boryo sa kwarto ay tinawagan ko si Portia.
"Uy, bakla! Kaloka! Bakit ngayon ka lang napatawag?!"
Inilayo ko ang phone sa tainga ko dahil sa tinis ng boses ni Portia.
"Pwede naman sigurong hindi tumili diba?" Sarkastiko kong tugon.
Napabungisngis siya. "Sowey naman bakla. Oh, napatawag ka? Miss ko ako?" Pang-aasar nito.
Umirap ako. "Boring kasi dito. Wala akong maka usap."
"Hindi mo ba kasama si boss, bakla? Wala ka bang trabaho diyan? Uy, ikaw ah."
Napakagat labi ako. Nagiisip ng pwedeng palusot.
"Kasama ko si Jack–boss. Nasa meeting pa siya kasama si Mr. Ying. Hindi niya ako pinasama dahil may ibinilin siyang trabaho sa akin." Nakagat ko ang sariling dila dahil muntik na akong mabuko. Mabuti nalang at napigilan ko. Alam ko pa naman ang utak ni Portia.
"Ang taray ah! Di ka talaga pinasama?" Parang nanghihinala pa na ani nito.
"Hindi nga kasi! May hinabilin nga na trabaho sa akin diba?" Pagsisinungaling ko ulit. "Kumusta ka naman diyan? Kayo ni Katrina?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Kaloka! Sunod-sunod ang trabaho namin dito, bakla. Ang sakit na sa bangs!"
Bahagya akong natawa. "Ganun ba? Mamaya nalang ulit kita tatawagan. Baka busy ka."
Napabuntong hininga si Portia. "Gusto pa sana kitang makausap bakla. Kaso korek ka, medyo busy ako."
"Oh, siya sige. Ibababa ko na ito."
"Sige, bakla. Bye."
Nang maibaba ko ang phone ay napatitig ako sa kisama. Nakahiga lang ako sa kama at walang magawa. May ilang oras pa bago umuwi si Jackson bago kami mamasyal.
"What to do?" Mahinang bulong ko.
Naisipan kong bumangon at mag order nalang ng pananghalian. Tutal, pasado alas diyes na ng tanghali.
Kumuha ako ng damit sa aking bagahe bago dumeretso sa banyo upang maligo. Nang matapos ako sa aking ginagawa ay pinatuyo ko ang aking buhok. Hindi pa kasi naisasauli ang hiniram ni Jackson na blower sa baba.
Hindi ko tuloy maisip kong paano niya ito hiniram. Hindi ko maiwasang mag-isip habang pinapatuyo ko ang mahaba kong buhok.
Maliban sa pamilya ko ay walang nakakaalam sa nangyari sa akin nuong koleheyo pa ako. Hindi ako mahilig mag kwento lalo na kapag hindi ko ito pinagkakatiwalaan. Pero kay Jackson, kusa akong napa kwento dahil tinanong niya ito.
Oo, dapat galit ako sa kanya. Oo, dapat kinamumuhian ko siya. Oo, dapat ko siyang iwasan simula nung ginawa niya sa akin sa elevator. But, for some unknown reason, hindi ko kayang tagalan.
Kung magalit man ako sa kanya, huhupa din ito. Kung iwasan ko man siya, palagi namang palpak. Kung kamumuhian ko siya, may paraan siya upang mawaglit yun sa akin.
Natigil ako sa aking pag-iisip nang marinig ko ang door bell. Mukhang nandito na ang order kong pagkain.
In-off ko ang blower saka ito ipinatong sa side table. Tumayo ako saka binuksan ang pintuan.
Kinuha ko ang order kong pagkain saka ito pinasok sa loob. Binuksan ko ang takip ng mga pagkain saka ito inamoy.
"Ang bango...." Nakapikit kong bulong.
BINABASA MO ANG
The CEO's Secretary [Published Under KPub PH]
Romance-My darkest memory is the reason why I hate boys. The reason why I can't love them. But then, he, is the reason why I realize something- Cathlyn Mae Celso Relavo was a simple girl. Wala sa isip niya ang mag boyfriend. Dahil para sa kanya, lahat ng m...